Khian,
"Why do I have to do this all the time?" Reklamo ng kasama ko. Nasa loob kami ng tent at pinalitan niya ang benda ko. Kakatapos lang naming magbihis at medyo natagalan kami sa tubig dahil nag enjoy kami sa paglalangoy. Medyo nakalimutan ng naming pareho na may sugat pa pala ako. Sa totoo lang hindi naman kasi ganon kalalim ang sugat. Kaya lang, madaming nawalang dugo sa akin kasi nga umabot ng mahigit isang oras siguro na hindi ko alam na umaagos na pala ang dugo. Kaya ayun. Nahimatay ako at itinakbo sa hospital.
"Sinabi ko naman kasi sayo na pwede namang hindi na ako magbenda kasi medyo okay na. Lagyan mo nalang ng gasa" Sabi ko naman. Tinignan naman ako nito ng masama.
"Pano kung dumugo na naman yan?" Masungit na tanong nito. Napabuntong hininga naman ako.
"Alam mo minsan? Hindi narin kita maintindihan. Nagrereklamo ka sa ginagawa mo, pero ikaw lang din naman nag iinsist. Ano ba talagang gusto mo?" Tanong ko dito na inikutan lang nito ng mata bago nagsalita.
"Ang gusto ko tumahimik ka" seryosong sagot nito bago sa akin isinuot ang polo shirt ko sa akin. Napapatitig naman ako habang binobutones niya paisa isa ang butones sa polo ko.
"Wag mo akong titigan. It's rude" turan nito ng hindi man lang tumingin sa akin.
"Tumahimik na nga ako. Ano pa bang gusto mo talaga?" Muli kong pang aasar.
"I told you to stay quiet. Not to stare at me." Sagot nito saka tumayo at lumabas ng tent. Kaya naman ay sumunod ako dito.
"Mukhang uulan." Turan ko ng makalabas at mapagmasdan ang langit.
"Yeah." Maikling sagot nito saka pumunta sa likod ng sasakyan saka may kinuha doon. Nang makabalik ito ay dala na nito ang foldable na lamesa saka ang camping stove. Ipwenesto niya ito sa loob saka muling bumalik sa likod ng sasakyan saka pagbalik nito ay may dala na itong baso at takure. Habang ako pinagmamasdan lang siya. Nakailang balik pa siya hanggang siguro makompleto ang mga kailangan niya at ako ay tahimik lang na pinagmamasdan siya. Wala lang ang sarap niya lang panooring gumalaw dahil alam na alam niya ang ginagawa niya.
Nagsimula itong mag ayos ng kanyang lulutuin saka kinuha ang grilling pan at nagsimulang ihawin ang pork belly na dala namin. Saka naman ako pumasok at tumabi sa kanya. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang karne na unti unting naluluto.
"I can say from the way you act that you usually do this" Bukas ko sa usapan.
"I used to camp alone. Namiss ko din ang ganito dahil every month, siguro 3 to 5 times akong nagkacamp. But since I was busy because you made me your full time assistant ay nawalan ako ng time. And yeah maybe, I should thank you for bringing me here" Mahabang litanya nito. Napangiti naman ako saka biglang naging proud sa sarili ko.
"Salamat naman at naappreciate mo ang effort ko" Natutuwang turan ko na ikinaismid naman nito.
"Medyo madilim na. Siguro dahil uulan. Kailangan na nating gumawa ng apoy" Pagbabago nito sa usapan. Napatingin naman ulit ako sa langit.
"Ako na yun. Gagawa na ako ng apoy" sabi ko saka ako tumayo at lumapit sa camfire pit at nagsimulang gumawa ng apoy. Mabilis lang dinakong nakagawa saka ko ito nilagyan ng kahoy. Wala pang 15 mins. ay malakas na ang apoy nito. At ilang sandali pa nga ay nagsimula na ngang umulan. At natapos na ding magluto si Ashley. This was suppose to be our lunch but it's already pass lunchtime. 2pm na kasi. Di na namin namalayan ang oras.
"You want coffee?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako saka naupo ng nakaharap sa labas para pagmasdanang patak ng ulan.
"Black?" She asked me again and I answered her with a no. Ilang sandali pa ay iniabot na nito sa akin ang baso ko saka ito tumabi sa akin hawak din ang baso niya at ang niluto niyang karne. We started eating while watching the rain.
"You know what? I feel like we're a couple, enjoying our time together" That slip my mouth. I bit my lower lip. Siguro dapat hindi ko yun sinabi. I wanted to punch myself but I can't. Isang mahabang katamikan ang biglang namutawi sa amin. Hanggang sa biglang kumulog ng malakas dahilan ng pagkagulat namin. O mas malala yata ang pagkagulat ng kasama ko dahil napasigaw ito. Kaya naman ay agad ko itong tinignan saka hinawakan sa balikat. Nakatakip ang dalawang kamay nito sa mga tenga niya. Halata ang takot sa mukha nito kaya naman ay di ko na napigilan ang sarili ako at niyakap ko na siya.
"It's okay. Don't be afraid. I'm here" ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. Kahit naman ako natatakot sa kulog at kidlat pero hindi katulad nito.
"Gusto mo bang umuwi na?" Tanong ko dito. Ilang sandali pa ang lumipas bago ito kumalas sa yakap at umiling.
"No. It's fine. Nagulat lang ako. Lilipas din 'to" Sagot naman nito. Muli ko itong tinitigan habang unti unting hinihigop ang kape niya.
"Are you sure?" Paniniguro ko. Tumango nalang ito saka tumingin sa labas. Kaya wala na rin akong nagawa. Mabuti nalang at tumila din agad ang ulan.
"Ako na ang magliligpit. Kanina ka pa galaw ng galaw eh" Sabi ko pagkatapos naming mananghalian.
"Minsan iniisip ko kung sino ang assisstant sa ating dalawa. Kung ako ba o ikaw?" Pagsusungit nito. Napangiti naman ako at mukhang okay na nga siya.
"Ang haba na nga ng buhok mo at pinagsisilbihan ka ng Boss mo." Pang aasar ko naman. Napaismid naman ito habang nagsimulang likumin ang mga kalat.
"Wag kang gagalaw dyan ka lang. Baka siraan mo pa ako pag alis ko na hindi ko inaayos ang trabaho ko" Dugtong pa nito na ikinatawa ko nalang.
"Mm. Thank you for the idea. Pag iisi---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong napalingon sa daan dahil nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. At iniluwa nga non si Angelo na sakay ng ATV. Napalingon ako kay Ashley na ngayon ay nakatingin na din sa tinitignan ko. Ano bang ginagawa ng asungot na to dito?
"Sabi ko na nga ba dito ko kayo makikita eh" Bungad nito ng makalapit sa amin.
"Anong sadya mo?" Kaswal na tanong ko. Ngumiti naman ito saka tumingin kay Ashley.
"Nalaman ko kasing ilang araw nalang si Ashley dito. Kaya gusto kong sulitin." Sagot naman nito habang titig na titig kay Ashley. Bigla tuloy nagsalubong ang kilay ko lalo na ng tumawa si Ashley. Kanikanina lang takot na takot ngayon nagpapabebe? Aba.
"Para kang sira. Magkikita pa naman tayo. Message mo lang ako" Sabi naman ni Ashley na ikinabusangot ko. At ayun na nga at nag usap na sila. Tinulungan ni Angelo mag ayos si Ashley habang ako parang hindi na nila nakikita. Napailing nalang ako saka medyo lumayo muna sa kanila at sumasakit ang mata ko. Ilang sandali pa ay biglang nag ring ang cellphone ko. It was Acel. Napatingin ako sa dalawa at sinigurong may ginagawa sila bago ko sinagot ang tawag.
"How's your wound?" Bungad nito.
"Mababaw lang naman 'to. Pagaling na." Sabi ko nalang para wag na siyang mag alala.
"Siguraduhin mo lang Khian. Kapag ikaw sumabak na naman sa kung saang gyera, I am going to let Tito and Tita know para puntahan ka na nila dito." Pagbabanta nito. Napabuntong hininga naman ako.
"Look, Acel. You can't tell them. Lalo na ngayon, sa tingin ko malaking tao ang nakabangga ko and I can't put their life in danger. Ako na to. Okay? At wag ka ngang OA. I am being so careful" Pagalit ko dito. Minsan nakakainis na dinang pagiging OA niya. Ba't ba kasi ako may kaibigang Doctor?
"I am not overreacting. You know your situation. You cannot be in such danger. Ngayon mababaw lang yan, pano sa susunod? Mamamalayan nalang namin nakabulagta kana at wala ng buhay?" Pagsesermon pa nito. Nakagat ko nalang ang pang ibabang labi ko sa inis. Naiintindihan ko naman siya pero ayoko namang huminto ang buhay ko.
"Look, I know you are worried. Believe me, I will be very careful but I cannot abadon this operation. Maraming buhay ang nakasalalay dito. I don't want to ruin their lives. I have to catch these dealers as soon as possible. Don't worry about me, okay?" Yun lang saka ko ibinaba ang tawag. Napabuntong hininga ako saka pinagmasdan ang ilog.
If it is my time, then that's it. I am not afraid to die. Ang kinatatakutan ko lang ay masaktan ang mga taong nakapaligid sa akin. Ang mga taong mahal ko.
BINABASA MO ANG
Campaign
عاطفيةKhianna, a politician, a Mayor. She is very famous because of being a good politician. She literally work for the people's sake. What will happen if she meet Ashley, an apolitical person who tries to ruin her image as a Mayor? What will happen if sh...