Chapter Twenty Four

35 3 0
                                    

Khian,

"Okay na ba yung mga dadalhin natin?" Tanong ko sa mga tao ko. Kasalukuyan kaming nag aayos ng mga gamit. Every month kasi ay meron kaming nakaschedule na outreach program para sa mga Baranggay na malalayo at sobrang dalang lang na makapunta dito sa bayan. That's why I organized and proposed this program every month. I want all the Baranggay's to live a comfortable life. Ayokong isipin nila na ang malalapit lang ang naabutan ng tulong.

"Okay na po Mayor. Nandito na din po ang sasakyan ng mga volunteers" Sabi naman ni Mary. Isa siya sa pinagkakatiwalaan kong tao.

"Okay. Make sure na maidala lahat ng mga kailangan dalhin" Utos ko pa habang nag aayos.

Ilang sandali pa ay natapos na din kami sa paglagay sa truck ng mga supplies na dadalhin namin sa Brgy. Mabunga. Sa kanila kami pupunta ngayong buwan. Buwan buwan kasi ay iba ibang Brgy. ang pinupuntahan namin.

Napatingin ako sa wrist watch ko. At kailangan na nga naming magmadali. 7 am na. 1 hour pa ang byahe namin bago marating ang Brgy. Mabunga dahil talagang malayo ito.

"Okay everyone! Pack your bags. We're gonna go!" Sigaw ko sa labas ng munisipyo.

"Yes Mayor!" Sabay sabay naman na sabi ng mga ito saka nagsisakayan na sa jeep na inarkila namin. Siguro ay nasa 50 katao din ang mga nagvolunteer ngayon. At nakakatuwa yun. Dahil may mga tao parin talagang gustong tumulong at walang hinihinging kapalit.

Nang makasakay na ang mga ito ay saka naman ako sumakay sa Jeep ko. Ayokong sumabay sa kanila sa iisang sasakyan hindi dahil sa ayokonlang silang kasabay kundi nag iingat ako at baka may madamay na namang ibang tao kung sakaling tambangan ako. May mga security naman ako na sasama sa amin pero mas okay na din maging maingat.

_______________________________________________

"Mayor!" Sigaw ng mga Nanay na sumalubong sa amin. Pagkatapos ng mahabang byahe ay nakarating din kami.

"Kumusta ho kayo?" Bati ko sa mga ito.

"Naku, ito ho eh mabuti naman po. Pinagdasal po namin dito sa Brgy. na kayo muli ang manalo bilang Mayor. Mabuti naman ho at nadinig ang aming mga panalangin" wika ng isang Nanay na halata sa mata ang saya.

"Salamat ho. Malaking tulong ho iyon sa akin. Maraming salamat po. O siya tara na ho doon para ho ay makapagsimula na tayo" yaya ko sa mga ito na sumunod lang din sa sinabi ko. Pumasok naman kami sa  auditorium ng kanilang Brgy. at doon gaganapin ang outreach. Nagtaka naman ako dahil may nakikita akong mga nakasuot ng kulay pulang tshirt. At may mga nagchecheck up sa mga tao.

"Mayor, salamat ho at hindi niyo nakakalimutan ang aming Brgy. Napakaswerte namin at meron pong mga taong gustong tumulong sa amin." Salubong sa akin ng Kapitan. Nakipagkamay ito sa akin na inabot ko naman saka ngumiti.

"Mukha hong hindi lang ho kami ang gustong tumulong po sa inyo" sabi ko naman na ikinangiti nito ng malawak.

"Oo nga ho Mayor. Mabuti at naabutan niyo sila. Sila kasi ang NGO na bumabalik balik din dito para sa Medical Mission na programa din ng organisasyon nila. Sayang nga ho at hindi nila kasama ngayon ang Presidente nila pero nandito po ang pansamantalang kapalit niya po. Halina po kayo at ipapakilalala ko kayo" Sagot naman nito. Napangiti naman ako saka tumango.

Binati naman kami ng mga tao doon habang dumadaan kami. Nasa loob daw kasi ng Brgy. Hall ang kasalukuyang nagmamanage nitong Medical Mission. I wanted to commend them for doing this.

"Ms. Ashley, nandito na po sila Mayor" Tawag ng Kapitan sa babaeng may inaayos sa lamesa at may chinicheck. Bigla namang kumabog ang puso ko.  Habang pinagmamasdan ang isang babae na ngayon ay nasa harap ko na.

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon