Chapter Twenty One

39 5 2
                                    

Khian,

I was driving fast not minding my wound. I just want to be at Municipal office as fast as I can. Something happened. We remained silent inside the car. Maybe Ashley is puzzled right now but I'll just talk to her later.

Walang isang oras ng makarating din kami sa Munisipyo. Pagkarating doon ay nandoon na ang mga pulis sa labas pati na rin ang mga empleyado. Sumaludo ang mga ito sa akin pati na si Major Ruiz.

"What's happened?" I asked worriedly.

"Meron pong nagpadala ng box, na naglalaman ng pekeng bomba kaya nagpanic ang mga empleyado ng munisipyo. Wala naman pong nasaktan. Pero Mayor mukhang ikaw ang tinatakot ng nagpadala nito." Paliwanag ni Major Ruiz saka sa akin ibinigay ang kahon.  Nasa ibabaw nito ang timer. Kinuha ko din ang note na nakapaskil dito saka iyon binasa.

"Sa susunod na makialam ka, totoong bomba na ang sasabog" Basa ko dito. Napabuntong hininga naman ako saka ko tinignan ang mga empleyado na makikitaan mo parin ng takot hanggang ngayon.

"Patawarin niyo sana ako kung pati kayo ay nadadamay sa mga death threaths sa akin. Simula ngayon ay mas hibigpitan ko ang seguridad sa bayan. Sisiguraduhin kong mapoprotektahan kayong lahat ng mga kapulisan." Litanya ko. Nakita ko naman ang pagkalma ng lahat dahil sa sinabi ko. Bumaling ako kay Major Ruiz saka sinabing ipatawag niya lahat ng kapulisan na hindi on-duty.

I had a meeting with Police Force. I assigned them to monitor all the people who are coming to the Municipal. Hinigpitan ko ang seguridad hindi lang sa Munisipyo kundi maging sa buong bayan. I am making sure that they can't hurt my people. Pagkatapos non ay pinauwi ko na muna ang mga empleyado dahil alam ko kung gaano katinding takot ang naramdaman nila.

Nagdesisyon akong umakyat sa taas kasabay si Ashley na kanina pang tahimik.

"Is it safe for you to stay here? Baka nakakalimutan mong ikaw ang target" Bukas nito sa usapan ng makapasok kami sa opisina ko.

"Walang mangyayari kung magtatago lang ako ng magtatago. The better solution for this crisis is to solve it as soon as possible. I'll do everything in my power just to  make sure na mananagot ang may kagagawan nito" Seryosong turan ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. Ilang sandali pa ay kinuha ko ang kontrata sa drawer ko saka pinunit yun.

"And Ashley, ipapahatid na kita pauwi. I already terminate the contract. It's not safe for you to stay by my side right now. It's be---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong sumingit.

"Are you being serious right now? Talaga? Seryoso? After what happened here, sasabihin mo yan? Eh dapat nga lagi kang may kasama kasi nasa panganib ang buhay mo. Tapos papaalisin mo ako?" Kitang kita ko ang inis sa mukha nito. Napabuga ako ng hangin.

"Will you just please listen to me? Just this time. Please?" Pakikiusap ko dito. Umiling naman ito.

"Ginawa mo lahat para makuha loob ko tapos ngayong nakuha mo na ang loob ko bigla mo nalang akong papaalisin? Nakadrugs ka ba? O talagang sira yang ulo mo?" Galit na sagot nito.

"Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo? You can't change my mind. As of today, you are fired." Matigas na turan ko saka ako umupo sa swivel chair ko saka nagsimulang isort out ang mga documents sa ibabaw ng lamesa ko.

"Hah! So, ganon lang kadali sayo yun? Wow. Napatunayan ko ngang napakatuwid mong nilalang pagdating sa bayan pero pagdating sa ganito, tang in* ! Ang selfish mo! Hindi mo manlang ba naiisip yung mararamdaman ko?" Napatigil naman ako sa ginagawa ko saka napahawak sa ulo.

"How am I selfish if I am only thinking of your safety? Look, may gustong pumatay sa akin. Magulo ang buhay ko. I am friends with danger. I shouldn't have dragged you into this mess in the first place." Tumataas na ang boses ko dahil sa pagtaas ng emosyon ko.

"So sino pala ang selfish ngayon? Ako? Dahil nag aalala ako sayo? Dahil concern ako sayo? Dahil gusto ko na nandyan ako kapag nalagay sa alanganin ang buhay mo? Pagiging makasarili ba yun?" Kitang kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. I know. But I can't risk her.

"Wala akong sinabing ganon. And let's stop this argument. Wala lang din namang mapupuntahan to. My decision is final." Yun lang ang sabi ko saka ko tinawagan si Manong para sunduin at ihatid si Ashley sa bahay niya.

Hindi ko na narinig pang magsalita si Ashley hanggang sa lumabas ito ng opisina ko. Napabuntong hininga ako. Saka napasandig sa upuan at napapikit. Dahan dahang tumulo ang luha ko.

I'm sorry Ashley. Kung alam mo lang kung gaano kahirap para sa akin 'to. I wish I could live a normal life. But I can't, I cannot live the normal life you've been living. I can't afford to risk your life. I can't afford to waste your life.

These are the words I wanted to tell her but I can't.

Napangiti ako habang nararamdaman ang kirot sa puso ko. This feeling. The feeling that I've been experiencing since Ashley came. The only normal thing about me. The feeling that I wanted to choose but I can't. I just can't.

I stand up and stand infront of my window. And there, I saw Ashley hop in my car. Maybe this will be the last time we'll see each other. Napabuga ako ng hangin saka ko pinanusan ang mga luha ko na kanina pa tumutulo. Habang tinitingnan ang papalayong kotse kung saan nakasakay si Ashley.

Hindi pumasok sa isip ko na darating ang ang araw na 'to. Na may isang tao akong magugustuhan. Yes, I like her. I like Ashley. Hindi ko alam kung paano nagsimula. Kung saan nagsimula. Basta naramdaman ko nalang na gusto ko siya. And that kiss that we had last night was not just a kiss. It was something magical, it was something that I will treasure. It was something that I have never imagined to happen in my entire life. It was true. It was gentle. It was passionate. It was special.

Pero mas pinili ko paring iwasan ang nararamdaman ko. I can't take the risk of it. I don't want her to settle for less. And I believe I am less. I cannot give her the life she deserves. She deserves better. And I know I am not that 'better'. All I have are complications of life.

It's just right that I put an end into it, before it even started. Even though my feelings for her was the only reason why I felt I am still alive and not a living corpse.

_______________________________________________

Yo! It's been a while.

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon