Chapter Twenty Eight

52 5 13
                                    

Sabi ni iamattorney kung may namimiss daw ako ay mag update ako. Sakto may namimiss ako. Haha

Ashley,

"Ayos na ba kayo diyan?" Tanong ko sa mga kasamahan ko. Kasalukuyan kaming nag aayos ng mga banderitas sa munisipyo. Para sa nalalapit na fiesta. Marami kaming nag boluntaryo na mag ayos. Ang iba ay nakaassign sa iba't ibang Baranggay dito sa centro.

"Opo Ms. Ashley. Nailagay na po namin ng maayos" wika ng isa sa kasamahan ko. Napangiti naman ako bago napatingala at pinagmasdan ang nilagay namin. Meron ding nakalagay sa gitna na "Happy Fiesta Bayan ng San Isidro". Tila naging kaaya ayang tignan ang munisipyo.

Napadako naman ang tingin ko sa taas ng opisina ni Khian. Marahil ay busy pa siya hanggang ngayon sa dami ng meetings niya at sa daming inaasikaso. Lalo na't kakabukas lang ng welfare center. Kahit na may inatasan siyang mag manage doon ay kailangan niya parin itong imonitor.

Napangiti naman ako ng makita ko itong dumungaw mula sa bintana. Kinawayan ko ito na agad din naman nitong nakita kaya kumaway din ito pabalik.

"Ah. Kayo muna dito ha? Paligpit nalang ng mga kalat. Akyat lang ako sa taas. Pagkatapos niyo diyan, punta kayo sa may canteen at merong pameryenda si Mayor. Salamat sa tulong ninyo" Sabi ko sa mga kasama ko saka dali daling umakyat sa taas papunta sa opisina ni Khian.

Nagulat naman ako ng pagkapasok na pagkapasok ko ay sinalubong na ako agad nito ng yakap at halik.

"Miss na miss? Eh magkasama lang naman tayo sa bahay" Pang aasar ko dito. At yes, magkasama na ulit kami sa bahay dahil mas makabubuti daw yun para sa akin sabi ni Khian.

"Kailangan ko lang magrecharge kasi." Sabi naman nito kaya naman ay napangiti nalang ako saka ito niyakap ng mahigpit.

"I didn't know you're this sweet." Turan ko na lamang. Maya maya pa ay bumitaw na kami sa pagkamayakap sa isa't isa saka kami naupo sa sofa.

"I'm sorry if I have got no time for us lately. There are so many things I have to take care of because of town fiesta." Hingi nito ng paumanhin.

"I understand. You don't have to apologize." I said caressing her face. San Isidro is so lucky to have her. She's a great leader.

Ngumiti naman ito saka ako unti unting siniil ng halik. Gumanti naman ako ng halik hanggang sa lumalim iyon at naramdaman ko nalang na nakapatong na siya sa akin.

"Mayor----"

Agad ko namang naitulak si Khian ng may biglang tumawag sa kanya. Kaya naman ay nahulog ito sa sofa at ako naman ay nagpanggap na natutulog. Rinig na rinig ko ang pagkakabagsak nito sa sahig kaya napangiwi ako habang nakapikit.

"Ah Mayor s-sorry po. Balik nalang po----"

"No. It's fine. What is it?" Rinig kong sabi nito. Sa tingin ko ang secretary niya yung pumasok. Nakikinig lang ako sa kanila habang nagkukuwari paring natutulog.

"Mayor gusto daw po kayong makausap ni P. Major Ruiz. Nandyan po siya sa labas ngayon" Rinig kong sabi ng Sekretarya nito.

"Papasukin mo. At wag ka munang magpapapasok ng ibang tao." Sagot naman ng isa. Pagkaalis ng sekretarya nito ay saka ako bumangon. At nakita ko nga agad si Major Ruiz. Mukhang seryoso ang usapang magaganap.

"Ashley, can you leave us for a moment?" Si Khian na halatang ayaw na malaman ko ang sasabihin ni Major.

"No. If it is about the drug sindicate na iniimbestigahan niyo. No. Involve na ako dun. Witness ako. Remember?" Pagmamatigas ko. Halata ang disgusto sa mukha ni Khian pero wala na rin itong nagawa dahil alam niyang tama naman ako. At sadyang ayoko lang iwan si Khian na naman sa mga gantong ikakapahamak niya.

"Mayor, we find a lead kung saan nila inilipat ang operasyon ng droga. Pinamanmanan ko na po sa mga tao ko. Pag aaralan po namin ang galaw ng kalaban bago kami magplano ng gagawing buy bust operation. As of now, ayun palang po ang lead natin. Pero malaking tsansa ito para mahuli kung sinong malaking taong nasa likod nitong operasyon ng droga." Mahabang litanya ni Major.

"Okay. Update me with everything. Kailangan na nating mahuli kung sino mang drug lord ang sumubok na pumasok sa San Isidro." Sagot naman ni Major.

"Yes Mayor." Yun lang at umalis na ito.

"Susuong ka na naman ba sa panganib?" Inis na tanong ko na naman dito. Kakagaling lang ng sugat niya pero heto na naman siya.

"I don't have a choice Ashley. Kailangan kong mahuli kung sino man ang tao sa likod ng operasyon ng drogang yan." Sagot naman nito saka umupo sa kanyang swivel chair.

"Hindi ba pwedeng hayaan na natin sa kapulisan yan?" Kumbinsi ko naman dito na ikinailing naman nito.

"Hindi ko kayang panoorin lang silang itaya ang buhay nila habang ako walang ginagawa." Giit naman nito.

"You've done enough Khian. Nabaril ka pa nga diba? At may banta na din sa buhay mo." Sabi ko pa.

"Ashley, parte yun ng trabaho ko. Nakataya na talaga ang buhay ko." Nauubusan na ako ng pssensya.

"No. Hindi ka sasama sa operasyon." Pinal na sabi ko.

"What? Ashley, please unders----"

"Sige. Kung sasama ka. Sasama din ako." Matapang na sabi ko na ikinalaki ng mata nito.

"What?! No! Masyadong delikado" Napataas ang boses nito at napatayo pa sa upuan.

"Kaya pumili ka. Hindi ka sasama sa operasyon o sasama ka at isasama mo ako." Matigas na tugon ko. Napabuntong hininga naman ito saka tumingin sakin ng deritso.

"Isasama kita sa isang kondisyon" sabi nito.

"Ano?" Kunot noong tanong ko.

"You'll train. Under policemen. And under me. You'll undergo firearms training and safety course. Maybe it is for the better. Since I let you enter my world, you need to know the consiquences and dangers that awaits you. You have to be prepared." Seryosong turan naman nito. Napalunok naman ako saka napaisip kung kaya ko nga ba talaga. Pero dahil mahal ko siya at gusto ko siyang protektahan ay tatanggapin ko kung ano man ang mga bagay na nakataya para magawa ko yun.

"Okay. Deal. Kelan ako magsisimula?"

_______________________________________

Author's Note:
It's been 7 months? Hahaha tagal ko palang nawala. Thank you for waiting for my comeback ktrnwildin I appreciate your message😁 Pasensya na at medyo sabaw pa ang update 😅

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon