Kabanata 15

5K 148 7
                                    

Kabanata 15

Warning: R-18 (SPG)

Private

Natigilan ako habang nakatitig sa kaniya.

Nag-igting ang kaniyang bagang, seryoso ang mukha at mabilis na tumalikod. I was hoping that he would help me to get up yet, he left me.

Dali-dali akong tumayo at hindi na tinanggap ang tulong ng tatlo. Patakbo kong hinabol si Kaleb kahit na mahapdi ang tuhod ko dahil sa pagbagsak ng katawan sa buhanginan.

Hindi ko na rin pinansin ang pagtawag sa akin nina Vixon, Niguel at Yhael. All I want is to reach Kaleb and explain to what he saw.

"Kaleb!" I called him.

Nag-init ang bawat sulok ng mata ko dahil hindi man lang siya lumilingon sa akin. Binilisan ko ang takbo at ininda ang mahapdi sa tuhod hanggang sa maabutan ko siya.

Agad kong hinagilap at hinawakan ang kaniyang braso kaya napahinto siya sa paghakbang. Napayuko ang ulo ko dahil sa hingal.

"M-Mali ang iniisip mo..." hinihingal kong sinabi.

Hindi siya sumagot kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya at saktong lumingon din siya.

He looks so serious and a bit intimidating. Magkasalubong ang kaniyang makakapal na kilay at malamig ang mga mata.

My heart tightened.

"Muntik na akong matamaan ng bola kaya kinabig ako ni Vixon pero nawalan kami pareho ng balanse kaya dalawa kaming bumagsak..." hinihingal pa rin ako.

Bumaba ang tingin ko sa tuhod ko nang naramdaman ang pagkirot doon. Biglaan at malakas ang bagsak ko kanina, sumayad din ang tuhod ko sa buhangin ka nagasgasan iyon.

"Why are you with those guys? Why are you with Vixon?" malamig niyang tanong.

Napalabi ako at umangat ang ulo. "It was an incident. Hindi ko inaasahan na magkikita kami at 'yong dalawa... bigla lang din sumulpot."

"Did they say something to you?"

Kumunot ang noo ko sa kaniya at umiling. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang bumakas na takot sa kaniyang mga mata ngunit mukhang hindi naman dahil malamig pa rin iyon.

Malalim siyang bumuntong hininga at tumango. Tumayo ako ng maayos at ininda ang kirot. Pilit akong ngumiti sa kaniya nang dahan-dahang bumaba ang mata niya sa tuhod kong puno ng buhangin.

He shook his head as he sighed deeply.

Unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko at marahang pinagpagan ang tuhod subalit mahina akong napadaing dahil sa gumapang na kirot.

"May gasgas," komento niya.

Napalabi ako.

Naramdaman ko na lamang na binuhat niya ako na pa-bridal style kaya umangkla ang braso ko sa kaniyang leeg.

Nag-umpisa na siyang humakbang paalis ngunit sunod-sunod na flash ng camera ang napansin kong kumukuha ng larawan namin at hindi ko alam kung bakit.

Naririnig ko na lamang ang mahihina at nagpipigil na boses ni Kaleb. Sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa mga tinginan ng mga staffs na para bang may ginawa akong masama.

"You okay?" he asked worriedly as he kissed the side of my head and it made me grin a little as I felt calm.

"Okay lang ako medyo mahapdi lang ang tuhod ko..." sabi ko.

Napadukdok muli ako sa dibdib niya nang makapasok kami sa elevator at may mga sakay na empleyado ng resort.

"Good afternoon, Sir-"

Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon