Kabanata 13
Everything
Mahina akong napadaing dahil sa nakakakiliting sensasyon ang gumagapang sa buong sistema ko.
"Sleepyhead, wake up..."
Nalukot ang noo ko at ramdam ko ang mainit na hiningang tumatama sa mukha ko ngunit hindi ko magawang magmulat dahil sa pagod na pakiramdam.
"Hmm..." mahina akong napadaing at napabuka ang bibig nang maramdaman ang kamay na marahang humahaplos sa mukha ko pababa sa leeg.
Gusto kong dumilat ngunit naaakit ako sa magaspang na kamay na patuloy pa rin sa paghaplos na nagdudulot ng pamilyar na epekto sa kalamnan.
Am I dreaming? Or is it real?
"Baby, wake up..." muling bulong ng pamilyar na tinig.
Napaliyad ako nang naramdaman ang pagpatong ng mabigat na bagay sa ibabaw ko. Mas lalong nagwala ang kalamnan ko at bumilis ang tibok ng puso.
"I-I'm sleepy..." I uttered as I realized Kaleb's husky voice.
Sumiksik ang kaniyang ulo sa leeg ko at mas lalo pa akong nadadarang sa init dulot na dulot ng kaniyang buhok at nagbibigay kiliti.
Muli akong napadaing nang pinagapang niya ang kaniyang daliri sa mukha ko, sa ilong ko pababa sa labi. Pinaglalaruan niya iyon.
"Kapag hindi ka pa nagising... I'll ended up taking you..." napapaos niyang bulong.
Nanatili akong nakapikit at walang planong dumilat. I want to stay like this, it feels good and relaxing but unfortunately, he speaks again and warned me.
"I'll count one to three, at kapag hindi ka pa nagising..." he paused for a while as I hummed.
Nanatili akong walang imik at hinihintay ang sunod niyang sasabihin.
"Bubuntisin kita ngayon-"
Mabilis na bumukas ang mga mata ko at napabalikwas.
"What?! Gising na ako!" agap ko.
Malakas siyang tumawa kaya inaantok akong napaismid sa kaniya. "Sira ka talaga, inaantok pa ako, eh," maktol ko.
Pumikit-pikit ako at parang lantang napayuko. Bigla naman siyang lumapit sa akin at iniyakap ang isang braso paikot sa aking baywang.
Pumatong ang ulo niya sa balikat ko at marahang pinatakan ng halik ang magkabilaan kong pisngi.
"Still sleepy?" bulong niya.
I frowned as I nodded.
He chuckled. "You can go back to sleep later, but for now we have to take our lunch first, it's lunchtime already."
Napakurap-kurap ako at dahan-dahang inangat ang ulo. "Anong oras na ba? Nandito na ba tayo?"
Binuksan ko ang mga mata at pupungas-pungas na lumingon sa kaniya.
"Opo, kanina pa. Ang haba na ng tulog mo, and it's already quarter to 4 in the afternoon," kalmado niyang sabi.
Tuluyan na akong nakadilat at nahihiyang tumingin sa kaniya. "Sorry, kumain ka na ba?"
Umiling siya.
"Hinihintay kita magising," ngisi niya.
Mas lalo akong napabusangot dahil sa sinabi niya. "Dapat nauna kana kumain."
"Nah, it's fine. I want to eat you..." anito na kinataranta ko.
"Ano?!"
"I mean I want to eat with you..." he repeated with a playful smile on his lips.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...