Kabanata 20
Promise
"Class dismiss!" imporma ng professor namin at diretso nang lumabas ng classroom.
Tumayo na rin ako at nagligpit ng gamit nang may biglang kumalabit sa akin kaya bahagya akong napaigtad sa gulat.
It's been two weeks since our class started. At ngayon lang talaga may pumansin sa akin kaya nagulat ako.
Dahan-dahan kong nilingon ang taong kumalabit sa akin at tumambad sa harapan ko ang nakangiting mukha ng kaklase ko.
"Hi," he greeted.
Napangiwi ako at bumati na lang din pabalik. " Hello."
Napakamot siya ng batok at halatang nahihiya. Binalingan ko ang inaayos na bag at sinukbit iyon sa kaliwang balikat bago bumalik ang atensiyon sa kaniya.
"May kailangan ka?" tanong ko.
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Mas matangkad siya sa akin kaya napatingala pa ako ng konti.
Bumalik ang tingin ko pataas sa kaniyang mukha ng wala akong nakitang ID niya kaya hindi ko rin alam kung anong pangalan niya. Hindi rin naman kasi ako nagmamasid sa loob ng room.
Ngumisi siya at mabilis na umiling-iling. "Wala naman, by the way I'm Nelson," pagpapakilala niya at naglahad ng kamay sa aking harapan.
Napatango ako at tinanggap ang kaniyang kamay.
"Kyline," sambit ko.
We shook our hands for a moment as I quickly pulled back my hands. Ang gaspang ng kaniyang kamay at hindi mo aakalain na gano'n dahil sa mestizo niyang balat.
"Anyway, sabay na tayo pauwi. Madalas kitang makita na naglalakad mag-isa. Tapos nakita rin kitang naka-uniform ng mga empleyado sa Ishi's restaurant. Working student ka?"
My eyes widened in shock. I didn't know that he always saw me since this was the first time I talked to one of my block mates
Tumango ako at tipid na ngumiti.
"Oo. Scholar lang ako rito," sambit ko at mabilis na napalingon sa pintuan ng classroom nang napansin na iilan na lang kaming natira sa loob.
At dahil na rin sa tulong ni Kaleb kaya nakapasa ako sa entrance exam.
"Edi pareho pala tayo. Working boy din ako sa coffee shop sa harap ng Ishi's restaurant kaya madalas kitang makita," aniya.
Mas lalong namilog ang mga mata ko sa hindi inaasahang malaman. Lumundag sa tuwa ang dibdib ko. Iba pa rin talaga kapag may nakakausap kang kapareho ng estado mo sa buhay. Napaka komportable.
"Scholar ka rin?"
Ngumiti siya at tumango. "Yes."
Kung ganoon mukhang hindi na ako mahihirapan makipag-usap sa mga sosyalin kong kaklase. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Good to know. Akala ko talaga ako lang ang mahirap dito," halos pabulong kong sinabi.
He then chuckled. "Me too, pero ngayon hindi na."
Napaawang ang labi ko nang bigla niya akong hawakan sa kamay at hinila palabas ng classroom.
"Teka—"
"Sabay na tayo palabas. Sasabayan na rin kita maglakad pauwi."
Napakurap-kurap ako dahil sa kaniyang mga sinabi. I was about to protest but he walked fast as if he was chasing for something.
"Dahan-dahan naman," reklamo ko ngunit tumawa lang siya at dire-diretsong lumabas ng gate ng school kahit na may mga iilan na students ang tumitingin sa amin dahil sa mabilis niyang paghakbang.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...