Ashley,
Napalaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Mayor. 3 araw? 3 araw kaming mag istay dito? Bakit? Para saan? Pangangampanya parin ba 'to? O talagang ililigpit na niya ako?
"Do you have to do that?" Inis na tanong nito saka nagpunas ng mukha. Pati damit niya nabasa ko din.
Nasa isang napakalaking niyogan kami. Hindi ko alam kung gaano ito kalaki. At kasalukuyan kami ngayong nasa koprahan. Ngayon lang ako nakakita ng aktwal na pag kokopra. Maraming tao rito at halos mga lalaki lang. Lahat ay abala sa pagsasalansan ng niyog sa kawayan na parang ginawang higaan at sa ilalim ng kawayan ay may malalim na butas. Ngayon ko lang ito nakita kaya hindi ako masyadong pamilyar. Magkakatabi ang koprahan at may mga taong nagsasalansan. May mga iilang nagbibiyak ng niyog at may ilang nagtatanggal ng balat ng niyog.
"Punta lang po muna kami sa kubo. Magpapalit lang po muna ako" napukaw ang atensyon ko ng magsalita ito. Saka ako hinila.
"Hoy, bakit tayo magistay dito? Tsaka akala ko ba papatayin mo na ako? Wag mong sabihing madedeads ako sa harap ng maraming tao?" Tanong ko dito habang naglalakad kami sa kung saan man papunta.
"Sinabi ko sayo kanina diba? Papahirapan muna kita" Sabi nito. Napalunok naman ako. Bigla akong natakot sa sinabi niya. Papatayin niya ba talaga ako? Baka magbago pa ang isip. Sinubukan ko nalang na maging matapang kahit ang totoo natatakot naman na talaga ako.
Ilang sandali pa ay may nakita akong mga kubo kubo saka may mga tao din doon.
"May mga nakatira dito?" Curious na tanong ko. Tiningnan lang naman ako ng kupal at dumiretso lang sa paglalakad hanggang sa marating namin ito. Siguro ay nasa sampo din ang mga kubong nakatayo. Malawak ang lugar at sa medyo malayong parte ay makikita mo ang mga nagtataasang puno ng niyog. Sa tingin ko ay itong space na 'to ay para sa mga nagtatrabaho.
"Mayor!" Agad na nagsilapitan sa amin ang mga tao. Siguro ay nasa 20 silang lahat. Dito naman ay puro babae. May napansin din ako sa gilid na parang gawaan ng materyal na gawa sa balat ng niyog.
"Naku Mayor mabuti nalang po at nagawi kayo ulit." Sabi ng isang babae.
"Kaya nga ho. Nakakamiss din ho dito sa koprahan. Sobrang busy lang po sa munisipyo kaya ho ilang buwan din akong hindi nakapasyal." Paliwanag ng isa na ikinasalubong ng kilay ko. Ibig sabihin madalas siyang pumupunta dito? O tuwing kampanya lang? Mm. Siguro bago man lang ako mawala may oras pa akong makahanap ng iba pang ebidensya para siguradong wala siyang ligtas sa batas. Kaya naman nakabuo ako ng plano na sa 3 araw ko ng pag istay dito, mangangalap ako ng impormasyon.
"Naihanda na po namin ang mga kailangan niyo Mayor. Pasok nalang po kayo sa bahay niyo" Sabi naman nung isa na tinuro ang medyo malaking kubo. Bahay? May bahay din siya dito?
Hinila na naman ako nito saka kami pumasok sa kubo. May hagdan dito dahil medyo angat sa lupa ang bahay. Parang yung mga dating bahay na gawa sa kawayan. Umakyat kami pareho saka nito binuksan ang ilaw. Buti nalang may kuryente. Napansin kong walang higaan pero may mga nakalagay sa gilid na panlatag. Wala ding banyo. May nakita akong lamesa at dalawang upuan sa may gilid. Yun lang ang laman ng bahay. Parang isa isang tulugan lang ito.
Napalingon naman ako ng bigla nitong isinara ang pinto.
"Anong ginagawa mo? Bakit ka nagsara ng pinto?" Gulantang na tanong ko.
"Gusto mo bang makita nila na nagbibihis tayo?" Sagot naman nito saka walang paalam na naghubad sa harap ko. Napalaki naman ang mata ko saka napatalikod.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Inis na turan ko. Bigla tuloy nagflashback ang nangyari kagabi nung nahawakan ko ang ano niya. Aishh.
"Don't tell me, you're thinking about what happened last night?" Diretsang tanong nito.
"H-hindi! Bakit ko naman iisipin yun?! Hindi ko na nga maalala ang nangyari kagabi!" Tanggi ko na hindi parin tumitingin dito. Narinig ko naman na tumawa ito.
"Then, why did you know what I'm talking about?" Para akong naestatuwa hindi lang dahil sa sinabi niya kundi dahil naramdaman ko ang labi niya na dumampi sa tenga ko. Anong nangyayari? Bakit parang may kung anong kuryente akong naramdaman? Ano 'to?
"Mayor! Nakahanda na po ang pagkain. Labas nalang po kayo kapag nakapagbihis na po kayo!" Nagising ako dahil sa tawag na yun na sa baba. Kaya agad na napalayo ako saka umiwas ng tingin.
"You should change. You're wet. I'll just wait you down stairs" Sabi nito saka kumindat pa. Nang makalabas ito ay napahawak ako sa haligi. Saka napahawak sa dibdib ko. Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? At bakit parang pakiramdam ko may iba siyang ibig sabihin sa sinabi niyang 'You're wet?'?
Napahawak ako sa noo ko saka pinunasan ang pawis. Ang init. Agad na naghanap naman ako ng damit at pinilit nalang na mawala sa isip ang nararamdaman. At doon ko lang narealize na wala pala akong dala. Natampal ko ang noo ko. Aish. Madam Mayor. Bakit di mo naman sinabi agad? Di ako nakapagprepare! Kaya wala akong choice kundi ang maghanap sa damit niya. Kasalanan niya naman. Kaya manghihiram ako ng damit niya. Ang weird, pero ang komportableng gamitin ng damit niya.
Pagkatapos kong magbihis ay nag ayos muna ako ng sarili bago lumabas. Paglabas ko ay parang fiesta na nakahanda ang mga pagkain. Bakit parang hindi ko ito napansin kanina? Nakahain ang mga pagkain at nakalagay sa dalawang mahabang lamesa. Boodle fight ba 'to? Biglang kumalam ang sikmura ko. Tiningnan ko ang oras 11:39 na pala ng umaga. Ang haba din pala ng nilakad namin.
"Ms. Ashley, dito ho kayo sa tabi ni Mayor" yaya sa akin ng isang ginang na sa tingin ko ay nasa 50 ang edad. Ngumiti naman ako dito saka naglakad hanggang sa tabi ni Madam Mayor.
"It suits you" bulong sa akin ng katabi ko.
"Kasalanan mo kung bakit suot ko ang damit mo, edi sana kung sinabi mo ng maaga nakapagdala man lang ako ng damit na pangburol" Inis na turan ko.
"You know what? Haha. Nevermind, just use my clothes" Naitaas ko nalang ang gilid ng labi ko habang nakatingin dito dahil sa sagot nito. Wala talagang kwentang kausap.
"Nandiyan na sila. Magsimula na tayong manalangin" Sabi nung babae na kaninang niyaya ako dito sa pwesto.
"Maraming salamat po sa mga biyayang nakahain sa amin ngayon, maging sa biyayang natatanggap namin araw araw. Nawa'y palagi mo po akong gagabayan sa araw araw sa tuwid na daan upang maituwid ko din po ang baluktot na sistema. Salamat po. Amen." Napailing nalang ako sa panalangin niya. Pabida talaga.
"Kainan na!!" Sigawan nito kaya naman ay sabay sabay na itong kumain. Pinagmamasdan ko lang nag katabi ko habang masayang nakikipag agawan ng pagkain.
"Buti nalang ho talaga napasyal kayo Mayor. Namiss naming gawin ang mga ito. Hindi masaya kapag wala ka." Nagtawanan naman ang mga ito.
"Naku, kayo nga ho ang namiss ko. Kaya susulitin ko ho ang 3 araw dito sa koprahan" Masayang sagot nito. Nagsimula nalang din akong kumain at hindi na sumali sa usapan nila. Gutom na ako eh.
"Pagkatapos ng trabaho Mayor. Alam na ha?" Sabi ng isang mama. Parang fiesta dito. Siguro ay nasa 30 lahat ng tao ngayon dito.
"Matatanggihan ko po ba kayo?" Pagsang ayon naman ng isa. Punong puno ang bibig nito nang sumagot ito kaya naman ay hindi ko napigilang mainis at sa inis ko ay binatukan ko ito.
"Sinong may sabi sayong magsalita ka ng punong puno ang bibig?!" Sigaw ko sa inis.
At doon ko lang narealize ang ginawa ko. Naramdaman ko din ang mga matang nakamasid sa akin. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko saka ngumiti ng inosente.
Anong gagawin ko? Pano ko pa makukuha ang loob nila para magkwento sa akin at makakalap ng impormasyon kung ganito ko tratuhin si Mayor?
Ramdam na ramdam ko ang bigat ng tingin nila sa akin. Sana lamunin nalang ako ng lupa.

BINABASA MO ANG
Campaign
Romance"Khianna, a beloved and dedicated mayor, is known for her genuine service to the people. She stands as a beacon of good governance-until she crosses paths with Ashley, a fiercely apolitical individual determined to tarnish her reputation. But when u...