Khian,
"Mayor, positive." Sabi ni Police Major Ruiz habang hawak ang ilang gramo ng shabu. Inilagay niya ito sa lamesa. Siguro ay nasa 500 grams ito.
"Mayor, mukhang malaking tao nga po ang nasa likod nito. Nagkakahalaga ito ng P3.4M pesos o higit pa." Paliwanag nito. Nasa interogation room kami kasama ang lalaki na ang pangalan ay si Victor Versola isang tricycle driver. Kinailangan niya daw ng malaking pera dahil hindi daw sumasapat ang perang kinikita niya sa pagpapasada. Kaya siya napunta sa ganitong trabaho. Ilang buwan palang daw siya sa trabahong ito pero gusto na niyang tumiwalag dahil hindi na niya kinakaya pang gumawa ng illegal na bagay.
"Sino ang nagbibigay ng utos sa inyo?" Tanong ni Police Major Ruiz.
"Si Reymart Hondrade po. Siya po yung nagbibigay ng utos. Pero meron din pong taong nagbibigay sa kanya ng utos. Yun po ang hindi ko alam kung sino at dahil baguhan nga po ako ay hindi ko pa po nakikilala." Paliwang nito napatango naman ako. Isang katok ang nagpatigil sa amin.
"Permission to enter!" Sabi nito. Siya yung kaninang kasama ko papunta dito. Si Patrolman Garcia. Sumaludo ito sa aming dalawa ni Police Major kaya sumaludo din kami dito.
"Sir, nandito na po ang pamilya ni Versola." Sabi nito. Tumango ako.
"Go meet your family first. We'll call you to ask few more questions" sabi ko dito. Tumayo naman ito saka nagpasalamat na tinanguan ko lang. Pagkalabas nito ay napaupo ako saka napahilamos sa mukha.
"What are we going to do Mayor?" Tanong sa akin ni PM Ruiz. He is incharge in this Police Station.
"Kailangan muna nating pag aralan ang sitwasyon bago tayo sumugod. We have to bring the drugs back to find out who's behind this. We'll have to follow that garbage collector. I'm sure we'll find a lead. According to Victor they will pick up the trash at 10:30 am. Make sure that the surveillance camera is working there." Utos ko dito. Sumaludo naman ito saka umalis.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa saka tinawagan si Ms. Ricaforte.
"Hello, how was the construction? I'm sorry I cannot be there. Something came up." I said.
"90% is done. Maybe before May it's already done." Sagot naman nito. She's the Engineer I hired for the construction of the Welfare Center. And she's a friend of mine.
"Alright. Thankyou so much Gwen. I'll call you. Bye." Yun lang saka ko na binaba ang tawag. Muli akong nagdial ng number. Isang ring palang ay agad na sinagot nito. Napangiti ako.
"Nasan ka?" Bungad na tanong nito.
"Nasa Police Station. I told you, I have to settle things up. And sorry I wasn't able to record it since I'm to busy to do so" Pagbibiro ko.
"Psssh. Ba't mo pa kasi ako pinadala sa hospital? Sinabi ko naman sayong okay lang ako. Ang OA mo lang talaga." Napangiti na naman ako. Hindi ko alam pero may ginagawa sa akin siya na nakakapagpangiti sa akin.
"I just want to make sure. Nga pala, I'll be late. Order ka nalang ng pagkain mo. At pakicancel na din muna ng mga schedule ko. At mukhang matatagalan pa ako dito sa presinto. " Paalam ko dito. Di ko alam bakit ako nagpapaalam. I just don't want her to worry.
"Ano?! Hahayaan mo akong mag isa sa bahay mo?!" Eksaheradang tanong nito. Nailayo ko naman ang cellphone ko sa tenga ko. Jusko po kung makasigaw.
"Pakibigay nga muna kay Manong ang cellphone" sabi ko nalang.
"Mayor" bati nito sa kabilang linya.
"Manong pahatid nalang po si Ashley sa bahay at pasundo po yung kaibigan niya. Para may kasama po siya sa bahay" utos ko dito.
BINABASA MO ANG
Campaign
RomanceKhianna, a politician, a Mayor. She is very famous because of being a good politician. She literally work for the people's sake. What will happen if she meet Ashley, an apolitical person who tries to ruin her image as a Mayor? What will happen if sh...