Chapter Four

56 4 0
                                    

Khian,

"Ano yang suot mo? Sabi mo kailangan nating magsuot ng formal?" Gulat na tanong ni Ashley ng makita ako nito sa couch.

"Not today. Go get change we are going somewhere." I told her. I just focus on some documents that I have to sign.

"Sayang ng oras. Haays." Reklamo nito pero sumunod din naman. I just smiled and continued sorting out some documents.

I am just wearing my sweat pants and a tshirt. Maybe that's why she's been intirgued. Well for me this is my casual attire.

"Okay na 'to?" Rinig kong sabi nito ilang sandali ang nakalipas. Tinignan ko naman ito. Nakashirt nalang din ito saka nakapants. Tumango ako saka ibinalik ang mata sa pipirmahan ko. Agad ko naman itong pinirmahan saka inayos.

"Dalhin mo 'to" Utos ko sa kanya saka ko ipinabitbit ang mga dokumento. Nakita ko naman ang pagbusangot nito na ikinangisi ko lang.

"Manong tara na po" Sabi ko kay Manong Edgar saka na kami sumakay ng sasakyan.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong nito.

"You supposed to know that." I said nonchalantly. Nakita ko naman ang pag iba ng awra nito.

"Pano ko malalaman? Eh hindi mo naman sinasabi?" Iritang wika nito. Naismid nalang ako.

"Do I have to tell you that? Haay. Anyway, let's just forget about it. There's no point in arguing." Nasabi ko nalang saka chineck ang telepono ko. Saka naman ito tumunog. It's Dr. Ricasa. I first look at the girl beside me before answering the call.

"I know where you're going today." Panimula nito. Napabuntong hininga naman ako.

"I'll be fine. I am enjoying it. So, please don't stop me. I don't want it when you're putting limitations to what I am doing and what I want to do." I seriously said.

"I'm just concern about you. You know th--" I didn't let her finished.

"I know. You don't have to tell me. I don't want to keep on running away from the dangers that awaits me. I am just missing the half of my life if I keep on doing that. Kahit sa bahay lahat tayo ay di ligtas, kahit sa bahay pwedeng may mangyaring aksidente. So, instead of running away from it, why don't we just face our fate? If it's my time, it's my time" Mahabang litanya ko saka ko ibinaba ang tawag.

"Nagseseryoso ka din pala?" Puna sa akin ng katabi ko pagkatapos ko ibaba ang tawag.

"Psshh. Anong akala mo sa akin? Hindi tao?" Sabi ko naman. Napatakip naman ito sa bibig at umaktong nagulat sa sinabi ko.

"Tao ka pala? Infairness ha? Di halata" Napapoker face naman ako sa sinabi nito.

"Malala kana" Iiling iling na sabi ko saka sumandal nalang sa upuan ng sasakyan saka tumingin sa labas ng bintana.

Wala na akong narinig na ingay hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.

"Okay na kami dito Manong. Tawagan nalang kita kapag magpapasundo na kami." Paalam ko naman saka ko kinuha ang dalawang bag sa loob ng van. Ibinigay ko ang isa sa kasama ko saka binitbit ko naman ang isa.

"O siya, mag iingat kayo ha?" Paalala nito na ikinatango ko nalang. Nang makaalis ito saka ko naman binalingan ang kasama ko na marahil ay nagtataka kung bakit kami nandito.

"Ano bang gagawin natin?" Tanong nito.

"Aakyat tayo ng bundok" nakangiting sabi ko saka nagsimulang maglakad.

"Ano?! Seryoso ka ba?!" Gulat na tanong nito. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Anong gagawin natin dito?! Ililigpit mo na ba ako? Kaya mo ako dadalhin sa bundok? Dito sa bundok para walang makakakita? Wala man lang akong maayos na burol?" Derideritsong sabi nito na ikinatawa ko ng malakas.

"Ang advance mo mag isip. But anyway, you still have time to run away" Biro ko dito saka nagpatuloy ulit sa paglalakad. Habang ito nakasunod lang sa likod ko.

"Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi ka mapagkakatiwalaan! May masama ka talagang balak sa akin! Hindi nga ako nagkamali!" Sa lakas ng boses niya ay nag eecho na ito sa buong bundok. Huminto naman ako saka hinarap ko ito.

"Alam mo? Isang araw palang tayong magkasama pero pakiramdam ko mabibingi na ako. Bakit ba sigaw ka ng sigaw? I can hear even you whisper, there's no need to shout." I said and started walking again. She just followed me again.

