Chapter Thirty Two

30 2 0
                                    

Ashley,

"Pinaghahanap ngayon ang kasalukuyang nakaupong Mayor ng San Isidro na si Khianna Illustre sa patong patong na kaso tulad ng homicide, illegal possesion of firearms at illegal possession of illegal drugs. Ayon sa Vice Mayor ng nasabing lugar, nadiskubre umano ng driver na kinilalang si Edgar Romulo, na meron umanong underground si Mayor Illustre kung saan nakatago ang mga iba't ibang kalibre ng baril maging ang milyong milyong halaga ng shabu at cocaine. Iyon umano ang posibleng dahilan ng pagpatay ni Illustre dito. Samantala, hindi na naabutan pa ng mga pulis si Illustre sa bahay nito dahil meron umanong tumulong dito sa pagtakas na kinilalang si Ashley Hermosa. Matatandaang ---" hindi ko na tinapos ang sinasabi ng reporter at pinatay ko na agad ang TV.

"Halatang planado nila lahat ng 'to. Kaya pala bigla silang nanahimik. Dahil meron pala silang malaking plano. At yun ay mapatalsik ka sa pwesto." Napatayo ako dahil sa galit na nararamdaman ko. Nilingon ko si Khian na hanggang ngayon ay di ko parin naririnig na magsalita simula kagabi. Bigla itong tumayo saka pumunta ng kusina.

"Anong plano mo?" I asked her to get her attention. Uminom muna ito ng tubig saka tumingin sakin.

"Sa ngayon wala akong ibang nasa isip kundi si Manong Edgar." Sagot naman nito saka muling umupo sa sofa. Napabuntong hininga ako saka lumapit dito.

"Alam kong hindi madali yung pinagdadaanan mo. Maging ako nasaktan sa pagkamatay ni Manong Edgar. Pero wala na tayong magagawa. Huli na tayo. Ang importante ngayon, malinis ang pangalan mo. At mahanap natin kung sinong gumawa nito. Para mabigyan ng hustisya si Manong." Mahabang litanya ko.

"Gusto kong masiguro muna na magiging maayos ang lamay at libing ni Manong. Yun na muna sa ngayon." Tanging nasabi nito saka umalis at pumasok sa kwarto. Napabuntong hininga na lang ako saka muling naupo.

This is my first time seeing Khian this miserable. She's hurt. She's angry. She's lost. Kaya kung hindi niya pa kayang kumilos sa ngayon ako na lang muna. Maya maya pa ay biglang may kumatok sa labas kaya naman agad na napatayo ako saka dahan dahang kinuha ang baril sa ibabaw ng lamesa. Saka ito malumanay na kinasa. Nagtago ako sa gilid ng pinto saka sinilip kung sinong tao sa labas. Si Angelo. Agad na binuksan ko ang pinto saka ito hinatak paloob sabay sarado muli ng pinto.

"What are you doing here?" Tanong ko ng makapasok ito.

"Nasan si Khian? Ayos lang ba siya?" Nag aalalang tanong nito saka iginala ang paningin. Kahapon pa ito tumatawag sa phone ni Khian pero nagdesisyon kaming patayin muna lahat ng telepono namin dahil baka matrace kami ng mga otoridad.

"Of course she's not okay. Nagpapahinga siya sa loob ng kwarto." Sagot ko dito saka umupo. Tumabi naman ito sa akin saka ko narinig ang malalim na buntong hininga nito.

"Paano ba 'to nangyari? Hindi niya deserved 'to. Sobrang bait niyang kaibigan ko. Wala siyang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng ibang tao. Kaya bakit kailangang mangyari 'to sa kanya?" Halata ang lungkot at pag aalala sa boses nito. Napabuntong hininga ako saka napatango.

"That's why I need you to do something. Total nandito ka na din naman" Sabi ko dito.

"Kahit ano para kay Khian" Sagot naman nito.

