Khian,
Napabalikwas ako ng bangon habang habol ko ang aking hininga. Napahawak ako sa dibdib ko saka ko pinunasan ang noo ko na punong puno ng pawis. Napanaginipan ko si Manong Edgar. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.
Naramdaman ko naman ang paggalaw at pagbangon ng katabi ko. Hinaplos nito ang likod ko.
"Another bad dream?" She asked while caressing ng back.
Tumango ako bilang sagot saka napabuntong hininga.
"What time is it?" Tanong ko saka ko hinanap ang relo para tignan ang oras.
"It's 6:00 AM. Wanna have some breakfast? Coffee? Tea? Anong gusto mo? Ipaghahanda kita" Sabi naman ni Ashley. Alam kong nag aalala siya sa akin because I've been stressed lately because of what's happening. Up until now we're still in the middle of plans on how to make my name clear and how gave justice to Manong Edgar.
I look at her and hug her tightly.
"Let's stay like this for a while." I said. Naramdaman ko naman ang pagyakap nito sa akin pabalik. Just having her around make me feel at ease.
Ilang sandali lang ay bumangon na din kami para makapaghanda ng almusal. We are planning to have our gun shooting today. In worse case, baka kailanganin namin. They asked me to train them. Delikado daw ang sitwasyon kaya kailangan daw ay may alam sila. Thankfully I even have here a shooting range. The sound will not be heard from the outside because I made sure that the range is soundproof. Doon pwede kaming magtrain. Hindi naman yun malayo dito sa bahay. 15 mins. Na lakaran lang mula dito.
"What do you want for breakfast?" Ashley ask while looking inside the fridge.
"Anything will do but we'll need a heavy meal." Sagot ko naman dito saka ito hinalikan sa pisngi bago ako naglagay ng tubig sa electric kettle at isinaksak ito para makapagpakulo ng tubig.
"Okay. Noted Mayor" Natatawang sagot naman ni Ashley saka kinuha ang mga kailangan niya sa ref. Nagsimula na itong magluto. Habang ito ako ang silbi ko lang ay magtimpla ng instant coffee.
Kung sana wala lang nangyaring problema. Kahit gantong simpleng buhay lang sana kasama si Ashley ay okay na ako. Alam kong sobrang bigat ng nangyayari. But Ashley made me realize that we should still live our lives. Na kahit na pinaghahahanap kami ngayon ng mga awtoridad, na kahit na nawala si Manong Edgar at malaking tao ang kalaban namin na posibleng maging mitsa ng buhay namin. Kailangan meron at meron paring kahit isang dahilan para maging masaya. That these things happens for a reason. Na malalagpasan din namin to basta't ang tama ang ipaglalaban namin. Na kahit na ganito ang sitwasyon we still need to find the reason to smile and think of it as something that will pass through time. Kaya habang nandito kami sa sitwasyong to. Ano't ano man ang mangyari. Lalaban kami para sa tama hanggang sa maging normal na ulit ang lahat. At itataya ko ang buhay ko maprotektahan ko lang siya.
"Hey! What the Fck?!" Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Acel saka inagaw sa akin ang hawak ko. Puno na pala ang tasang sinasalinan ko ng mainit na tubig.
"What happened?" Nag aalalang tanong ni Ashley saka inabot ang kamay ko. Tinignan ako ni Acel ng matalim.
"Sorry sorry. Napalalim ang iniisip ko." Natatawang sabi ko.
"Di ka ba nasaktan? May paso ka sa kamay" Turan nito saka may kinuha sa cabinet at iginiya ako paupo. Nilagyan nito ng ointment ang nabuhusan kong kamay. Sobrang pula nito kaya siguradong magmamarka na naman ito. Ikaw ba naman kasi ang mabuhusan ng kumukulong tubig.
"Bakit hindi ka kasi nag iingat? At ano na naman bang iniisip mo? Diba nag usap usap na tayo na sabay sabay nating haharapin ang problemang 'to?" Si Acel na halata sa mukha ang pagkairita.
"Di naman ako mamamatay sa paso lang. " Saad ko naman at ngayon si Ashley naman ang matalim na tumingin sakin.
"Sa susunod pwede bang mag ingat ka? Pano kung mas malala pa ang mangya---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Ashley dahil hinalikan ko na ito sa labi.
"I'm sorry. Okay?" I said and smiled at her. Napalingon naman si Ashley sa kaliwa niya saka niyo iniangat ang ulo na sinundan ko naman. Ow. I forgot about her. Si Acel na bored ang mukhang nakatingin sa amin.
"Bakit ba laging sa harap ko?" Reklamo nito saka umalis at pumasok ng banyo.
Natawa nalang kami parehas saka na nito pinagpatuloy ang pagluluto.
____________________________________________________
"Whooooo! Grabe. Para naman akong sumali sa militar" Hinihingal na turan ni Angelo saka napaupo na lamang sa damuhan habang habol ang hininga. Sabay namang naupo ang dalawa kaya naupo na din ako.
"Ito ata ikakamatay ko." Habol hininga ring sabi ni Pat sabay kuha sa bottled water na nasa cooler. Binigyan kami nito isa isa bago siya uminom.
"Kailangan natin 'to bago tayo sumabak sa laban. It's for your own safety kaya kailangan niyong magtiis" I stated. Napatango naman ang mga ito. I look at Ashley and I can see her tiredness. Hinawakan ko ang ulo nito. Pero ngumiti lang ito sa akin saka pinisil ang kamay ko assuring me that she's okay. How did I get so lucky having this girl?
Nagulat naman kaming lahat ng bigla kaming may marining na alarm. Sabay sabay kaming napabangon saka kinuha ang kanikaniya naming baril.
"Sh!t. May ibang tao sa bahay." Ani Pat.
"Cover me. Sundan niyo lang ako" saad ko saka dahan dahang tumayo. Naglakad kami papuntang bahay habang nakatutok ang mga baril sa unahan. Nung malapit na kami ay sinenyasan ko si Acel at Angelo na maghiwalay kami. Pumunta naman ito sa kanan habang kami ay sa kaliwa. Sinenyasan ko silang gamitin ang pinto sa likod ng bahay. Habang kami ay nasa gilid. Tinignan ko ang dalawa kong kasama na halata ang kaba sa mga mukha. Nasa gilid na kami ng bahay at nakayuko.
"I'll check the front. Cover me." I commanded. Tumango lang ang dalawa saka pumosisyon.
Itinutok ko naman ang baril sa unahan may nakita akong kotse sa labas kaya siguradong may ibang tao. Sinilip ko ang unahang pinto at may nakita akong lalaking nakatalikod sigurado akong may hawak itong baril. Tinutukan ko ito sa likod.
"Baba ang baril." Utos ko dito. Halatang nagulat ito saka nagtaas ng dalawang kamay. Sinenyasan ko ang dalawa na icheck ang paligid at baka may kasama ito ng hindi ko binababa ang hawak kong baril.
"Sino ka? Baba ang baril" Tanong ko sa lalaking nasa harap ko. Dahan dahan naman nitong ibinaba ang baril niya saka itinaas muli ang kamay.
"Mayor" Turan nito. Napakunot ang noo ko dahil pamilyar sakin ang boses nito. But I didn't let my guard down. Dahan dahan itong humarap saka ko ito nakilala.
"Garcia? Anong ginagawa mo dito? At pano mo nalamang nandito ako?" Nagtatakang tanong ko saka ko ibinaba ang baril ko.
"Mayor. Pwede po bang mag CR muna? Natatae na po ako eh" Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano sa sinabi nito. Pero kahit na naguguluhan ay pinapasok ko ito sa loob ng bahay. Pagkatapos ay pumasok na din ang apat matapos masigurong walang ibang tao sa paligid.
"Sino siya?" Turo niya kay Garcia na dali daling pumasok ng CR.
"He's Patrolman Lester Garcia. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan kong pulis sa presinto. Pero hindi ko parin alam kung paano niya nalamang nandito ako. At kung anong pakay niya dito." Paliwanag ko.
"Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan natin siya?" Usisa ni Angelo. Tumango naman ako dito.
"Hindi ako basta bastang nagbibigay ng tiwala ko sa ibang tao. Pinipili at kinikilala ko ang mga taong pinagkakatiwalaan ko kaya alam kong mapagkakatiwalaan si Garcia. Matagal ko na siyang kilala" Sagot ko naman dito na ikinatango na lamang ng mga ito.
Ilang sandali pa ay lumabas na ito sa banyo saka nakangiting tumingin sakin.
"Ready na kayo sa baon kong chismis Mayor?"
BINABASA MO ANG
Campaign
Romance"Khianna, a beloved and dedicated mayor, is known for her genuine service to the people. She stands as a beacon of good governance-until she crosses paths with Ashley, a fiercely apolitical individual determined to tarnish her reputation. But when u...
