Kabanata 6
"Attention everyone!"
Lahat kami ay parang mga robot na nakuha ng atensiyon dahil sa boses na iyon ni sir Vincent.
Nakahelera kaming lahat sa loob ng kitchen habang nakatingin sa kaniya at nagtataka.
"So today is our anniversary. And we decided to throw a small party tonight. We are temporarily closed and we will enjoy for the rest of the day," anunsyo nito habang nakangiti.
Agad namang naghiyawan kaming mga empleyeado.
"Oh my gosh! This will be exciting!"
"Gosh, kailangan ko bumili ng dress!"
Nangingiti lang ako habang nakatingin sa mga co-workers ko na masayang-masaya dahil sa binalita ni Sir Vincent.
"And Vixon will join us here tonight," pahabol na sinabi ni Vincent bago ito dire-diretsonglumabas ng kusina.
Mas lalong lumakas ang ingay sa paligid dahil sa pasabog na surpresa. Pero sa kaalamang nandito si Vixon parang ayoko na lang dumalo.
Minsan kong naging manliligaw si Vixon na kapatid ni Vincent. Mas seryoso iyon at strikto pagdating sa trabaho kumpara kay Vincent. Magaling din humawak ng negosyo pero ang huling balita ko ay nasa Japan na ito.
Hindi ko alam kung nagkataon lang araw nang bastedin ko siya. Dahil kinabukasan din ay lumipad na ito patungong Japan. Laking pasasalamat ko na lamang na walang nakakaalam na nililigawan niya ako noon.
Wala namang special treatment sa akin. Fair pa rin naman at tutok ang mga manager huwag lang magkaroon ng discrimination sa trabaho.
Lumabas ako ng kusina at may mga staff na nag-aayos ng mga lamesa at upuan. Nakasarado na rin ang restaurant at mukhang naghahanda na para sa party mamaya.
Nagpalinga-linga ako sa paligid ng hindi makita ngayong araw si Kaleb kaya lumabas ako upang tingnan siya. At doon ko siya namataan na prenteng nakaupo sa single chair sa sulok. Aside sa spce sa loob ng restaurant, mayroon talagang espasyo sa labas.
Napansin kong nakadekwatro ito at malayo ang tingin.
Napangiti ako dahil ang angas niyang tingnan. Hindi rin siya naka-uniform at nakasuot lamang ng faded jeans at plain white long sleeve polo na nakatupi ang dulo hanggang siko.
"Kaleb!"
Nang tumingin siya sa akin ay patakbo na akong lumapit sa kaniya. Kumurba ang ngiti sa labi niya at inayos ang pagkakaupo.
"Ang g'wapo natin ngayon, hah?" bungad ko habang pinagmamasdan ang ayos niya.
Tumaas lang ang kaliwa niyang kilay at bahagyang nagkamot pa. "Hmm, I just arrived a few minutes ago..." aniya.
Hinila niya ang isang single chair at nilagay sa tabi niya. Humakbang ako palapit at umupo roon.
"Kamusta ang interview?" tanong ko.
I was feeling excited about him. Ngunit unti-unting napawi ang ngiti sa kaniyang labi kaya nagtatakang nagsalubong ang kilay ko.
"Hmm?"
He just sighed but he didn't respond.
"May problema ba? Hindi ka ba nakapasa o ano?" sunod-sunod kong tanong.
Naging seryoso ang mukha niya at dahan-dahang dumantay ang ulo sa balikat ko kaya nataranta na naman ako.
"Uy, baka ma tsismis tayo..." sabi ko at inaalis ang ulo niya sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...