Kabanata 3
Friends
Nakasimangot ako pagkatapos mabasa ang updated announcement sa page ng Estevez University dahil sa gulong nangyari kamakailan lang. Pero okay na rin siguro iyon para makapag review pa ako sa darating na exam.
Sinarado ko na ang pintuan ng apartment at saktong bumukas ang katabi kong kuwarto.
Napalingon ako roon dahil sa pamilyar na pabangong nanunuot sa aking ilong. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko nang makilala ang taong iyon.
"Good morning, Kyline..." he greeted nicely.
But instead of responding I just rolled my eyes at him feeling irritated.
"Walang maganda sa umaga ko kung ikaw ang makikita ko!" inis kong sambit at mabilis na tumalikod.
Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagkayamot sa kaniya.
"Pero ikaw ang umagang kay ganda sa paningin ko," anito.
Napatiim-bagang ako at gusto siyang bulyawan ngunit mas pinili kong pinigilan ang sarili. Relax self.
Hindi ko na siya pinansin at nag-umpisa nang mai-lock ang pinto at sunod nang naglakad palayo upang makapag-abang pa nang dadaan na tricycle.
Binuksan ko ang bulsa ng bag ko upang dukutin ang wallet ngunit sa kasamaang palad mukhang nakalimutan ko pa ito.
Napatayo ako ng diretso at bumuga nang marahas na hangin bago tumalikod ngunit napatalon ako sa gulat nang nakita siyang nasa harapan ko.
"Anong ginagawa mo?!" sikmat ko.
Nagkamot siya ng ulo at hilaw na ngumisi. "Lagi ka na lang sumisigaw. Hindi ba sumasakit iyang lalamunan mo?"
Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. "Wala kang pake!" sabi ko at tumalikod na.
Bumalik ako sa loob ng apartment ko. Buti na lang pala maaga akong nag-ayos kaya hindi ko kailangan magmadali.
Nagtungo ako sa aking silid at agad kong hinagilap ang wallet ko ngunit hindi ko makita. Hanggang sa marinig ko ang pag-alis ng motor ni Kaleb.
"Nasaan na 'yon?" bulong ko sa sarili.
Halos mahalughog ko na ang ilalim ng kama ko. Nagtungo naman ako sa sala baka naiwan ko roon pero hindi ko rin nakita.
Shit. Napatayo ako at muling hinanap sa loob ng bag ngunit wala talaga.
Namaywang ako at napatampal sa sariling noo. "Saan ko naiwan iyon? Nandoon pa naman lahat ng ID's ko..."
Napabuga ako ng hangin at inulit-ulit ang paghahanap sa bawat apt na sulok ng bahay pero wala.
Nag-init ang bawat sulok ng aking mata dahil halos lagpas treinta minutos na akong naghahanap pero hindi ko pa rin makita-kita.
Naglakad ako patungo sa bag kong nakapatong sa sofa at dinukot ang cellphone. Hindi rin ako makakapasok sa trabaho kapag wala iyon.
Mabilis kong tinawagan si Kendra upang ipaalam sana na baka mali-late akong pumasok. Nakakahiya dahil paniguradong nandoon si Vincent.
Napahilamos ang kaliwang kamay ko sa sariling mukha dahil sa frustration. Lahat pa naman ng sahod ko last month nandoon.
Hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha sa mga mata habang pilit inaalala kung saan ko ba nailapag iyon.
After a few rings, hindi pa rin sinasagot ni Kendra ang tawag ko. Sinubukan ko muling i-dial ang number niya nang may biglang kumatok sa pintuan ng apartment.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...