"Ililigpit mo na ba ako? Pwede bang mag iwan ng message sa mga kaibigan ko?" Muntik na naman akong matawa sa mga sinasabi nito. How can she conclude such nonsense? I handed her my phone.

"There's no signal here. Maybe you can just record a video saying your last will and testament. I promise to send it to your love ones" Pang aasar ko pa. Sasakyan nalang kita Ashley. I am not going prove myself to you, I'll just let you know the real me.

"Paano ko naman masisigurong isisend mo sa pamilya ko ang video?" Tanong pa nito. Napangisi naman ako saka muling huminto at hinarap ito. Huminto naman ito sa paglalakad. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nito kaya napaatras naman ito.

"You have my word" I answered. She look so flustered. I wanted to laugh but I keep the act. She then look at me having a serious expression.

Kinuha niya ang phone ko saka medyo lumayo. Pero nakikita ko parin siya. At naririnig.

"Kung sino man ang makakakita nitong video na 'to ito yung magsisilbing ebidensya sa mga huling sandali ko. Kasama ko ngayon ang pinakamamahal niyong Mayor. Ayan siya." Rinig kong sabi nito. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. Itinutok pa nito sa akin ang telepono. Kumaway kaway naman ako sa camera. Just saying hi. Haha.

"Sa mga kaibigan ko, salamat sa magandang alaala. Sa Nanay ko, kung nasan ka man. Anak mo to. Papatawarin na kita dahil huling araw ko nalang din naman sa mundo. Salamat sa lahat ng mga taong naging parte ng buhay ko. Hanggang sa muli nating pagkikita" madamdaming turan nito saka nagpunas punas pa ng luha. Tumalikod ako saka hindi ko na napigilan ang pagtawa. Hanggang sa naramdaman ko ng naglakad na ito palapit kaya sinubukan kong tumigil kahit na basa na ang mga mata ko ng luha dahil sa pagpipigil.

"Handa na ako" Sabi nito. Pinaseryoso ko naman ang mukha ko saka tumango.

"Bago yan, papahirapan muna kita." Sabi ko nalang saka ko ito hinila. Ilang kilometro pa ang nilakad namin hanggang sa makarating kami sa Coprahan. Hindi nito binitawan ang cellphone ko. Hindi din ito umimik at tahimik nalang.

"Mayor!" Salubong sa akin ng mga trabahador. Nakita ko naman ang gulat sa mata ni Ashley.

"You can hand them your evidence" Pigil ang tawang turan ko. Tiningnan lang ako nito saka iniabot ang cellphone.

"Tay, kapag may nangyari po sa aking masama. Pakiabot nalang po ito sa pulis" Turan nito. Nagtataka naman ang mga trabahador at nagtinginan. Maging ako ay tiningnan nila na tinanguan ko lang.

"Mayor, upo po kayo" Yaya sa amin ni Nay Rosa. Umupo naman kami sa may upuang kahoy saka ko nilapag ang bag na dala ko.

"Anong ginagawa natin dito?" Bulong ng kasama ko.

"Isasaing kita diyan, kapag tayo nalang ang natira dito" pananakot ko sa kasama ko. Itinuro ko pa kung saan pinapatuyo ang kopra. Nakita ko naman na natakot ito kaya napahalakhak naman ako.

"If you could only see your face" Di ko mapigilang matawa sa itsura niya.

"Para ka talagang masamang tao dahil sa tawa mo" Sabi nito saka ako sinamaan ng tingin.

"Mayor, inom muna kayo, fresh yan Mayor. Mukhang mahaba ang nilakad niyo." Alok ni Nay Rosa na may dala ng pitsel. Agad na ininom ko naman ang ibinigay nito. Napangiti ako. Iba talaga ang sarap ng fresh na coconut juice.

"Nga pala Mayor hanggang kelan po kayo mag istay dito?" Tanong naman ni Mang Nestor.

"Mga 3 araw po siguro, namiss ko din po ang trabaho sa kopra" Nakangiting turan ko. Nagulat naman kaming lahat ng bigla nalang parang may nagsaboy sa akin ng tubig. Nabugahan pala ako ni Ashley ng iniinom niyo. Tiningnan ko naman ito.

"Ano?! 3 araw?!" Gulat na tanong nito.

This girl. Tsk.

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon