Kabanata 1

11.3K 265 9
                                    

Kabanata 1


Ulan

Days had passed and I am still doing my work well. Hindi na ako nababastos pa dahil na rin sa bagong empleyado sa restaurant. Pero hindi ko na ulit nakita si Darryl.

Lagi akong nakangiti sa tuwing nag se-serve ng mga order pero napapawi iyon kapag nahuhuli kong nakatingin sa akin si Kaleb ang bagong delivery boy.

Akala ko talaga mayaman siya. Pero nang pinakilala siya ni Sir Vincent sa amin, doon lang ako naniwala na mahirap lang talaga siya.

Siguro nga pinagpala lang siya sa pisikal na anyo.

"Siguro nang nagpaulan si God ng kakisigan at magandang lahi sinalo niya," mahinang usal ko sa sarili.

Nakaka-insecure lang, ang gwapo niyang mahirap. Kahit na titigan mo siya sa pisikal parang walang bakas ng sugat o peklat sa katawan.

Kung pagmamasdan naman siya ay talagang makaagaw ng atensyon.

Matangkad, maganda ang hubog ng katawan at kahit nakasuot ng employee uniform mahahalata pa rin na may abs siya dahil sa malaki niyang braso na... maugat pa.

Napalabi ako at hindi inalis ang tingin sa kaniya habang nakangiti siya at kausap ang isang katrabaho.

His natural tan skin, thick eyelashes, short fade haircut na talagang bumagay sa kaniya, at ang lalo pang nakakaakit sa kaniya ay ang tsokolateng mga mata.

Napalunok ako at hindi maalis sa kaniya ang tingin nang makaramdam ng kamay na kumakalabit sa akin.

"Gwapo 'no?"

Lihim akong napaigtad nang narinig ang boses ni Kendra. Hindi maikakaila na gwapo nga siya pero mukhang hindi mapagkakatiwalaan at mukhang, babaero.

Mabilis akong lumingon kay Kendra at umiling-iling.

"Hindi naman. Mukhang gago..." sabi ko.

Tumalikod na ako ngunit bigla niya akong pinigilan.

"Ano ka ba Kyline! Kailangan mo na yata magsuot ng salamin sa mata," anito na kinasimangot ko.

Bumaling siya sa pwesto nina Kaleb kaya lumingon din ako pabalik doon at saktong nakatingin na sa amin ang binata na may ngisi sa labi.

Lumapad lalo ang ngiti niya nang magtagpo ang mga mata namin. Umangat ang kamay at kinakamot-kamot ang gilid ng labi. Mahinang tumili si Kendra kaya napaismid ako.

"Kyline, ang gwapo ni Kaleb!" mahinang tili niya na akala mo'y nakakita ng artista.

Napadiretso ako ng tayo at akmang maglalakad na ako pabalik sa kitchen nang muli kong tingnan ang pwesto ni Kaleb na may kausap na ngayon na babae.

Napangisi ako, nilingon ko sa gilid si Kendra at tinapik ang kaniyang balikat. Unti-unting napawi ang kaniyang ngiti sa labi.

"Sabi sa'yo, babaero 'yan..."

Naglakad na ako palayo pero narinig ko pa ang pagmamaktol ni Kendra kaya pailing-iling na lang ako.

Isa-isa kaming napaayos ng tayo nang pumasok si Sir Vincent sa loob ng kitchen kung nasaan kami. Siniko-siko pa ako ni Kendra sa gilid ko kaya binalingan ko siya.

Kinakagat-kagat niya ang kanyang labi habang nakatitig ng maigi kay Sir Vincent. Pumungay ang mata ko at ibinalik ang atensyon kay Sir.

Hindi ko rin masisisi ang mga kasamahan ko sa trabaho na pinagpapantasyahan si Sir Vincent.

Gwapo naman kasi talaga siya, at kung pagmamasdan ay mas may ibubuga pa siya sa ibang mga artista.

May pagka-singkit ang kaniyang abong mga mata na mas lalong nakakakuha ng atensyon. Matangkad din siya kagaya ni Kaleb— Teka! Ba't ko siya naiisip!

Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon