Chapter Thirteen

48 2 0
                                        

Khian,

Nagising ako ng makarinig ako nga mahihinang bulungan. I tried opening my eyes and I saw someone people standing infront of me. It was kinda blur that's why I close my eyes again and tried to open it wide. Unti unti kong nakilala ang mga taong nag uusap sa harap ko. It was the Doctor, Ashley and Major Ruiz. Napatingin ang mga ito sa akin saka nagsilapitan. Unang nakalapit sa akin si Ashley.

"Kumusta ka? May masakit ba sayo?" Tarantang tanong nito ng makalapit sa akin. Natawa naman ako.

"Anong klaseng tanong yan? I've been shot." Pabirong sagot ko na ikinasimangot nito. Agad namang lumapit sa akin ang Doctor tsaka ako chineck. Ngayon ko lang siya namukhaan. It was my Doctor and friend. Acel. Chineck ako nito habang tinitignan ko lang siya. Pagkatapos ay tumingin ito ng makahulugan sa akin.

"Your vitals are already stable. You just have to rest for a while para mabawi mo yung lakas mo. Alam mo ba kung anong nangyari sayo?" Tanong nito sa akin. Napaisip naman ako.

"I was shot." Sabi ko saka ko kinapa ang kaliwang braso ko saka ko nahawakan ang benda sa palibot ng kaliwang balikat ko. I was wearing a bulletproof but it seems that the shooter was able to pinpoint the part that are not protected.

"Maraming dugo ang nawala sayo kaya nawalan ka ng malay. Alam mo ba kung kelan ka nabaril? Or you just realized that you've been shot after an hour?" She said. There is a sarcasm in her tone. Yumuko ako saka umiling. Napabuntong hininga naman ako.

"That's why I told you to stay out of trouble! Why do you keep on engaging in such danger?!" Nagulat kami lahat ng biglang tumaas ang boses nito. Napatingin ako kay Ashley na nakakunot din ang noo na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

"She's my friend that's why" Nakangiting turan ko. Napabuga naman ng hangin si Acel saka kumalma. Siguro nakalimutan niyang may kasama kami sa kwarto.

"Magpahinga ka muna. We'll talk kapag nakabawi kana ng lakas mo" Sabi pa nito saka lumabas ng kwarto. Binalingan ko naman si Major Ruiz.

"How's it going?" Tanong ko dito.

"Nasa custody na namin si Hondrade.  Pero hanggang ngayon hindi parin siya nagsasalita. But we are doing our best Mayor. I'll update you kapag meron na kaming lead." Paliwananag nito na ikinatango ko naman.

"Please do anything Major. Ikaw na muna bahala." Sabi ko dito. Sumaludo naman ito bago umalis. Ang natitira nalang sa loob ay si Ashley na nakatingin sa akin, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

"Kahit sa ganitong sitwasyon, ang iniisip mo parin ang kaso?" Seryosong tanong nito. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang titigan ang mga mata niya.

"I have to do my duty" yun lang ang naisagot ko. Lumapit ito sa akin saka ako hinampas sa braso. Napatingin naman ako dito.

"Tsaka manhid ka ba?! Bakit hindi mo man lang alam na nabaril kana?! Masyado bang ukupado yang isip mo sa paghuli sa drug dealer na yun para wala kang maramdaman?!" Sigaw nito. Nagulat naman ako sa inaasal nito ngayon. Saka ako nanlambot ng makita ko ang mga luha niya. She's crying.

"Alam mo ba kung gaano ako katakot? A-alam mo ba yung pakiramdam na y---" hindi ko na ito pinatapos saka ko nalang ito hinigit at niyakap. Hinaplos ko ang likod nito habang patuloy parin itong humihikbi.

"I'm sorry if I scared you. That won't happen again" sabi ko dito. Napalayo naman ito sa akin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Manong.

Napangiti ako ng makita ito. Halata sa mukha niya ang pag aalala. Nakita ko namang lumabas si Ashley kaya hinayaan ko nalang muna siya saka ko nalang kinausap si Manong.

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon