Chapter Six

51 5 0
                                    

Ashley,

Isang nakakabinging katahimikan ang pansamantala kong naranasan hanggang sa umalingawngaw ang malakas na tawanan ng mga tao. Ha? Bakit sila tumawa?

"Mayor, mukhang may katapat na ang katigasan ng ulo mo" ani ng isang manong.

"Mang Nestor naman eh. Ako na nga po nabatukan." Himutok nung isa. Teka, bakit parang di naman sila galit sa akin?

"Ipakilala mo naman kami sa kasama mo Mayor" sabi naman ng isang ginang.

"Si Ashley po, pansamantalang Personal Assistant ko po" pakilala nito sa akin. Parang ngayon ko lang ata narinig na sabihin o banggitin niya ang pangalan ko. At bakit parang nung binanggit niya may kakaiba? Bakit parang ang ganda ng pangalan ko?

Tumayo naman ako saka yumuko.

"Magandang tanghali po. Pasensya na po kayo sa inasal ko. Nasanay po kasi ako sa mga kaibigan ko" Hinging paumanhin ko sa mga ito.

"Naku neng, wag kang mag alala. Tama lang yung ginawa mo" Sabi naman ni Nay Rosa. Ngumiti naman ako.

"Okay po. Gagawin ko po ulit sa mga susunod na araw" Masayang sabi ko na ikinatawa nalang ng mga trabahador kaya tumawa nalang din ako. Parang ang gaan gaan nilang kasama. Ewan ko ba. Ngayon nalang ulit ako nakipagsalamuha sa ibang tao. Madalas na nakakasama ko lang ay ang kaibigan ko. Nag iisang kaibigan.

Natapos na nga ang kainan. Kaya naman ay nagsipagbalik na ang mga ito sa kanya kanya nilang trabaho.

"Sasama ka ba? Doon muna ako sa koprahan. Tutulong ako doon" Tanong sa akin ni Mayor.

"Bakit kailangan mong magpaalam?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ako nagpapaalam. Nagsasabi ako. Baka may mamissed kang pangyayari sa pagiimbestiga mo sa akin" Halata sa boses nito ang pagiging sarkastiko. Inirapan ko lang ito saka tumayo na din.

"May iba akong plano. Umalis ka kung gusto mo" Iritang turan ko. Habang ito ay nagkibit balikat nalang din at umalis na. Nang medyo nakalayo na ito ay lumapit ako sa mga gumagawa ng lubid.

"Mahirap po ba yang ginagawa niyo?" Panimula ko naman. Ngumiti naman ang isang Nanay sa akin saka umiling.

"Sa una oo. Pero kapag nasanay at nakabisa mo na ang paggawa ay madali na" Nakangiting turan nito. Ngumiti din naman ako dito.

"Ako nga po pala si Ashley. Nice to meet you po" Sabi ko naman saka umaktong makikipagkamay. Inabot naman nito ang kamay ko saka nakipagkamay din.

"Ako naman si Nelly." Sagot naman nito. Saka muling pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ang laki po nitong taniman ng Niyog ano? Kanino po ba ito?" Usisa ko. Oras na para mangalap ng impormasyon at ebidensya.

"Kay Mayor. Siya ang may ari nitong lupa." Sagot naman nito na napapangiti pa.

"Grabe ang laki po ano? Saan niya po ba namana o nakuha ang ganito kalaking ektarya ng lupa?" Tanong ko pa. Kailangan kong malaman. Ganito kalaki? Parang isang Golf course ata ito sa sobrang laki. Siguradong bilyones ang halaga nito.

"Minana niya po ito sa mga magulang niya." Muling sagot nito saka inayos na ang natapos niyang lubid saka ito nilagay sa sako at muling nagsimula.

"Eh nasan na po ang mga magulang niya?" Usisa ko pa. Hindi ako titigil hangga't wala akong nakukuha.

"Hindi niya po sinabi kung nasaan. Ang sabi niya po ay mas mabuti ng wala kaming alam. Sa landas daw po kasing tinahak niya ay alam niyang nasa paligid lang ang kapahamakan. Kaya naman minabuti niyang walang nakakaalam kung sino ang mga mahal niya sa buhay" Paliwanag nito na ikinatango ko naman.

Kaya pala puro litrato niya lang ang nasa bahay niya. At wala ni isang litrato ng ibang tao.

"Malapit na po ang eleksyon ano? At siya parin po ang tatakbong Mayor. Kayo po ang nakakakilala sa kanya kaya siguradong alam niyo kung sino po ang iboboto. Sigurado siya ang iboboto niyo kung mabuti po siyang Boss ano? " Sinusubukan ko kung kakagat ba siya sa mga sinasabi ko. Ngumiti naman ito saka tumingin sa akin.

"Alam mo, kung hindi dahil sa batang iyon ay namamalimos parin kami sa daan. Lahat kami dito ay mga taong lansangan. Mga namamalimos para lang makakain. Dahil wala namang tumatanggap sa amin para magtrabaho dahil sa itsura namin. Pero isa isa niya kaming binigyan ng pag asa. Para makabangon. Sa totoo lang, lahat ng kinikita dito sa Niyogan at Koprahan ay sa amin lang lahat napupunta. Hindi siya kumukuha kahit na sa kanya naman talaga ito. Ang sinasabi niya palagi ay kaya niya muling binuhay ang koprahan at niyogan ay para makatulong. Ilang taon din kasi itong nakatengga dahil sa wala naman siyang interes dito. Kaya naman ay nagkaroon siya ng interes simula ng tumakbo siyang Mayor at ang sabi niya nga magiging isang malaking tulong ito para sa mga mahihirap o sa mga taong nangangailangan ng tulong. Bukod sa binigyan niya kami ng trabaho ay binigyan niya din kami ng lupang matitirhan. Lahat kami. Kaya pinangako ko sa sarili ko, namin sa isa't isa na kung kailanganin man niya kami sa mga susunod na panahon o sabihing magtrabaho ng libre para sa kanya ay gagawin namin. Sobrang laki ng utang loob namin sa batang yun." Emosyonal na kwento nito. Napabuntong hininga ako.

"Sinabihan niya po ba kayong sabihin yan sa akin?" May pagsususpetsang tanong ko. Tiningnan naman ako nito ng may gulat saka tumawa.

"Ikaw talagang bata ka. Ang totoo niyan, ang sabi niya samin ay kahit anong itanong mo ay sagutin namin ng totoo" natatawang turan nito. Napangiwi naman ako. Alam niya ngang magtatanong tanong ako.

"Ganun ho ba? Wala ho ba siyang kapintasan?" At talagang pinupush ko. Napatawa naman ulit si Nay Nelly saka umiling.

"Wala akong maipipintas sa batang iyon. Simula ng naging Mayor siya ay kilala na namin siya at wala akong nakikitang kapintasan o masamang hangarin niya sa pagtulong" Halata ang sinsiredad sa boses nito. Pero ayokong maniwala.

"Kanino niyo pa po sinasabing bata bata. Ilang taon palang ho ba siya?" Nagtatakang tanong ko.

"25, kaya anak ang turing naming lahat sa kanya"

"Ho? 25? As in 2 and 5? Paano po nangyari yun? Ang bata niya pa para maging Mayor. Tatlong taon na po siya sa trono niya, ibig sabihin po 22 or 23 lang siya nung tumakbo siya bilang Mayor?" Eksaheradang tanong ko. Hindi pala nagkakalayo ang edad namin 24 lang ako. At ang dami niya ng nagagawa sa buhay niya? Muli na namang natawa si Nay Nelly saka tumango. Napatakip naman ako sa bibig ko na nakanganga parin. Saka napalingon sa mga nagkokopra sa medyo may kalayuan.

"Hindi nga kapanipaniwala dahil batang bata pa siya. Pero yun ang totoo." Wika nito. Iiling iling akong nakaupo. Napakaaga niyang nagcorrupt. Sa isip isip ko.

"Alam mo Ashley, Ashley tama? Kapag nakilala mo si Mayor ng mabuti. Masasabi mong totoo lahat ng kwinento ko." Nakangiting turan nito saka nagfocus na ulit sa ginagawa.

Nagkamali nga ba ako ng akala sa kanya?

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon