Chapter Three

79 7 2
                                    

Ashley,

Unti unti kong sinuri ang mga gamit sa bahay. Ang laki naman ng bahay niya, ganito ba talaga ang mga bahay ng mayayaman? Nagpalinga linga ako ng tingin saka pinagmasdan ang buong bahay.

"Sobrang yaman niya naman para sa isang Mayor? O baka naman, galing sa kaban ng bayan ang ginamit niyang pampatayo nitong mansyon niya?" Kausap ko sa sarili ko.

"Shoudn't you have some proof?" Napalayo naman ako dahil sa gulat dahil sa pagbulong niya sa tenga ko.

"Aissh. Wag ka nga pabigla biglang sumusulpot!" Inis na turan ko. Tumawa naman ito. Hindi ba siya napapagod kakangiti at tawa? Kami nalang dalawa. Impossibleng nagpapakitang tao parin siya?

"Feel free to look around and find anything that's suspicious" Sabi nito saka kumindat na naman. May sakit ba siya sa mata? Kanina pa hindi natitigil sa kakakindat eh.

"Pssh.. sigurado akong tinago mo na lahat ng mga pwede kong makita." Turan ko. Tsaka naglakad at tumingin tingin pa sa loob. May nakita akong mga frame ng picture niya sa may pader kaya naman tumigil ako doon at pinagmasdan ito. Bakit parang ang ganda naman niya sa litrato? Ang kapal siguro ng make up. Pero, sobrang ganda niya talaga sa mga litrato.

 Pero, sobrang ganda niya talaga sa mga litrato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Model ba siya? Grabe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Model ba siya? Grabe.

"Opps. You're drooling" Nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na ito at hinawakan pa ako sa baba at itinikom ang bibig ko. Tinapik ko naman ang kamay nito saka umatras.

"Hindi ako naglalaway. Hindi ka naman ganon kaganda para maglaway ako!" Sigaw ko. Napakadefensive ko sa dating na yun.

"Okay okay. I heard you. You don't have to shout. Anyway, let's go. Hatid kita sa magiging room mo" sabi nito saka ako hinatak paakyat ng hagdan.

Nang makarating kami sa pangatlong pinto ay binuksan niya ito saka ako pinapasok. Sumunod naman siya ng makapasok na ako.

"This will be your room for the meantime. Yan ang banyo. At ito yung closet mo. Pwede mong ilagay dito yung mga damit mo. Ang katabi nitong kwarto ay office ko. At ang katabi ng office ay kwarto ko. If you need anything just knock. Magbihis kana at kakain na tayo" Mahabang sabi nito saka ako iniwan sa loob. Ang laki naman ng guest room na 'to. Iba talaga kapag politiko. Iginala ko ang paningin ko. Halatang wala pang nakakagamit ng kwartong to. Ganito bahay niya pero mag isa lang siya? Bukod sa guards wala na ba siyang kasama sa ganito kalaking bahay?

Inayos ko naman ang mga damit ko sa closet saka ako nagbihis. Natagalan pa ako sa dami ba namang binili kanina. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain.

"Nandyan kana pala. Kain na tayo. Para makapagpahinga kana rin" Aya nito.

"Ang bait mo naman ata? Tigilan mo na pag iinarte, tayong dalawa nalang nandito." Sabi ko naman saka naupo sa may upuan.

"Whatever. Isipin mo kahit anong gusto mong isipin. Let's eat" yun lang at nagsimula na kami g kumain. Nag order lang siya ng pagkain. Baka hindi marunong magluto.

"Hindi ka ba marunong magluto? Halatang inorder mo lang 'tong pagkain" puna ko. Ngumiti naman ito saka umiling.

"Pssh. Sayang ng pera. Sabagay, mayaman ka naman" Sabi ko nalang.

"Anyway, I still have so much to do. If there's anything you need just knock on my office. At pakiligpit na din yan" Utos nito kaya tinignan ko naman ito ng masama pero tumalikod lang ito ng nakatawa saka umakyat na.