"Pwede mo bang mapuntahan si Manong Edgar? Siguraduhin mong wala silang babayaran. Pero 'wag mong ipapaalam na galing yun kay Khian. Also, Bilhan mo kami ng bagong simcard. Kailangan namin yun para hindi kami matrace ng mga pulis. Hindi kami pwedeng mahuli dahil kapag nahuli kami. Hindi mabibigyan ng hustisya si Manong at makukulong si Khian sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Pasensya kana kung nadamay kayo sa sitwasyon." Mahabang litanya ko. Umiling iling ito saka ako tinitigan.

"Damay na talaga kami dito. Dahil hindi namin siya iiwan. Katulad ng di niya pag iwan samin nung mga panahong wala kaming makapitan. Makakaasa kang gagawin ko lahat ng sinabi mo. Aalis na ako. Babalik ako mamaya at pakisabi sa kanya na nandito lang kami." Yun lang at umalis na nga ito. 

Napangiti nalang ako pagkalabas ni Angelo. Madaming taong naniniwala sa kanya. Madaming taong handa siyang tulungan. Hindi kami mag isa sa laban na ito.

____________________________________________________

Napanganga na lamang kami ni Khian ng makita ang mga taong nasa harap namin ngayon. 

"What are you doing here?" Tanong ni Khian sa mga ito.

"Since, kasama na din naman kami sa minamatyagan ng mga pulis, we decided na bakit hindi nalang tayo gumawa ng team diba? Like, "Oplan Linisin ang Pangalan Mo" o kaya "Oplan hanapin ang tunay na may sala"? Sagot ng isa. Kumunot ang noo ni Khian na parang hindi makapaniwala.

"What?! You think this is a joke?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Of course not! Gusto lang naman namin na makatulong. Ayaw mo non? For sure magiging successful ang Oplan - Oplan na yan kasi unang una. May kasama tayong bihasa sa technology dito. Pangalawa, may doctor tayo. At pangatlo, may kasama kayong poging Architect na katulad ko." Biro pa nitong isa.

"Angelo, ang sabi ko ibili mo ko ng simcard. Hindi tao. At ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko naman sa isa na painosente pang tumingin.

"Baka kailanganin niyo din ako eh. You know, techi techi. Besides, ako lang kaibigan mo." Sagot naman nito.

"Alam niyo ba kung gaano kadelikado itong pinasok niyo? Pinaghahanap kami ngayon ng mga pulis. Namatayan ako ng taong mahalaga sakin. At bakit ko kayo isasali dito? Para madamay kayo at mawala din sakin? No. Hindi ko kayang gawin yun." Emosyonal na tugon ni Khian.

"Wag ka ngang magdrama diyan. Ang tigas tigas talaga ng bungo mo. Kaya nga madami tayo diba? Para protektahan ang isa't isa." Giit naman ng isa.

"No. I will never agree to this. Umalis na kayo." Saka ito tumayo at naglakad na sana papunta sa kwarto ng biglang buksan ni Acel ang TV.

"Itinuturing na ngayong mga kasabwat ni Mayor Illustre sina Ashley Hermosa, Acel Garcia, Angelo Rosales at Patricia Quirino. Dahil umano sa pagtulong nitong makatakas si Mayor Illus--" 

"Paano ngayon yan? Pinaghahanap na din kami. So, wala kang choice kundi makipagtulungan sa amin" Pagpupumilit pa ni Acel. Sabay na lamang kaming napabuntong hininga ni Khian.

"Alam niyo ba kung anong pinapasok niyo?" Tanong ko sa mga ito.

"Hindi kami pupunta dito kung hindi namin alam" sagot naman ni Pat. Saka sabay na nagtanguan ang tatlo.

I guess we don't have a choice. Sabay sabay naming kaklaruhin ang mga pangalan namin. Wala kaming ibang mapagkakatiwalaan ngayon kundi ang isa't isa. Ipinapanalangin ko na lamang na sana ay walang mangyaring masama sa kung sino man sa amin. Dito palang magsisimula ang tunay na laban.

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon