Chapter Nineteen

42 2 0
                                    

Khian,

"What the hell are you doing here?!" I exclaimed as I was shocked seeing the person in front of me. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. She's wearing comfortable clothes.

"I came here to check on you. I wanna make sure that you are not lying" Sagot nito. Napapikit ako saka napahawak sa ulo na animo'y sumakit dahil sa sobrang pagkabigla.

"I told you okay na ako. Ba't ba ang kulit kulit mo? At kelan ka pa dumating? Magkausap palang tayo sa phone ah?" Takang tanong ko. Yes it Acel.

"Kaya nga kaibigan mo ko diba? Dahil makulit ako. Anyway, nandyan lang ako nung tumawag ako. And I took 2 days off. Just until I make sure you heal your wound." Dagdag pa nito. Saka binalingan ng tingin ang dalawa na kanina pa tahimik na nakatingin sa amin.

"Hi. I'm Dr. Acel Garcia. I am your Mayor's Doctor and bestfriend. We met last time" Sabi nito saka nakipagshake hands kay Ashley. Bago ito bumaling kay Angelo at nakipagkamay din.

"Acel. Let me talk to you first" Sabi ko dito sabay hatak at medyo lumayo muna kami ng konti sa dalawa.

"Look, Khian. I will not cause any trouble. I swear. Di ba pwedeng magrelax lang din ako? Sobrang stress na ako sa Hospital." Agad na paliwanag nito na alam ko namang gawa gawa lang niya. Alam kong nandito siya para bantayan ako.

"Pwede ba Ace? Wag mo na akong lokohin. Alam kong hindi yan ang rason kung bakit ka nandito. I am not a child anymore for pete's sake. Kaya ko na ang sarili ko." Naiinis na turan ko. Pigil na pigil akong tumaas ang boses ko.

"I know. Pero hindi mo mapipigilan na mag alala ako. Kaibigan kita. Pwede ba? Kahit ngayon lang, 2 araw lang naman ang hinihingi ko sayo. Hanggang sa masiguro kong okay ka. Just please let me watch you for a while" I know she is sincere. I just let out a sigh and look at her.

"Fine. But don't you dare say anything to Ashley and Angelo. Yang bunganga mo pa naman minsan walang preno." Pagbabanta ko. Nakita ko namang umaliwalas ang mukha nito saka ako biglang niyakap. Napatingin tuloy ako sa gawi nila Ashley na ngayon ay inaayos ang isa pang tent na sa tingin ko ay dala ni Angelo. Nagsalubong ang mga mata namin ni Ashley pero agad din naman itong umiwas ng tingin. Ilang sandali pa ay sinamahan na namin ang dalawa. Malapit na kasing gumabi.

Gumawa kami ng bonfire sa gitna saka namin ipwenesto ang apat na foldable chair. Pagkatapos naming mag ayos ay naupo na kami sa tapat ng bonfire.

"Maybe I can already remove my sling. Nahihirapan akong gumalaw ng maayos."

"No!" Sabay na sabi ni Acel at Ashley. Napakunot naman ang noo ko saka napatingin sa mga ito. Nasa kanan ko si Acel at nasa kaliwa ko naman si Ashley at nasa tabi niya si Angelo.

"Mm. Chill lang guys. Doc, since ikaw naman ang Doctor dito bakit di mo icheck kung pwede naman ng tanggalin ang sling ni Mayor?" Si Angelo. Napatango naman ako saka tumingin kay Acel.

"Fine. Let me check." Sabi nito saka ito tumayo. Kaya tumayo na din ako at sinundan ko siya sa loob ng tent.

_______________________________________________

Ashley,

Nagsalubong ang mga kilay kong sabay na pumunta ang dalawa sa loob ng tent. Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan. Naiinis ba ako dahil sobrang close ni Dr. Garcia kay Mayor?

"Huy. Yupi na ata yang latang hawak mo" Puna ni Angelo na nakapagpagising sa akin. Napatingin naman ako sa hawak kong canned beer. Naubos ko na pala ang laman non at yuping yupi na nga.

"Ah. Ano. Iniiwasan ko lang pamahayan ng lamok. Kaya niyupi ko talaga" palusot ko na ikinatawa naman nito.

"Yan ba talaga iniisip mo ngayon? O yung kapogian ko?" Pang aasar nito. Napatawa naman ako sa sinabi nito.

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon