Chapter Seventeen

39 3 0
                                    

Khian,

"Diretso lang ha?" Utos ko sa taong nagdadrive ng wrangler. Yes. Pinagdrive ko lang naman si Ashley dahil hindi ko pa daw kasi pwedeng igalaw ang balikat ko. Hindi ko alam kung anong ikinagalit niya sa akin kagabi pero gusto kong bumawi sa kanya ngayon.

"San ba kasi tayo pupunta? Sobrang lawak naman nitong lupa mo. Ang daming puntahan." Reklamo nito. Mamimiss ko ang pagiging reklamador niya. Napangiti nalang ako.

"Diyan lang sa may ilog. Malapit lang kaya lang tinatamad akong maglakad ng madaming dala" sagot ko naman. At 10 mins. lang ay nakarating na kami ng ilog. Nakita kong napangiti ang kasama ko ng makababa ito ng sasakyan.

"Wow. Ang ganda." Turan nito saka lumanghap ng sariwang hangin. Napangiti naman ako. Mabuti at nagustuhan niya.

                                      (Photo not mine)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                      (Photo not mine)

Pumunta naman ako sa likod ng sasakyan ko saka kinuha ang mga camping gears saka nagsimulang mag ayos ng gamit.

"Magkacamping tayo??" Hindi ko alam kung nagulat siya o excited siya. Haha. Tumango naman ako dito saka ko nakita ang kislap ng mga mata niya saka ako tinulungang mag ayos. Inabot din kami ng halos isang oras sa pag aayos ng mga gamit at dahil na din isang kamay lang ang gamit ko.

Pagkatapos mag ayos ay nagpahinga muna kami at naupo saka pinagmasdan ang ilog.

"So, hindi kana galit?" Bukas ko sa usapan saka ito tinignan. Lumingon din ito sa akin saka ako inikutan ng mga mata.

"Ano naman kung galit pa ako?" Pagsusungit nito. Natawa naman ako saka uminom ng tubig sa plastic bottle na dala namin.

"Do you like camping?" I asked. I was curious of everything about her. I always wanted to know. That's why I stalked her on her social media account that's when I found out that she loves this kind of activity.

"Yes. I always do. Nagcacamping akong mag isa. I just want to enjoy the beauty of nature." Sagot nito. Napangiti naman ako. I know she'll love it.

"I see. Dinala talaga kita dito para naman magkaroon ka ng peace of mind at mabawasan kasungitan mo" Pang aasar ko nalang. Napabusangot naman nito saka umismid.

"Ikaw lang naman nagpapainit ng ulo ko." Sagot naman nito.

"Mamimiss ko ang kasungitan mo" nasambit ko bigla. Binalot naman ng katahimikan ang paligid. Tanging huni ng mga ibon at agos ng ilog ang maririnig mo. Ilang minuto kaming nanatiling tahimik bago ko napagpasyahang basagin ito.

"Mamimingwit ako. Sama ka?" Yaya ko dito. Bigla namang kumislap ang mga mata nito saka tumango na animo'y excited na bata. Napangiti naman ako saka muling pumunta sa likod ng sasakyan at kinuha ko ang fishing rod ko. Gustong gusto ko ang mangisda. It was so satisfying whenever I catch fish that's why it became my hobby.

Pagkatapos naming makuha lahat ng gamit naglakad kami sa may tulay na malapit sa tubig saka doon pumwesto. Naupo kami saka parehas kaming may dalang pamingwit. Saka kami nagsimula.

Naupo kami habang nag aantay na may mahuli. I feel like she's enjoying herself and I'm glad that she is.

"What will you do after this?" I asked her. Lumingon naman ito sa akin saka kumunot ang noo.

"After mamingwit?" Tanong nito. Napatawa naman ako.

"What I mean is after mong umalis as temporary assistant ko?" Pagkaklaro ko sa tanong ko.

"Ah. Linawin mo kasi. Well, ofcourse babalik sa dating mga ginagawa" sagot naman nito. Tumango tango naman ako pero nakucurious lang din talaga ako kung anong pinagkakaabalahan niya.

"Ano ano ba yung mga ginagawa mo? Trabaho? Anong trabaho?" Sunod sunod na tanong ko. Tumawa naman ito saka muling tumingin sa akin.

"Wala akong trabaho" sagot nito. Napanganga naman ako. Paano?

"Wala kang trabaho? Eh diba sabi mo grumadweyt ka ng College? Paano ka nabubuhay?" Naghihiwagaang usisa ko.

"Wag kang OA. Masyado kang judgemental." Pagsusungit nito kaya naitikom ko naman ang bibig ko.

"Sorry about that" Sagot ko nalang saka ito tumingin sa harap at sumadal sa upuan.

"Yes. It is true that I graduated college. I have a degree in finance and I work as Investment Banking Analyst. Pero dumating yung oras na bigla akong napagod. Naisip ko, para saan ba at nagpapakahirap akong magtrabaho? I don't have anyone. Aside from my friend of course. Para saan ang pera? After 2 years of working. I decided to quit. Medyo malaki ang naipon ko kaya pinag isipan kong mabuti kung saan ko gagamitin. Until I realize what I really wanted. I invested my money in different companies. Instead of working, I wanted to do something that will change someone's life. I started looking for Non- Government Organizations who help people around the globe and I joined them. I am also giving them financial support. Lumobo ng lumobo ang investments ko kaya nabibigyan ko sila ng sapat. And yeah. Yan ang pinagkakaabalahan ko." Mahabang kwento nito na nakapagpanganga sa akin. She's one of a kind.

"Woah. That was a blow. Grabe. You're one of kind" Gulat na tugon ko na ikinangiti naman nito.

"Hindi ako Santo pero gusto kong ibigay sa iba ang nararapat sa kanila. Maraming tao ang nagsasuffer dahil pinagkakait sa kanila ang mga bagay na dapat ay para sa kanila. That's why I wanted to give back, since my mom was one of those people who makes them suffer. Ito nalang ang magagawa ko para punan ang pagkakamali ng nanay ko." Dugtong nito. Seryosong seryoso ang mukha nito habang sinasabi ang lahat ng yun. Napabuga naman ako ng hangin.

"Ang lalim mo pala. Minsan gusto kitang sisirin" Pagbibiro ko para gumaan ang paligid.

"Hoy! Bastos!" Sabi nito saka hinampas ang braso ko. Nasa kanan ko kasi siya. Napahawak naman ako sa braso ko at umaktong nasaktan.

"Anong bastos dun? Baka yung isip mo. Ano ba kasing pumasok diyan?" Pang aasar ko naman dito. Tinignan naman ako nito ng masama kaya tumahimik naman ako. Hanggang sa biglang gumalaw ang pamingwit ko kaya agad ko iyong kinuha.

"Tulungan mo ako. Di ko magagalawa kamay ko. Bilis! At baka makawala pa!" Sabi ko saka agad agad naman itong lumapit saka nito iniikot ang spinning reel. Saka sabay naming iniangat ang rod saka sabay napasigaw dahil malaki ang nahuli namin.

"Wahhhh! Yes! Oh my gosh ang laki!" Masayang turan nito habang tinitignan ang isda na gumagalaw pa. Napangiti naman ako dahil sa nakikita kong saya sa mukha niya. Di ko namalayan na nabitawan ko na pala ang pamingwit kaya naman biglang naglililikot si Ashley huli na na ng marealize ko ang nangyari dahil sabay na kaming nahulog sa tubig. Siya dahil hindi niya kinaya ang bigat at paggalaw ng isda at ako dahil sinubukan ko siyang hawakan pero nahatak niya ako dahilan para parehas kaming mahulog sa tubig.

Nagkatinginan kaming dalaw saka sabay  malakas na tumawa. Nasa tubig nalang din kami kaya naligo nalang din kami.

This is one of the precious moment we had. I just wish it stays like this. But, it can't. I can't drag her to my mess.

___________________________________________

Chill muna tayo for todays vidyow.

- Penboiler

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon