Chapter Twenty

41 2 0
                                    

Ashley,

Napabuntong hininga ako saka muling napatingin kay Khian habang kausap si Doc. Nasa Fire Pit Garden sila at nag uusap. Habang ako nakaupo lang dito sa bench sa ilalim ng puno. Nakabalik na kami dito sa bahay niya. Ang hindi ko maintindihan ay parang iniiwasan ako ni Khian. Napapikit nalang ako habang inaalala ang nangyari kagabi.

*FLASHBACK*

I can feel the warmth of her lips pressing into mine. Yes. She's kissing me. I was shocked, but it felt magical. Ilang segundo kaming nasa ganoong sitwasyon at walang naglakas ng loob na gumalaw. Ilang sandali pa ay ito na ang kusang lumayo saka biglang tumayo.

"I-I'll go back there. Mm. Malamok. Balik ka nalang din dun" Sabi nito saka dali daling umalis. Napakunot naman ang noo ko sabay napaupo. What happened? Takang taka man ay nagpasya akong bumalik nalang din. Hanggang sa natapos ang gabi na hindi na kami nag usap pa. Magkakasama kaming tatlo sa tent pero wala ng nagtangkang magbukas ng usapan kaya natulog nalang din ako.

*END OF FLASHBACK*

I just realize that lastnight was something I'll never forget. The night where I realized that a kiss can make you question your beliefs. One kiss that makes you question your feelings. I can help but smile by just remembering what happened last night. But, on the other hand, I am confused why Khian is suddenly acting strange. Kaya naman ay hindi ko na napigilan ay tumayo na ako saka lumapit sa kanila.

"Excuse me po. Mm. Mayor pwede ko ba kayong makausap?" Tanong ko dito. Nakita kong kumunot naman ang noo nito habang nakita kong tumango si Doc.

"About what?" Imbes na sumagot sa tanong ko ay nagtanong din ito.

"Something important" yun lang ang naisagot ko dahil nagsisimula na akong mainis.

"You can tell me here" She said. Napahawak naman ako sa ulo ko para pigilian ang pagkainis. Hinahamon niya ba ako? Pwes, di ko siya aatrasan. Napatingin muna ako kay Doc bago nagsalita.

"About what happened last night. I just want to know, why did you k----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla ako nitong hinawakan at hinatak.

"Let's talk inside" Sabi nito habang hatak hatak ako papunta sa loob ng bahay.

"Akala ko ba gusto mong doon na ako magsabi?" Inis na turan ko.

"Ashley, about what happened last light. Can we please act like it didn't happened?" Deritsong turan nito. In a span of seconds it feels like something just cut a piece of my heart.

"What?" Yun na lang na lumabas sa bibig ko.

"I'm sorry about what happened last night. It's just that, it was very romantic and we are exchanging words. And I can't help, but to be absorbed by the moment. And boom. It happens. I didn't mean to---"

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya bago pa man niya matapos ang sasabihin niya. Hindi niya sinasadya? Walang kahulugan? Nadala lang ng emosyon? Yun ba ang gusto niyang sabihin?

Hindi na ako naghintay ng sasabihin niya pa at umalis nalang ako sa harap niya. Galit na lumabas ako ng bahay. At iniwan ko lang siya sa loob.

Anong akala niya sa akin? Laruan? Kahit na hindi ko siya gusto, nasasaktan parin ako dahil sa ginawa niya. Sa mga sinabi niya. Pero, hindi ko nga ba talaga siya gusto? Napailing ako sa tanong na yun sa sarili ko. Imposible. Imposibleng magustuhan ko siya. She's completely not the type of person I will like. Maybe, this is just an infatuation. At yung mga sinabi niya, siguro tama siya. Walang meaning. Nadala lang ng emosyon. Maybe it's for the best since ilang araw nalang din naman tapos na ang kontrata ko.

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon