Ashley,
"Ashley, bakit hindi mo ako pinapansin? May nagawa ba akong mali?" Kanina pa ako kinukulit nitong si Khian. Hindi ko kasi siya kinikibo kanina pa. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, pero hindi ko mapigilan na hindi masaktan sa sinabi niya. Gabi na. Madilim na sa labas. Pero dumiretso nalang parin ako palabas saka dumiretso sa Fire Pit Garden niya dito sa bahay niya na nakapwesto sa likod ng bahay.
(Credits to owner)
Mas maganda siguro ditong matulog. Kita mo din ang langit. Di ko napansin na nakasunod parin pala ito sa akin at tumabi sa kinauupuan ko. Binuksan ko ang canned beer na kinuha ko sa ref niya saka ito ininom.
"Ashley, kausapin mo naman ako. Para naman akong tanga dito oh?" Pakiusap pa nito kaya di ko na napigilan na tignan ito.
"Bukod sa pagnanakaw mo sa kaban ng bayan para mabuo 'tong lugar na 'to madami pa. Yan ang sagot ko sa tanong mo." Masungit na turan ko saka muling uminom.
"Mas okay pang nagsusungit ka ng ganyan kesa sa di mo ako kinakausap. Tsaka, hanggang ngayon talaga pinapaniwalaan mo yan?" Sabi naman nito saka sumandig sa upuan at tumingala sa langit.
"Bakit? Hindi ba totoo?" Segunda ko naman. Napailing nalang ito saka muling umayos ng upo at humarap sa akin.
"Why do you hate politicians so much?" Usisa nito. Napangisi naman ako saka muling uminom ng beer at ginaya ang posisyon niya kanina.
"Because you are liars and frauds. May kakilala akong politiko, sabi niya sa akin babalikan niya ako. Kami ni Papa. Pero hindi siya bumalik kahit na nung nawala si Papa, hindi ko man lang siya nakita. I was in College when my father died. How can a mom choose her career over her child? Over her family? That one lie. One lie that makes my life miserable. One lie that makes me what I am today. And yeah. That's the reason why I hate Politicians. You are so good at lying. Isipin mo? Ilang taon akong naniwala sa kasinungalingang yun? Haha. Ilang taon akong naniwala na babalik siya. Pero wala. Bokya. Kaya kung merong politiko na kayang iwanan ang sariling anak para sa politika, siguradong kayang kaya din nilang iwan ang bayan. At pangakuan ng kung ano ano pero hindi naman tutuparin" Mahabang kwento ko saka muling uminom ng beer. Naubos ko na ang isang lata kaya naman kinuha ko ulit ang isa at binuksan ito pero inagaw naman nitong isa saka ininom yun ng straight pagkatapos ay niyupi nito ang lata. Nakatulala lang ako dito saka ko siya hinampas sa kanang braso niya.
"Are you insane?! You are taking meds!" Inis na turan ko. Parang nagulat din ito.
"Oo nga no? Pasensya na. Nawala kasi sa isip ko" Sabi nito na napakamot nalang sa ulo. Sira ulo. Inis na kinuha ko ang isang beer saka muling binuksan. Apat kasi ang kinuha ako at madami naman siyang stock ng alak dahil may mini bar din siya. Ang nice diba? Iisa ang kwarto pero may walk in closet, may mini bar at may paganto.
"Magpahinga kana. Baka mabinat ka." Sabi ko nalang.
"I'm fine. You don't have to worry about me. Malakas ako. Balewala lang 'tong tama ng bala" Pagyayabang pa nito. Napaismid nalang ako at hindi nalang siya tinignan.
Ilang minuto ang dumaan at binalot ng katahimikan ang paligid. Ang tanging naririnig ko nalang ang tunog ng paligid. Hanggang sa biglang namatay ang ilaw at binalot kami ng dilim. Oo nga pala. Nagpapatay pala dito ng generator.
Tanging ang ilaw na nanggagaling sa apoy at liwanag ng buwan ang tanging liwanag na nakikita namin. Nung unang beses na namatay ang ilaw dito ay natakot ako. Pero bakit ngayon wala akong maramdamang takot? Napatingin ako sa katabi ko na nakatingala parin sa langit habang nakangiti. Hindi ko namalayan na napangiti na din ako saka muling pinagmasdan ang napakadaming bituin.
"This is so nice." Nasabi ko habang nakangiti.
"Yeah. It is. Especially because I am here with you" Bulong nito. Kaya hindi ko masyadong naintindihan. Hanggang especially lang ang naintindihan ko.
"Ha? Ano yun?" Tanong ko. Saka ko ito muling tiningnan.
"Ashley" Bigla yatang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa pagkakabigkas niya ng pangalan ko. Seryosong seryoso ang pagkakabigkas niya non. Nakatitig lang ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya.
"Are you aware that this will be your last week as my assistant?" Sabi nito saka ako tinignan. Napatigil naman ako saka nag iwas ng tingin. Bakit nawala sa isip ko na isang buwan lang pala akong magiging assistant niya? Malapit na pala. Bakit nakakaramdam ako ng lungkot?
"Meron pa akong isang linggo para hanapan ka ng baho" nasabi ko nalang saka muling uminom. Narinig ko ang pagtawa nito.
"Yeah. You do that." Sagot nito. Napabuntong hininga naman ako.
"Di ba dapat nung mga nakaraang linggo nangangampanya ka dahil malapit na ang eleksyon? Bakit parang ang ginawa mo lang naman ay magtrabaho?" Usisa ko dito. Ayoko munang isipin ang paghihiwalay namin ng landas.
"I have a lot of things to do. Mas madaming kailangang paglaanan ng oras kesa sa pangangampanya. Mas madaming kailangang pagtuunan ng pansin. At ang dami kong projects na kailangang tapusin dahil kung sakali man na hindi ako yung manalo may maiiwan ako para sa mga tao ko." Mahabang sagot nito. Napangiti naman ako. Kahit na hindi ko sinasabi, kahit na palagi ko siyang pinaghihinalaan at sinasabing gumagawa siya ng masama. Alam ko ng talo ako. Naniniwala na ako sa kanya, ayoko lang aminin sa sarili ko. And now, I have the courage to admit that I lost. Pero saka ko na sasabihin sa kanya. Kapag tapos na at ayokong marinig kayabangan niya habang magkasama parin kami. Tumayo ako saka napabuga ng hangin.
"Let's sleep. Late na. Kailangan mo na ding magpahinga" Turan ko saka maglalakad na sana ng bigla ulit itong magsalita.
"Are you going to let Angelo court you? May chance ba siya sayo?" Napahinto naman ako sa tanong nito.
"Bakit sobrang engage ka naman ata sa aming dalawa? What is your deal?" Inis na tanong ko dito.
"I'm just asking. You know, Angelo is a good man. And you deserve someone good." Sabi nito. Biglang nagsalubong ang kilay ko. Kanina natutuwa na ako sa kanya pero bakit ngayon gusto kong diinan ang sugat niya?
"Sino ka ba para magdesisyon kung ano yung nakakabuti para sa akin? Tatahimik ka ba kapag sinabi kong papayagan ko siyang manligaw? O sige. Oo na. Papayagan ko na siyang manligaw. Okay na?" Inis na sabi ko saka umalis na at dumiretso sa sofa saka nahiga doon. Iinisin niya lang ba ako sa loob ng isang linggong natitira? Dahil kung oo. Bibigwasan ko talaga siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/285648258-288-k948791.jpg)
BINABASA MO ANG
Campaign
RomanceKhianna, a politician, a Mayor. She is very famous because of being a good politician. She literally work for the people's sake. What will happen if she meet Ashley, an apolitical person who tries to ruin her image as a Mayor? What will happen if sh...