Chapter Twenty Two

35 4 0
                                    

Khian,

It's been 2 weeks. After what happened here in the municipality, I tightened the security. Not for me, but for my people. I even ask the police to have a checkpoint in every part of the town. Ayoko kong may mararamdaman silang takot at kawalang seguridad dito sa San Isidro. Gusto maramdaman nila na ang bayan ng San Isidro ang pinakaligtas na lugar na mapupuntahan nila.

"Mayor! Panalo tayo!" Sigaw ng Campaign manager ko pagpasok nito sa opisina. Yes. Today is Election day. And yeah I won. Again. Thank God I can still serve my people. Siguro sasabihin ng iba na pwede naman akong tumulong kahit na wala akong posisyon. Yeah I know. But with power, I can do everything. At isa na doon ay ang pagtuwid ng baluktot na sistema ng mga taong nasa posisyon.

Pagkarinig ko ng sinabi ng Campaign manager ko ay agad na napatayo ako at napayakap dito.

"Thankyou" yun lang ang sinabi ko saka ako bumitaw sa  pagkakayakap dito. Nagpalakpakan naman ang mga kasama sa Team ko, na mga boluntaryo lang na tumulong sa pangangampanya.  Napangiti ako saka nagbow bilang pasasalamat.

"Congratulations Mayor!" Sigaw ng mga ito.

"Maraming salamat. Hindi lang ito panalo ko, kundi panalo nating lahat. Para sa San Isidro!" Sagot ko naman.

"Para sa San Isidro!" Sabay sabay nilang sabi.

Pagkatapos ng mga pagbati ay isa isa ng nagsipag uwian ang mga tao ko dahil wala pang tulog ang mga ito dahil sa pagbabantay sa election para walang dayaang mangyari. Maging ako ay wala ring tulog.

Pagkaalis ng mga tao ko ay tumayo ako saka pinagmasdan ang labas. Mula rito sa kinatatayuan ko ay  halos makikita mo ang malaking parte ng bayan. Pinasadya ko ito dahil kapag nakakaramdam ako ng pagod, ay pinagmamasdan ko lang ang labas at nabibigyan na ulit ako ng lakas. Ang cringe man pakinggan pero yun ang totoo.

Sinipat ko ang oras sa relo ko. It's already 7:00 in the morning. Napangiti ako saka napabuntong hininga. Kumusta na kaya siya? Alam na kaya niyang nanalo ako? Masaya kaya siya?

God I miss her so much. I wanted to celebrate my sucess with her but I couldn't. I wanna see her so bad. It's been 2 weeks.

And without thinking straight, I get my car keys and drive on the way to her house. I just wanna see her. Kahit di niya ako makita.

Hindi ko na pinasama ang mga bodyguards ko kahit nagpumilit sana sila. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Baranggay nila. Ipwenesto ko ang kotse ko sa tabi ng puno na tanaw ang bahay niya.

Gising na kaya siya? O tulog pa? Hindi ko alam kung ilang minuto akong naghintay hanggang sa nakita kong biglang bumukas ang pinto ng bahay niya pero laking gulat ko ng hindi siya ang lumabas doon kundi isang lalaki.

Lalaki? Ganito kaaga? Wag niyong sabihing dito ito natulog?

Napakunot ang noo ko saka parang may matalim na bagay na tumarak sa dibdib ko. Iniisip ko palang na dito ito nagpalipas ng gabi ay kumukulo na ang dugo ko. Kaya naman ay hindi ko namalayan at kusang gumalaw na pala ang katawan ko at napansin ko nalang na nasa tapat na ako ng bahay ni Ashley.

"Who are you?" Tanong ko sa lalaking ngayon ay gulat na gulat sa bigla kong pagsulpot. Maging si Ashley ay halata ang gulat base sa nakikita ko sa gilid ng mata ko. Sa lalaki kasi ako nakaharap.

"Mayor! Ano pong ginawa mo d---" Sabi ng lalaki na hindi ko na pinatapos.

"Patingin ng valid ID mo" Seryosong utos ko saka ko inilahad ang kamay ko para abutin ang ID.

"Ho? A-I-ID po? Bakit po?" Halatang nataranta naman ang lalaki habang iniaabot sa akin ang ID.

"Raymond Gracilla. Okay." Plain na sabi ko saka ako lumingon kay Ashley. Kitang kita ko ang gulat sa mukha nito at siguro nagulat sa ginawa ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa akin.

"At anong ginagawa ng lalaking to dito ng ganito kaaga? Bakit ka nagpapapasok ng kung sino sino lang sa bahay mo?" Inis na turan ko.

"Ayos ka lang ba? O nasisira na ulo mo? Ikaw. Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga? Ha? Tapos bigla bigla ka nalang susugod dito sa bahay na parang may ginawa akong masama, pati si Raymond pinagdiskitahan mo? Nasobrahan ka ba sa kape?" Inis na litanya niyo.

"Will you just please answer my question?! Sino ba siya? Boyfriend mo? Dito mo pinatulog? Ganon? Alam mo bang delikado na ang panahon ngayon? Bigla bigla ka nalang nagtitiwala. Pano kung ginagago ka lang nito at may masama siyang balak sayo? Hindi ka ba nag iisip?" I was acting so strange. Why am I causing a ruckus? Fck. I can't help it.

"What the fck?! Are you fcking serious?! Who are you to tell me what to do?! Wala kang pakialam kung sino sino ang pinapapasok ko dito sa bahay. Dahil unang una bahay ko 'to. At pangalawa, ano bang pakialam mo? Diba nga ikaw itong nagpaalis sa akin? Tapos after 2 weeks nandito ka at parang tangang gumagawa ng eskandalo? Wala kang karapatang husgahan ang mga taong pinapasok ko sa buhay ko!" Sigaw nito. Napaatras naman ako saka ko lang narealize na tama siya. Pinagtulakan ko nga naman siya palayo tapos bigla bigla nalang akong susulpot ng ganto? Napakatanga ko. Napakagago ko.

"R-right. I'm s-sorry." Mahinang sabi ko ng matauhan ako. Saka ako dali daling umalis sa harap nila at sumakay sa kotse ko. Bumuga ako ng hangin bago pinaandar ang sasakyan at tuluyang umalis. Nang makalayo ako ng ilang metro ay tinigil ko ang sasakyan saka bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Nasasaktan ako.  Nagseselos ako. Pero ang tanga tanga ko. Ang duwag duwag ko. Wala akong magawa. I can't even tell her what I feel because I'm such a jerk. I'm a fckin' coward.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak. Saka ko pinilit na kumalma. Hindi ko pwedeng sayangin ang oras ko sa kakaiyak. I have so many things to do. Nang kumalma ako ay muli akong bumuga ng hangin saka ko pinunasan ang mga luha ako at nagdrive papalayo. Maybe it's for the better. Tama lang yan. Wala naman siyang maaasahan sa akin eh. Madasaktan ko lang siya. At mailalagay ko lang ang buhay niya sa panganib. Kaya tama lang yun. Tama lang na pinakawalan ko siya. I just want her to live a normal and happy life.

At ako? I'll just serve the peoplw for the rest of my life.

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon