Khian,
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kaliwang palad ko habang umaagos dito ang dugo.
"Naku po! Bata ka. Sabi naman namin sayo ay hindi mo na kailangang tumulong! Halika doon sa kanila para magamot agad yan" Natatarantang sabi ni Mang Nestor. Doon naman ako natauhan saka ako naglakad dahil sa hila hila na ako ni Mang Nestor.
"Maliit lang naman po Mang Nestor. Wag po kayong mag alala." Sabi ko naman dito.
"Anong maliit? Eh punong puno na nga ng dugo yang kamay mo. Yan ang sinasabi ko sayo eh. Kaya naman namin" Halata ang pag aalala sa mukha nito kaya napangiti naman ako. Ilang sandali pa ay nakarating na kami dito sa pinag istayhan ng mga trabahador. Pinaupo ako ni Mang Nestor saka nagmadaling tinawag si Nay Rosa. Nagsilapitan naman sa akin ang mga kababaihan na gumagawa ng lubid.
"Mayor! Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ng mga ito.
"Nagbabalat po kasi ako ng niyog at bigla pong nadulas yung niyog kaya po sa kamay ko tumama yung talim ng peeler." Paliwanag ko. Nagulat naman ako ng biglang sumingit si Ashley sa pila at lunuhod at tiningnan ang sugat ko.
"Anong katangahan na naman ang ginawa mo?! Sobrang laki ng sugat mo. Shit! Nay! Pakibilisan po ang First Aid kit!" Sigaw nito saka nito hinawakan ang sugat at sinubukang pigilan ang pag agos ng dugo. Pinagmasdan ko lang ito. Tama ba yung nababasa kong pag aalala sa mukha nito?
"Ito neng!" Nenenerbyos ang boses ni Nay Rosa ng iniabot nito ang first aid kit.
"Nay, relax lang ho kayo. Wag po kayong mag alala. Mababaw lang pong sugat 'to." Pagpapakalma ko dito.
"Tumahimik ka muna. Ayokong marinig ang boses mo" Seryosong turan ni Ashley na nagsimula ng linisan ang sugat ko. Napatikom nalang ako ng bibig saka pinagmasdan nalang siya habang ginagamot ang sugat ko. Hinugasan niya muna ito ng malinis na tubig saka binuhusan ng alcohol. Saka nilagyan ng gauze at nilagyan ng bandage.
"Pahintuin nalang muna natin ang pagdurugugo. At ito. Inumin mo 'to. Antibiotics yan." Sabi nito saka sa akin binigay ang gamot. Kinuha ko naman ito saka agad na ininom.
"Naku kang bata ka. Sabi naman namin sayo ay hindi mo na kailangan pang tumulong." Si Nanay Nelly iyon na halata sa mata ang pag aalala.
"Alam niyo naman ho ako. Kapag nandito ako. Tsaka, nanibago po ata kasi ilang buwan pong natigil" Paliwanag ko naman. Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko na ang sama ng tingin sa akin. Saka nag walk out. What is her problem? I just saw her entered our hut. I checked the time, it's already 5 in the afternoon. Maybe I should take a rest.
"Pahinga na ho muna ako. Wag na po kayong mag alala sa akin. Okay lang po ako" Nakangiting turan ko saka nag excuse. I followed Ashley inside our hut and I saw her standing in front of a window. She looks so serious right now.
"Wow. What you did back there was unexpected. I didn't know you'll be worried like that" Pang aasar ko. I just wanted to lift up the mood. I sat on the chair and cross my arms while looking at her back.
She didn't answer that's why I decided to stand up and stand beside her.
"You don't have to worry. It's just a small wound. Wala kang kail--"
"At sinong may sabing nag aalala ako? Kahit magpakamatay ka pa, wala akong pakialam!" She just shouted right through my face. I just close my eyes because of her voice. Why does she sounded so upset? Narinig ko nalang ang malakas na paglapat ng pinto kaya napamulat na ako ng mata saka napangisi. She's worried. I know. I leaned forward and looked outside the window.
Tiningnan ko ang sugat ko saka napabuntong hininga. Accidents really happen everytime. I heaved a sigh and looked outside the window again. I can see them being so busy with their thing. Napangiti ako. It makes me happy just by seeing them this happy. Napatingin naman ako sa babaeng kani kanina lang ay sinigawan na naman ako. Mas napalawak ang ngiti ko. Why does this girl makes my heart flatter? Eh ang ginagawa lang naman niya akusahan ako ng akusahan ng kung ano anong masasamang bagay, sigawan ako ng sigawan at hindi ko man lang naramdaman na nirerespeto niya ako. But why does I look so dumb right now smiling while looking at her? Why does I am not pissed whenever she do things to accuse me of something, I even end up laughing about the thought. I'm crazy. Napailing nalang ako habang natatawa saka ako naglatag ng mahihigaan. Magpapalit muna ako ng damit saka magpapahinga. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay humiga ako sa inilatag kong higaan saka natulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/285648258-288-k948791.jpg)
BINABASA MO ANG
Campaign
RomanceKhianna, a politician, a Mayor. She is very famous because of being a good politician. She literally work for the people's sake. What will happen if she meet Ashley, an apolitical person who tries to ruin her image as a Mayor? What will happen if sh...