Kabanata 19

4.5K 151 4
                                    

Kabanata 19

Start

"Letche ka, bitiwan mo nga ako!" singhal ko sa kaniya, ngunit lalong humigpit ang kaniyang yakap sa aking balakang at kung sakali man na magtagal pa 'to ay paniguradong bibigay na naman ako.

"Ayoko nga kasi. Mag-usap muna tayo," mahinahon niyang bulong.

"Wala tayong dapat pag-usapan! Kaya umalis ka sa ibabaw ko!" I tried to push him but he just smirked and bit my neck. Napasinghap ako.

"There is- Aww!"

Mariin kong kinagat ang kaniyang balikat kaya agad siyang napahiyaw sa sakit at napatayo. Napangisi ako at nagmamadaling bumangon at patakbo nang lumabas ng apartment.

"Aw, Kyline, let's talk!" he shouted.

Hindi ko pinansin ang malakas niyang tawag at dire-diretso lang na pumara sa puting taxi na saktong dumaan sa aking harapan.

Nakahinga lamang ako nang maayos nang nakasakay na sa loob. Shit! Muntik na 'yon, kung hindi ako nakaalis paniguradong sa kama ang bagsak ng usapan namin.

Inayos ko ang nagulo kong buhok at napabuntong hininga nang lingunin ko ang taxi driver.

"Manong, sa Ishi's r-restaurant po," hinihingal kong sinabi at unti-unting sumandal ang ulo sa upuan at napapikit ang mga mata.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari. Napahawak ako sa aking leeg at marahan hinaplos ang parte na kinagat ni Kaleb.

Naninindig ang balahibo ko sa batok dahil sa init na gumapang sa aking sistema na parang nagmarka sa pagkatao ko.

Shit, he's deranged!

Dahan-dahan napakunot ang aking noo ko dahil hindi pa rin umaandar paalis ang sasakyan kaya agad akong nagmulat ng mga mata at napaayos nang pagkakaupo.

"Manong-"

"Ang gwapo ko namang Manong, Miss..." malakas siyang humakahak kaya napaawang ang aking labi ko nang nakita ang kaniyang mukha nang lumingon siya.

"Y-Yhael?" usal ko.

"Yes?" he smirked. "Saan tayo ulit, Ma'am?" muli siyang mahinang natawa.

Napapahiya akong napahawak sa pintuan ng sasakyan at akmang bubuksan ito ngunit agad niyang nai-lock ang pinto.

"T-Teka, akala ko taxi," halos pabulong kong sinabi.

Nakakahiya ka self!

Muli siyang suwabeng humahalakhak kaya napa kurap-kurap ako at hindi mapigilan ang mapatitig sa kaniya. I suddenly felt gloomy when I realized that he's the brother of Kaleb.

"It's fine, sa restaurant din ang punta ko..." he winked and it made me blush a bit.

"H-Hindi ko talaga alam, pasensya na. Bababa na lang ako..."

He frowned. "It's fine, Kyline, don't be sorry."

"Paano n'yo nalaman ang pangalan ko?" sambit ko. Oh baka talagang sinabi ni Kaleb.

"Sa ganda mong 'yan, imposibleng walang makakilala sa'yo," ngumisi siya nang sabihin 'yon kaya umiwas lang ako ng tingin.

Hindi na ako nagsalita pa. Nanatiling tikom ang bibig ko hanggang sa umandar na paalis ang kotse. Nilingon ko ang apartment na pinanggalingan ko at nakitang lumabas doon si Kaleb na nagmamadaling sumakay sa kaniyang motorsiklo.

Napairap ako sa kawalan at umayos ng upo habang iniisip ang mga mangyayari. Hanggang sa makalipas ang ilang minuto nang nakarating kami sa harap ng restaurant.

Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon