"Khianna, a beloved and dedicated mayor, is known for her genuine service to the people. She stands as a beacon of good governance-until she crosses paths with Ashley, a fiercely apolitical individual determined to tarnish her reputation. But when u...
"What the hell are you wearing?!" Halos pasigaw na tanong ko saka ko agad agad na iginiya patalikod si Angelo (pronounce as Anghelo).
We just saw Ashley, nakatapis lang naman po siya ng tuwalya. What the hell is she thinking? Lumabas siya ng ganon ang itsura niya?
Agad na naglakad ako palapit dito saka ko ito hinila papasok ng kwarto.
"Akala ko ba tayo lang ang nandito? Tsaka, naghahanap ako ng banyo. Tatanungin palang sana kita kung nasaan." Paliwanag nito.
"Ang lugar na 'to ay konektado sa niyogan. Kaya may mga pumupunta talaga dito. Ano bang pumasok sa isip mo at lumabas ka ng nakaganyan lang? Pano kung nahubaran ka sa harap ni Angelo?" Inis na turan ko. Naiinis ako habang naiisip ko ang nangyari at ang pwedeng mangyari.
"S-sorry na. G-gusto ko lang namang maligo" Paghingi nito ng pasensya.
"Buti sana kung ako lang makakakita" Nasambit ko. Napapoker face naman ito habang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako saka naglakad papunta sa CR ko.
"Iisa lang ang CR dito. At nandito sa loob ng kwarto ko. Here. I'll get you some clothes. Wag ka ng lumabas ng nakaganyan." Sabi ko saka ko ito iniwan. Isinara ko ang pinto saka ako lumabas.
"Angelo, pwede ka ng humarap. Pakilagay muna ang mga yan sa ref." Utos ko dito saka ako pumasok sa sa closet. At pumili ng damit niya. Kinuhanan ko na din siya ng underwear niya. Pagkatapos ay hinatid ko yun sa kwarto ko at inilagay sa kama. Maliit lang itong bahay ko dito. Ayoko namang lakihan dahil ako lang naman nag istay dito.
"Mayor. Nailagay ko na po lahat" Salubong sa akin ni Angelo ng makalabas ako ng kwarto.
"Salamat. Pasensya na sa nangyari kanina." Hinging paumanhin ko dito.
"Ano ka ba? Okay lang yun. Di naman sinasadya eh." Sagot naman nito na ikinatango ko nalang.
"Kumusta sila Nay?" Tanong ko saka umupo sa sala. Naupo din ito sa kabilang upuan.
"Okay naman. Kaya lang sobra ang pag aalala non sayo. Di nga nakatulog nung nakaraang gabi." Sabi naman nito. Napabuntong hininga naman ako.
"Hindi ko na sana ipapaalam sa kanila kaya lang ang balita talaga ay may pakpak" natatawang sabi ko.
"Sa tingin ko tama ang desisyon mo na magpahinga muna. Masyado mo ng isinasaalang alang ang buhay mo eh." Wika nito. Napatingin naman ako sa labas saka pinagmasdan ang mga puno.
"When we are protecting something important, we don't hesitate to act. Ngayon, pinoprotektahan ko ang San Isidro. And I will not hesitate to risk my life to just protect it and my people." Sagot ko dito saka nakangiting sinalubong ang tingin nito. Napailing nalang ito habang naiiling.
"Kung katulad mo ang ibang mamumuno sa bansa natin, siguro ay nasa payapang estado na tayo" Tugon nito. Ngumiti nalang ako bilang sagot. Ilang sandali pa ay lumabas na si Ashley. Mahaba haba na pala ang usapan namin ni Angelo.
Nakita ko naman ang biglaang pagtayo ni Angelo. Para bang nataranta ito ng makita si Ashley.
"Sorry sa kanina. Di ko sinasadya" Sabi ni Angelo at yumuko pa sa harap ni Ashley.
"Okay lang yun. Wala naman may gusto sa nangyari." Sagot naman ng isa ng nakangiti pa. Nagsalubong naman ang kilay ko.
"Angelo nga pala." Pakilala nito saka iniabot ang kamay kay Ashley. Kinuha naman agad yun ni Ashley.
"Ashley. PA ako ni Madam Mayor." Sagot naman nito saka ngiting ngiting nakipagkamay.
I stand up and cleared my throat.
"Ah. Angelo, baka hinahanap kana ni Nanay. Pasabi sa kanya bibisita ako doon bukas. At wag na kamo siyang mag alala sa akin. Okay lang ako" tuloy tuloy na sabi ko kaya naman napabitaw ang dalawa.
"Sige Khian. Makakarating. Mauna na ako. Ashley. Una na ako. Kita nalang ulit tayo sa susunod" Paalam pa nito. Napaiwas naman ako ng tingin saka napaismid. Parang ngayon lang ako naasar kay Angelo? Nakakaasar pala siya?
Nang makaalis si Angelo ay binalingan ko ng tingin si Ashley.
"It's time to change my bandage" masungit na turan ko saka ako naglakad papunta sa kwarto at pumasok doon saka naupo sa kama. Sumunod naman si Ashley na may dalang bag. Doon niya nilagay ang mga gamot at bandage para sa sugat.
Isinara muna nito ang pinto bago lumapit sa akin. Dahan dahan nitong inalis ang sling ko.
"Bakit hindi maipinta yang mukha mo?" Puna nito. Pshh. Magtatanong talaga siya?
"Malamang nasasaktan ako" sagot ko na lang.
"Eh ba't ka nagsusungit? Ngayon ka lang ata nagsungit sa akin?" Sabi ulit nito. Hinawakan nito ang dulo ng damit ko saka dahan dahang hinubad. Tinulungan niya ako dahil hindi ko pa pwedeng igalaw masyado ang balikat ko. Napasinghap naman ito ng mahubad na ang tshirt ko kaya napangisi ako.
"You're drooling" Pang aasar ko dito. Kanina pa kasi ito nakatitig sa katawan ko.
"Shut up" rinig kong sabi nito. Saka dahan dahan ulit tinanggal ang bandage na nakapalibot sa dibdib ko papunta sa balikat.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Does my chest makes you hot?" Pang aasar ko pa.
"If you open your mouth once again, I swear, ingungod kita" Pananakot nito kaya natikom ko nama. Ang bibig ko. Ilang sandali pa ay kumuha ito ng gamot saka dinampi sa sugat ko saka nilagyan ng gasa. Pinagmamasdan ko lang siya habang para siyang nurse na gumagalaw dahil halatang alam niya ang ginagawa niya.
Ilang sandali pa ay inilalagay na nito ang bagong bandage ng dahan dahan. Hindi mapigilang mapadampi ang kamay niya sa dibdib ko kaya mas inilalapit ko pa yun para asarin siya.
"Don't. Fckin'. Move." I can feel the weight in every word she said. Kitang kita ko na bumibilis ang paghinga niya. I think she's uncomfortable, but why do I feel like I am loving how she's uncomfortable right now?
Bumibilis ang paghinga nito. Sobrang lapit na din namin sa isa't isa dahil sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung ilang pulgada nalang ang layo namin sa isa't isa pero ramdam na ramdam ko na ang paghinga niya.
I can feel it. This feeling everytime she's this near. The rage on what's inside my chest. It was abnormally beating when I am with her. From the very first time that I saw her, up until this time. This feeling, it keeps on growing. I am terrified if I will not be able to suppress this feelings I have for her. I am afraid that it might put her in danger. I am scared that it might make her life miserable. I am too afraid that it might break her. 'Coz I cannot be the normal person she deserves.
But how? How am I going to ignore it? If she's infront of me, making me go crazy over her?
"Do you know how much I wanted to kiss you right now?" I blurted out.