Ashley,
Lahat kami nakaawang ang bibig ngayon habang nakatingin sa loob ng refrigerator ni Khian.
"Paano tayo kakain? Wala man lang laman ang ref mo. Wala ka ding groceries. Nagugutom na ako" Reklamo ni Acel.
"Sabi ko naman kasi sa inyo di naman kasi ako dito naglalagi." Sagot naman nito sabay napakamot pa sa ulo. Gutom na kaming lahat dahil imbis na magpahinga e naglinis kami ng bahay. Hindi din kami makapagpahinga dahil sa alikabok. Halatang walang nangangalaga. Buti nalang ang kwarto kahit na papaano ay malinis. Kaya nga nakapag --- napailing naman ako ng maisip ko ang nangyari kani kanina lang. Nahuli kasi kami ni Acel sa gitna ng mainit na tagpo. Ang lalim ko naman sa part na yun. Hiyang hiya ako nung mga oras na yun pero hindi ako makapagreact sa gulat. Kaya ayun. Hindi na natuloy ang kung anong balak naming gawin. Bigla ko namang naalala ang mga peklat sa katawan ni Khian. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung san galing lahat ng yun. Ayoko naman siyang tanungin. Gusto kong siya mismo ang magkwento sa akin. Ayokong pangunahan siya sa mga bagay bagay.
"Ako na. Mamamalengke nalang muna ako sa bayan. Mamimili na rin ako ng mga kakailanganin natin pati lutong pagkain at mukhang gutom na tayong lahat" pagboboluntaryo naman ni Angelo.
"Ano namang alam mo dito sa lugar na 'to?" Tanong naman ni Khian na duda pa sa sinabi nito.
"Nakalimutan mo na ba? May lahi akong dora. Explorer ako." Pagbibiro nito na ikinailing ko na lamang.
"Pwede ba akong sumama? May mga kailangan akong bilhing parts para sa computer. Mukhang matagal na di nagamit ang computer mo dito sa bahay." Sabi naman ni Pat.
"Please be careful. Baka may makakilala sa inyo." Sabi ko naman. Kaya tumango nalang ang mga ito. May kinuhang susi si Khian sa drawer ng living room at kumuha din ito ng pera sa drawer saka iniabot kay Angelo.
"Gamitin mo yung pick up sa likod." Sabi nito. Nagsuot naman ng sumbrero ang dalawa saka umalis na.
Habang kaming tatlo ay naiwanan sa living room.
"Sinabi mo ba kay Angelo mga bibilhin? Baka makalimutan niya ang pagkain ha?" Tanong ni Acel na nakanguso na marahil dahil sa gutom. Natawa nalang ako.
"Ano ka ba? Pare parehas tayong gutom. Kaya imposibleng makalimutan niya yun. Saka isa pa. Alam niya kung anong kailangan dito sa bahay." Sagot naman nito.
"Why didn't you stock up on even just some canned goods? Para sana may makain tayo. Pinaglinis mo pa kami ng bahay mo. Wala ka palang pampakain." Reklamo ni Acel. Natawa nama ako. Akala mo e batang nagmamaktol.
"Ilang beses pa nga lang ako nakakapunta dito. Ang kulit mo. Di naman ako naglalagi dito. Kaya kung mag istock ako e masasayang lang." Sagot naman nung isa.
"Hayaan niyo na. Mabilis lang naman yung dalawang yun. Mamaya nandito na yun at makakakain din tayo." Sabi ko na lamang. Baka kasi magbangayan pa silang dalawa.
"O siya, magpapahinga na lang muna ako. Itutulog ko nalang muna itong gutom ko. Kayong dalawa, magpahinga din muna kayo. Uulitin ko, MAGPAHINGA. Hindi MAGPAHINGAL." Bigla namang uminit ang mukha ko saka nahihiyang napayuko.
"Lumayas ka nga sa harapan ko. Bibig mo walang preno" Sagot ni Khian. Halatang nahihiya din siya. Pero knowing her, hindi niya ipapakita yun.
Di pa man nawawala sa paningin namin si Acel ay hinila na ako ni Khian paakyat ng kwarto. Saka kami nahiga sa kama sabay nalang kaming natawa ng makahiga kami.
"Ulol talaga yang kaibigang kong yan. Pagpasensyahan mo na" turan nito. Niyapos ko naman ito kaya ganon din ang ginawa nito sakin.
"Ang cute niyong dalawa." Napangiti nalang ako. Saka ipinikit ang mga mata. Marahil dahil sa pagod kaya nakatulog din agad kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Campaign
RomantikKhianna, a politician, a Mayor. She is very famous because of being a good politician. She literally work for the people's sake. What will happen if she meet Ashley, an apolitical person who tries to ruin her image as a Mayor? What will happen if sh...