Ashley,
"Are you okay?" She mouthed as she looked at my direction. Nginitian ko ito saka tumango. Kasalukuyan kaming nasa auditorium habang cinicelebrate ang "Gabi ng San Isidro". Kaya naman ay magkahiwalay muna kami ngayon ni Khian. Ako nasa gilid ng stage habang siya ay nakaupo sa unahan ng stage. Alam kong mas pagod siya kesa sa akin pero mas concern pa ito kung okay lang ba ako. Napangiti naman ako sa isiping yun.
Kasalukuyan na kasing nagaganap ang mga patimpalak at namimigay na rin ng mga papremyo ang mga opisyales ng LGU's. Maya maya pa ay nakita ko siyang kinuha ang telepono niya sa bulsa saka nag excuse sa mga kasama para sagutin ang tawag. Sinundan ko na lamang ito ng tingin. Marahil ay emergency yun kaya kailangan niyang sagutin agad. Maya maya pa ay nag simula na ulit akong mag assist sa mga kalahok kaya hindi ko na namalayan pa si Khian. Paglingon ko kung saan ito nakatayo kanina ay wala na ito dun. Maging sa kinauupuan niya kanina. Napaikot ang paningin ko sa paligid habang hinahanap si Khian. Pero sa sobrang daming tao ay di siya mahagilap ng mga mata ko. Maya maya pa ay bigla na lamang tumunog ang phone ko sa bulsa. Hudyat na merong tumatawag. Si Khian. Agad akong lumayo muna sa malakas na tugtog at lumabas ng auditorium para masagot ang tawag.
"Ashley, kailangan ko munang umuwi. Something came up. But don't worry, I'll be fine. Just tell them na nagkaemergency lang ako kaya hindi ko na matatapos ang programa" Mabilis na pahayag nito. Bigla naman akong kinabahan. Pakiramdam ko may masamang nangyari. Alam kong hindi siya magmamadaling umuwi kung walang masamang nangyari.
"Hey, are you okay? Ano bang nangyari?" Natatarantang tanong ko.
"I promise I'll be fine. Iloveyou." Yun lamang at pinatay na nito ang tawag. Nagdesisyon akong tapusin nalang muna ang patimpalak saka ko siya susundan sa bahay. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa nangyayari. Malapit lang naman ang bahay niya dito kaya mabilis lang akong makakarating kung sakali.
Sinusubukan kong maging kalmado hanggang lang sa matapos ko ang event. Alam kong mas kailangan ako ni Khian dito. Kaya kailangan ko itong tapusin ng matiwasay.
Wala pang 30 mins. Ay bigla na lamang may nagflash sa projector dahilan ng biglang pagsigawan ng mga tao.
"Si Mayor yan diba?" Rinig kong bulungan ng mga tao. Habang ako parang naestatuwa sa kinatatayuan ko habang pinapanood ko ang nakaflash sa screen. Si Khian habang may hawak na baril at si Manong na nakahandusay sa sahig habang naliligo sa dugo. Bigla akong natauhan, saka dali daling lumabas. Kailangan kong puntahan si Khian bago ako maunahan ng mga pulis. Hindi ko alam ang buong istorya ng litrato. Pero alam kong hindi kayang gawin ni Khian yun. Agad akong sumakay sa motor ko. Saka ito pinaharurot papunta sa bahay ni Khian. Wala pang 15 minuto ay nakarating na ako doon. Pagdating ko ay nakabukas ang gate kaya patakbo akong pumasok doon.
"Khian! Where are you?!" Sigaw ko habang inisa isa ko siyang hanapin sa loob ng bahay. Naabutan ko siya sa may kusina habang nakaupo at nanginginig. Hawak parin nito ang baril. Dahan dahan akong lumapit dito, saka ko dahan dahang kinuha ang baril sa kamay nito. Biglang tumulo ang mga luha ko ng unti unti na itong umiyak. Niyakap ko ito habang humihikbi.
"I.. I.. d-didn't kill him." Humihikbing sabi nito.
"Shhhh. I know. I know" Sagot ko naman habang mahigpit itong niyayakap kasabay ng paghaplos ko sa likod nito. Hinayaan ko lang muna siyang umiyak sa balikat ko hanggang sa biglang tumunog ang phone ko. Si Pat. I have to answer this call.
"Ash, papunta na diyan ang mga pulis. Inutusan sila ni Vice Mayor na dakipin si Khian at isearch ang buong bahay" Sabi nito. Tama nga ang hinala ko. Set-up 'to. Hindi ko na sinagot pa ang sinabi ni Pat at pinatay ko na ang tawag.
Tinignan ko muli si Khian na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Hinawakan ko ito sa magkabilang pisngi saka ko pinunasan ang mga luha nito.
"We have to go. Darating na ang mga pulis. Malakas ang hinala ko na sinet up ka" Sabi ko dito. Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Pero kailangan na naming makaalis.
"P-pano si Manong Edgar?" Tanong nito.
"We'll make sure na magiging okay ang libing niya" Yun na lamang ang nasabi ko. Sa gantong pagkakataon, kailangan kong maging matapang para kay Khian.
Ilang sandali pa ay narinig na namin ang sirena ng mga pulis. Malapit na sila.
"We have to go Khian. Please" Yun lamang at hinatak ko na ito. Dali dali kaming lumabas sa kusina. Dumaan kami sa may likuran para hindi kami makita. Hanggang sa naulinigan na namin ang mga magkakasunod na yapak. Kaya napatakbo na kami parehas.
Inakyat namin ang pader sa likod ng bahay. Dahil alam kong nakabantay ang mga pulis sa may gate. Nang makaakyat kami ay saka kami sumakay sa motor ko na dun ko sinadyang ipark dahil naramdaman ko na kung anong mangyayari.
"Sakay. Bilis" Utos ko dito saka naman ito umangkas at humawak sa bewang ko. At doon ko na nga pinaharurot ang motor. Nakarinig pa kami ng pagputok ng baril pero hindi ko na liningon pa. Ang tanging kailangan kong gawin ay makaalis kami doon. Alam kong mahirap ito para kay Khian pero hindi siya pwedeng mahuli. Dahil kapag nahuli siya baka kung anong gawin sa kaniya ni Vice. Natatakot ako sa mga posibilidad na mangyari.
Ilang oras ang drinive ko para makarating kami sa koprahan. Alam ko kasing walang ibang nakakalam ng lugar na to bukod sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Khian.
Nang makarating kami sa bahay niya dito ay saka palang nagsink in sa akin ang nangyari. Wala na si Manong Edgar. Naramdaman kong bumaba na si Khian sa motor. Pero para lang mapaupo. Bigla itong nanghina saka dahan dahang yumugyog ang balikat. Nagmadali akong lapitan ito saka ko ito niyakap ng napakahigpit.
"Everything will be alright. Gagawin natin lahat para mahuli kung sino man ang may kagagawan nito" I reassured her. I planted kisses on her head. I want her to feel that I will never leave her side. Kahit pa habulin kami ng mga kapulisan sa buong mundo. Hinding hindi ko siya iiwanan.
Her vulnerability is what makes me stronger. Hindi ako pwedeng panghinaan dahil kailangan niya ako ngayon. Magiging mabigat na pagsubok 'to para sa kanya kaya handa akong saluhin siya sa oras na madapa siya. I'll make sure to make her feel that I will never leave her even in death and life situation. I will always be there whether the situation is good or bad. That's how much I love her.
BINABASA MO ANG
Campaign
RomanceKhianna, a politician, a Mayor. She is very famous because of being a good politician. She literally work for the people's sake. What will happen if she meet Ashley, an apolitical person who tries to ruin her image as a Mayor? What will happen if sh...