Chapter Twenty Nine

37 3 2
                                    

Khian,

"Nakakatuwa makitang nag eenjoy ang lahat. Nawa'y napasaya ko po kayo sa mga inihandog kong programa ngayong fiesta ng San Isidro. Lahat ho kayo ay iniimbitahang manood ng mga patimpalak at aktibidadis na gaganapin. Maraming salamat po" Maikling mensahe ko ng tinawag ako upang magbigay ng mensahe para sa mga dumalo ngayon sa pageant.

Dalawang araw na lamang ay fiesta na, kaya naman ay sunod sunod na ang mga programa at patimpalak. Kaya naman ay sobrang busy ko din nitong mga nakaraang araw pati na rin ang mga tao ko. Halos wala akong tulog dahil binabantayan ko din ang seguridad ng mga taga San Isidro. Sinisiguro kong walang makakapasok na gagawa ng gulo ngayong fiesta.

"Sige na, okay na ako dito. Doon na kayo sa may Auditorium magbantay." Sabi ko sa mga bodyguards ko. Nahihilo na kasi ako kaya nagpasya akong magpaalam muna sa patimpalak at magpahinga dito sa opisina ko dito sa munisipyo. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras at para na rin kumustahin si Ashley na abala ngayon sa pagtitraining. Mukhang seryoso siya sa gusto niyang mangyari.

Agad agad ko namang idinial ang numero nito at makailang ring lang ay sinagot na nito iyon.

"How are you my love?" Bungad ko.

"I did firearm training today. Ang bigat pala ng baril no?" Natawa na lamang ako sa sinabi nito. Halata sa boses nito ang pagod.

"Ano? Susuko kana ba?" Tanong ko ulit dito.

"No. Nakakapagod pero di ako susuko. Pangatlong araw ko palang. Kaya ko 'to." Pagyayabang pa nito. Napangiti na lamang ako. Hindi ko din naman to mapipigilan sa gusto nitong gawin.

"Nasa shooting range ka pa ba? Sunduin kita." Alok ko dito.

"No need. Alam kong pagod ka ilang araw na. So, it's okay. Besides, ihahatid naman ako ni Pat. Garcia. So, you don't have to worry" Sagot naman nito na ikinabusangot ko na lamang. 

"Parang napapadalas ata ang paghatid sayo ni Pat. Garcia. Baka mamaya niyan magkagusto ka sa kanya" Nakangusong turan ko. Narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabilang linya.

"Nagseselos ka ba kay Garcia? Alam mo namang ikaw lang mahal ko diba?" Napangiti ako ng malawak sa sinabi nito. Pero biglang nakuha ng kalampag sa labas ng opisina ko ang atensyon ko.

"Alam ko naman yun. Message me when you got home okay? I'll hung up na. Iloveyou" I said while putting my full attention outside my office. I slowly opened my drawer and get my gun.

"Okay. I love you too" yun lang at saka binaba ko na ang tawag. Dahan dahan kong inilapag ang cellphone ko sa table ko saka dahan dahang lumapit sa may pinto. Medyo madilim na sa munisipyo dahil ako na lang naman ang tao. At pinatay ko din ang ilaw sa loob ng opisina ko dahil nga nahihilo na ako. Tanging sinag ng ilaw sa labas ng munisipyo ang umaaninag sa loob ng opisina. Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may pumihit sa door knob kaya naman ay dahan dahan akong napatago sa may gilid ng pinto habang mahigpit na hawak ko ang baril ko. Maya maya pa ay dahan dahang bumukas ang pinto ang una kong nakita ang kamay nitong may hawak ding baril. Nang tuluyan itong makapasok ay agad agad kong itinutok sa ulo nito ang baril.

"Ibaba mo ang bari-----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilis itong kumilos at tinapik ang kamay ko saka ako sinipa sa tiyan. Nabitawan ko ang baril ko saka napatumba sa lakas ng pagkakasipa nito sa akin. Itinutok nito sa akin ang baril bago pa nito iyon maiputok ay sinipa ko na ang kamay nito kaya naman tumilapon din ang baril na hawak niya. Sinusubukan ko itong mamukhaan pero nakaface mask ito at sumbrero.

Nagmamadali sana itong kunin ang baril niya pero muli ko itong sinipa ngayon sa tiyan na ikinatumba nito. Napaubo ito saka napahawak sa tiyan niya. Pinulot ko ang baril ko saka itinutok dito habang nakahandusay ito.

"Sino ka? Sinong nag utos sayo para ipapatay ako?" Galit na tanong ko dito. Pero narinig ko lang ang pagtawa nito kasabay ng napakapal na usok. Napaubo ako saka napatakip ng ilong. Nawala sa mata ko ang lalaking yun. Hanggang sa narinig ko ang malalakas na yabag papalapit.

"Mayor? Mayor! Ayos lang po ba kayo?" Tanong ng mga bodyguards ko sa akin.

"Habulin natin, bilis. Pero make sure na hindi kayo makakaagaw ng atensyon sa mga tao" Utos ko sa mga ito. Kaya naman ay nagmamadali na kaming bumaba pero hindi na namin ito naabutan.

"Mayor wala na ho. Nakatakas na" Sabi nung isa. 

"Ayoko ng makalabas ang nangyari ngayon. Ayokong maghatid ng takot sa mga tao ang nangyari ngayong gabi. Pakikuha lahat ng kopya ng cctv at pakibigay sa akin ngayon na. Yung iba, pakidagdagan ang security sa Auditorium, lahat ng kahina-hinala ay ireport ninyo sa akin" Utos ko sa mga ito na agad agad din naman nilang sinunod.

Napabuntong hininga ako bago bumalik sa opisina. Tinignan ko ang paligid at may usok pa rin at amoy na amoy parin ang teargas na tinapon nung gunman. Binuksan ko ang bintana para mawala ang natitirang usok saka ko binuksan ang ilaw. Napahawak ako sa noo ko saka ko pinagmasdan ang gulong ginawa nung gagong yun sa opisina ko.

Maya maya pa ay biglang nagring ang telepono kong nakapatong sa lamesa. Kaya dali dali ko yung nilapitan at dinampot. Napakunot ang noo ko dahil hindi nakarehistro ang numero sa cellphone ko. Pero sinagot ko parin iyon. Hinintay kong magsalita ang nasa kabilang linya.

"Mayor, nagustuhan mo ba ang show?" Rinig kong sabi nito. Napakunot ang noo ko saka ko pilit na kinikilala ang boses ng nasa kabilang linya.

"Sino ka?" Tanong ko dito. Alam kong siya ang may kagagawan ng mga 'to.

"Makikilala mo din ako soon. Wag kang mag alala. Ikaw naman kasi Mayor. Masyado kang pakialamera. Alam mo ba kung gano kalaki ang nawala sa negosyo ko ng dahil sayo?" Sabi pa nito.

"Negosyo? Negosyo na ba ngayon ang manira ng buhay ng tao?" Galit na turan ko.

"Panong sira? Eh umaasenso nga sila dahil sa droga. At isa pa. Lagi silang masaya. High nga diba?" Sagot nito saka tumawa na akala mo eh isang demonyo.

"Binabalaan kita. Wag na wag mong sisirain ang San Isidro. Kung hindi, ako mismo ang papatay sayo." Pagbabanta ko dito. Pero narinig ko lang na tumawa ito sa kabilang linya.

"Shhhh. Ako lang 'to oh? Wag kang masyadong matakot. Uunahin muna kita at sisingilin sa pagkakautang mo. Patikim palang yung mga pananakot na yun. Kapit ka pa sa mga susunod. Okay? Got it?" Sabi pa nito. Kasabay non ay ang pagkamatay ng tawag.

Alam kong hindi ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto sakin. And I will do everything in my power to capture him before he knew. Kung sino ka man. Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan. At hinding hindi ako titigil hangga't hindi kita nahuhuli.

___________________________________________________

Sinipag haha

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon