Chapter Nine

43 4 0
                                    

Ashley,

Tumayo ata lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang pangalan ko. Napakalamig ng boses. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si Mayor na nakatayo sa kaliwa ko. Nakasuot ito ng itim. Lahat itim. Nakahoodie na itim, nakapants na itim, at nakafacemask din itong itim. Muli akong lumingon sa iba't ibang kalibre ng baril na nakadisplay sa pader saka ko muling ibinalik ang tingin sa kanya. Napaatras ako. Tama nga ako. Meron siyang ginagawang hindi maganda. Kung kelan nakukuha na niya ang loob ko. At kung kelan naniniwala na ako sa mga pinapakita niyang pagsisilbi sa tao ay ganito ang madadatnan ko? Dahan dahan itong naglakad papunta sa gawi ko kaya naman ay agad akong napaiwas. Ngayon lang ako napuno ng takot. Pakiramdam ko ito na talaga ang huling araw ko sa mundo. Ngayon ko lang din napagtanto na hindi pa pala ako ready na mamatay. Nakita ko itong lumapit sa mga koleksyon niya ng baril saka kinuha ang isa doon. Wala parin itong imik at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Kaya naman kahit na nanginginig ang tuhod ay sinubukan kong humakbang para makatakas habang nakatalikod ito sa akin. Nang malapit na ako sa hagdan ay dahan dahan namang sumara ang pinto.

"Where do you think you're going? You invaded my privacy, do you think I will let you go just like that?" Seryoso at malamig na turan nito. Napalunok naman ako habang pinagmamasdan ko itong kinakalikot ang baril saka nito nilagyan ng magazine.

"S-s-sorry. H-hindi k-ko s-sinasadya. T-tsaka, kapag p-pinatay mo a-ako dito. I-ikaw parin a-ang prime suspect" Utal utal na sabi ko dahil sa sobrang takot. Tinanggal naman nito ang facemask saka nakangisi akong tinignan. Dahan dahan itong lumapit sa akin habang dala ang baril.

"I can make up a story." Pananakot nito saka mas lumapit pa. Itinaas nito ang baril saka aktong itututok sa akin kaya naman ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko para sa huling oras ko.

*Bang!*

Huh? Bakit parang iba ang tunog ng baril?

Kinapa ko ang sarili ko. Bakit parang wala akong maramdaman? Namanhid ba ako sa sakit? Ano bang nangyari? Kaya naman ay pinili kong imulat ng dahan dahan ang mga mata ko. At ganon nalang ang pagbagsak ng balikat ko ng makita ko si Mayor na parang tangang pagulong gulong sa sahig habang may binabaril na kung ano.

"Pwede na ba akong maging bidakontrabida?" Sabi nito habang nakaluhod na ang isang tuhod habang hawak ang baril.

"Gusto kitang murahin! Alam mo ba kung gaano katindi yung takot na naramdaman ko? Dahil diyan sa punyetang baril na yan?!" Galit na galit ako. Hindi pala totoong baril yung hawak niya kundi laruang baril. Inosente naman itong ngumiti saka tumayo.

"Sorry. Di ko naman akalaing matatakot kita ng ganito. Mahilig kasi ako sa games. At gusto ko din yung mga barilan kaya nangolekta ako ng mga laruan" Paliwanag nito saka inilagay ang baril sa lalagyanan nito. Napaupo ako sa hagdan saka napaiyak. Naramdaman ko namang lumapit ito saka ako niyakap.

"Sorry Ashley, sorry. Di ko sinasadyang takutin ka" Paghingi nito ng tawad saka ko ito pinaghahampas.

"Psychopath! Psychopath! Baliw ka! Akala ko mamamatay na ako! Hayup ka!" Hinaing ko habang pinaghahampas ko ito. Umiiyak ako pero may parte sa akin na nakahinga ng maluwag dahil hindi totoong sindikato siya. Nagpatuloy lang ako sa paghampas dito hanggang sa mapagod ako at tumigil nalang. Saka ko pinunasan ang mga luha ko at muli itong tiningnan ng masama. Habang ito naman ay parang asong nagpapacute lang sa harap ko.

"Buksan mo 'to. Lalabas na ako" Seryosong sabi ko. Tumayo naman ito saka may pinindot na kung ano saka bumukas ang pinto ng underground or secret room niya. Hindi ko alam ano ba talagang tawag niya dito. Mukha lang itong kahina hinala dahil nasa tago pero yung laman ay puro mga walang kwenta naman.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad na akong lumabas at hindi ko na pinansin pa ito. Ayoko ng magstay pa doon. At hindi talaga nakakatuwa ang ginawa niya. Pagkapasok na pgkapasok ko sa kwarto ko ay napabuga ako ng hangin saka napahawak sa dibdib. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa nakahinga ako ng maluwag na hindi siya gumagawa ng ano mang kabalbalan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon gayong hinahanapan ko dapat siya ng ikakasira niya. Bakit ngayon ay parang sinisiguro ko nalang na wala siyang ginagawang mali?

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon