Khian,
I was busy reviewing all the proposed activities for the town fiesta. I am making sure that it will be a successful and safe event for San Isidro. Every year, inaabangan na nila ang mga ganitong klaseng events. At dahil nga sobrang dami kong meetings at mga projects na kailangang puntahan ay naghahire na lang ako ng mag oorganize ng mga activities. At pinapaaprobahan nalang din nila ito sa akin. Including the budget for a certain event. At kapag nalilibre ang schedule ko ay tumutulong ako sa pag aayos ng mga kailangang ayusin. O kaya naman ay chinicheck ko ang mga preparations nila.
Pagkatapos kong mareview ang proposals ay tumayo na ako at pumasok sa conference room para sa presentation nila.
"Good morning po Mayor!" Bati ng mga 'to ng makapasok ako. Dalawa silang nasa loob maliban sa secretary ko.
"Good morning. Ano ready na kayo?" Nakangiting tanong ko sa dalawa. Ilang taon na din na sila ang pinaghahandle ko ng mga events dito sa bayan.
Ilang sandali pa ay pumasok na din ang ibang opisyal at nagsimula na kami ng meeting.
"Saan naman mapupunta yung mga makukuha niyong funds?" Tanong ni Vice Mayor De Guzman. Siya parin ang nanalo. Dahil wala naman siyang kalaban kaya walang choice ang mga tao kundi iboto siya. Pero kung ako lang ang papipiliin ay tatanggalin ko siya. Kilalang kilala ko na kung anong klaseng tao siya. Basta pagdating sa pera. Nababaliw siya.
"Lahat ng makakalap po nating pondo ay mapupunta po sa pagpapaayos ng simbahan maging na din po para pondohan ang mga kompetisyong magaganap katulad nalang ng Pageant. Para sa ganon po ay hindi masyadong malaki ang pondong kukunin natin sa gobyerno." Sagot naman ng babae.
"Paano niyo masisigurong hindi mapupunta sa mga bulsa niyo ang pondo?" Muling tanong nito. Biglang uminit ang ulo ko.
"They've been handling events during town fiestas for several years. Kung mangunguha sila ng pondo, matagal na. At nalaman ko na yun" Seryosong sagot ko dito. Bigla naman itong natahimik saka umiling.
Matagal na kaming hindi nagkakasundo ni Vice Mayor. Pero dahil alam niyang mas mataas ang posisyon ko sa kanya ay hindi niya magawang manalo sakin.
Pagkatapos ng meeting ay nagpaalam na ako sa mga ito dahil pupunta pa ako sa site ng pinapatayo kong welfare center. That is one of my projects. I wanted to give every children a home where they can sleep and eat well. Marami kasi akong nakikitang mga batang lamsangan na natutulog lang kung saan sila abutan ng gabi. At bilang mga bata alam kong sobrang hirap non para sa kanila.
"Madame Mayor!" Tawag sa akin ni Gwen. Napatawa naman ako ng makasalubong ko ito. She's my classmate in High School.
"Loko loko" nasabi ko nalang bago tinanggap ang yakap nito bilang pagbati.
Malapit lang naman ito sa Minisipyo kaya ay nakarating din kami agad.
"Ano? Ready kanang makita ang kabuuan?" Nakangiting tanong nito. Napatingala naman ako habang tinitignan ang center saka napangiti.
Sabay kaming pumasok ni Gwen sa loob. Napahanga ako sa ganda ng pagkakatayo ng center. Siguradong matutuwa ang mga bata.
"Nakita mo naman siguro ang ganda ng disenyo ng Center. I totally make it based on the design. And I can say that the Architect who made was just genius." Sabi naman nito habang nakatingin kami sa dalawang palapag na building.
"Yeah. He's one of the best. But we cannot make it if it wasn't for you." Tugon ko naman na ikinangiti nito.
"So as you can see, meron tayo ditong malawak na parte kung saan pwedeng maglaro ang mga bata. This will be their playground." Turo niya sa malawak na parte sa unahan. Tumango naman ako saka kami naglakad papasok sa mismong building.
"Dito naman ang reception area. Syempre meron din ditong pantry. Tara akyat tayo" Paliwanag pa nito.
Ilang oras din bago natapos ang tour namin sa Center. And I'm gonna say it was the best.
"Thank you so much Gwen. This will be my grand surprise for my people this coming town fiesta." Nakangiting sabi ko habang nakasandig sa sofa. Nandito na kami ngayon sa may Pantry at kasalukuyang nagkakape.
"I am just so proud that the town have you as their Mayor. But I am also worried, you know Politicians are always in danger. Kalat na din sa Bayan ang nangyari sa munisipyo nung nakaraan" Mahabang turan nito. Napahigop naman ako ng kape bago sumagot.
"That's given. Bago pa man ako sumabak sa politika ay alam ko na kung ano ang mga bagay na nakataya. At isa na dun ang buhay ko. I am ready for it." Sagot ko naman na ikinangisi naman nito.
"You are the only reason why I still believe that there are politicians who still wants to help. Who really cares for people. I admire you. Pero mag iingat ka parati, dahil yang pagiging righteous mo, yan ang bagay na nagdadala sayo sa kapahamakan. You know, those thugs out there cannot do their sht because the town have you. And it pisses them off." She said. I just laugh it out.
"Kahit ipapatay pa nila ako, kahit na padalhan pa nila ako ng sandamakmak na death threaths. I will never ever risk the lives of my people. I will never become someone whom they can't trust. I will never be one of those people who decieves people for money. Gusto kong maging tama at hindi madaya ang sistema sa kanila." Turan ko.
"I envy you. Kung ako ang nasa posisyon mo, hindi oo siguro alam kung paano ko ba magagampanan ng maayos ang trabaho ko. But, I am worried too, I know itong center ay hindi naman talaga galing sa gobyerno ang budget. I know you're the one who funded it. Hindi kakayanin ng gobyerno na magbigay ng pondo sa ganito kalaking pasilidad. I'm worried na baka dumating yung panahon na ikaw naman ang maubusan" Napangiti naman ako sa tinuran nito.
"Ang pera papel lang yan. Pero yung naibibigay sa akin ng mga taong natutulungan ko? That's priceless man. Sobrang saya ng puso ko kapag may natutulungan ako." Napapangiti nalang ako habang sinasabi ang mga yun.
"Alam mo? Bakit di kana lang nagmadre? Grabe ka. Ibang level ka." Pagbibiro naman nito kaya napatawa nalang ako.
Hindi lang naman sila ang natutulungan ko eh. Natutulungan din nila ako. Hindi siguro nila alam kung sa paanong paraan pero yun ang bagay na pinapahalagahan ko hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Campaign
RomanceKhianna, a politician, a Mayor. She is very famous because of being a good politician. She literally work for the people's sake. What will happen if she meet Ashley, an apolitical person who tries to ruin her image as a Mayor? What will happen if sh...