"Aissshhh. Assistant ako. Di ako yaya!" Sigaw ko para marinig niya. Sa tingin ko nagtitake advantage siya sa akin. Wala akong nagawa kundi iligpit ang mga pinagkainan namin.

Habang nagliligpit ay nakaisip naman ako ng ideya. Ngayong hindi siya nakabantay sa akin. Chance ko na para makahanap ng ebidensya na may ginagawa siyang anumalya bilang isang tao ng gobyerno. Tumatawa na ako sa isip isip ko dahil sa balak ko. Minadali ko na ang pagliligpit saka dahang dahang sumilip sa taas. Busy nga siguro. Uunahin kong halungkatin ang mga kwarto dito sa baba.

Pumasok naman ako sa unang kwarto. Buti nalang at bukas ito. Pagkapasok ko ay may nakita akong computer set up na sa tingin ko ay ginagamit sa paglalaro ng mga computer games. May nakita din akong malaking TV at may mga controllers sa coffee table. At may malaking sofa sa harap ng TV. Mukhang alam ko na kung anong kwarto 'to. Game room. Mahilig siya maglaro. Haays. May nakita akong pinto na kumokonekta sa Game room at sa isa pang kwarto kaya naman ay pumasok ako doon. Pero puro naman equipments naman sa pag eexercise ang nakita ko. Grabe. May Gym din siya sa loob ng bahay? Nag ikot ako baka malay niyo may mga secret drawer. Pero wala naman akong nakita.

Sunod akong pumasok sa isa pang kwarto at mukhang movie room naman ang napasukan ko. Napabuga ako ng hangin saka naupo sa sofa. At parang may isang bombilyang umilaw sa utak ko.

Bakit nga ba di ko naisip ang opisina niya? Nandoon pa kaya siya? Haay. Tignan natin. Sigurado akong doon nakatago lahat. Dahan dahan akong umakyat ng hagdan. Maingat ang mga hakbang ko para hindi niya ako marinig. Saka ko tinungo ang harap ng pintuan ng opisina niya. Inilapat ko ang tenga ko sa pinto nito saka pinakinggan ang nasa loob pero wala akong naririnig na kahit na anong ingay. Baka wala na siya sa loob? Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto at huli na para makarecover ako dahil bumagsak ako. Pero teka, itinaas ko naman ang kamay ko saka kinapa ang binagsakan ko.

"Your holding my right boob" Nanlaki ang mata ko saka napatayo ng mapagtanto kong nabagsakan ko pala ang katawan ng Mayor na 'to. Napalakas ata ang pagkakasandal ko sa pinto dahil sa kagustuhan kong marinig ang mga nangyayari sa loob.

Tumayo na din ito at inayos ang sarili.

"A-ah. Titignan k-ko lang kasi kung tulog kana" Palusot ko pero ngumisi lang ito.

"Ms. Ashley Hermosa, there's no need for such a lame excuse. What you did right now is enough" Sabi nito habang nakangisi. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Wala akong ginagawang masama!" Inis na saad ko.

"How about this?" Tanong nito saka tinuro ang kanang dibdib niya. Biglang uminit naman ang mukha ko. Ah. Kaasar tong babaeng 'to.

"Alam mo? Matulog kana. Puro ka imahinasyon!" Yun lang at iniwan ko na ito sa loob ng opisina nito saka dumiretso sa kwarto ko. Padabog akong nahiga sa kama.

Tanga mo Ashley! Paano ka makakakuha ng ebidensya niyan kung ganyan ka katanga?! Kinuha ko ang unan saka itinakip sa mukha ko at doon nagsisigaw. Khianna Illustre, sisiguraduhin kong hindi matatapos ang 1 buwan at may makukuha akong ebidensya. Mag antay ka lang.

First day palang Ashley. Kaya mo yan. Kakayanin mo yan.

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon