Chapter Thirty

38 2 0
                                    

Ashley,

"Ashley, tulungan na kita diyan" alok ni Angelo sakin. Tinulungan niya akong magbuhat ng mga silya. Kasalukuyan naming inaayos ang venue dito sa Auditorium para sa gaganaping "Gabi ng San Isidro" mamayang gabi. Nag leave daw talaga siya para makatulong dito. At ako naman ay nagpahinga muna sa training ko para makatulong man lamang ako kay Khian. Sobrang busy niya ng mga nagdaang araw. At alam kong pagod na pagod na siya.

Nung nakalipas na dalawang araw ay parang may iba siyang kinikilos na di ko maintindihan. Para siyang may itinatago sa akin. Hindi ko alam kung may nangyari na naman ba at hindi niya lang sinasabi sa akin. Mas naghigpit pa kasi ito sa security sa buong bayan. Hindi ko alam kung paranoid lang ako. Baka nga.

"Mukhang nag eenjoy kang kasama si Angelo ah?" Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Khian sa likod ko. Kita ko ang pagkabusangot ng mukha nito. Kaya natawa na lamang ako.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko naman dito ng natatawa.

"Ako? Magseselos? Wala sa bokabularyo ko ang magselos" Tanggi pa nito na ikinatawa ko na lamang.

"Oo nga no? Wala nga sa bokabularyo mo. Kaya pala bigla mong sinugod si Raymond non ano?" Pang aasar ko pa dito.

"Huyy. Concern lang ako sayo non" Pagdedeny pa nito. At talagang idedeny niya pa talaga ha?

"Okay. Okay. Sabi mo eh. O siya, doon na muna ako at tutulungan ko muna si Angelo. Mukhang pagod na kas---"

"No. You're coming with me" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lamang ako nitong hatakin sa kung saan. Hanggang sa namalayan ko na lamang na nasa loob na kami ng opisina niya.

Pagkasarang pagkasara ng pinto ay agad ako nitong siniil ng halik saka isinandal sa pintuan. Kaya naman ay gumanti na din ako ng halik saka ko ipinulupot ang mga braso ko sa batok nito. At mas nilaliman pa ang halik. Narinig ko ang impit na ungol nito. Marahil ay nagpipigil na mapalakas ang ungol niya dahil may mga tao sa labas.

Ilang sandali pa ay nagtanggal ito ng suot nitong coat. Ewan ko ba dito sa babaeng 'to ang init sa Pilipinas pero laging nakacoat o longsleeves.

Pagkatanggal niya ng kanyang coat ay muli ako nitong siniil ng halik saka ko naramdaman ang pagdiin ng katawan nito sa katawan ko.

"Fck. I miss you so much" Rinig kong sabi nito sa pagitan ng mga halik namin. Halos hindi na din kasi kami nagkikita nitong mga nagdaang araw dahil nga parehas kaming busy. Lalo na siya.

"I miss you too Love" Sagot ko naman saka muling gumanti ng halik. Naramdaman ko ang dila niya na unti unting naglalaro sa bibig ko. Kaya naman ay ginantihan ko din ito. Our tongue and mouth are touching so much and that causes a heat between us. Parehas na ring malalim ang paghinga namin. Sandali akong tumigil saka siya tinitigan. Yung mata niya namumungay na.

"Are we gonna do it here? Daming tao sa labas." Tanong ko dito. Pero hindi ako nito sinagot at muli akong hinalikan.

"Ayaw mo non? May thrill? Just don't scream" Sabi nito sa pagitan ng mga halik namin. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lamang. Maya maya pa ay binuhat ako nito kaya naipulupot ko na lamang ang mga binti ko sa bewang nito saka ito dahan dahang naglakad habang buhat ako. Hindi ko alam paano kami nakarating sa sofa niya. Basta namalayan ko na lamang na nakahiga na ako dito at nakapatong siya sa akin. Hindi man lang naputol ang halikan namin.

Hanggang sa bigla akong nawala sa ritmo dahil parang may nakatingin sa akin. Kaya naman nagmulat ako ng mata at nakita kong nakamulat narin siya. Kunot ang noo. Marahil ay ramdam niya din ang nararamdaman ko. Nagkatitigan kami saka kami sabay na lumingon sa kaliwa.

Napaawang ang bibig namin parehas ng makita namin si Acel na nakaupo sa katapat na sofa. Nakasandal ito sa upuan at nakacross ang legs habang nakangisi at may hawak na baso na may lamang alak. Lumagok ito doon sa baso saka muling ngumisi at tumingin sa amin.

Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa bawat sulok ng opisina. Parehas ata kaming natulala kay Acel. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na unti unti akong gumaan. Dahan dahan na palang umalis sa pagkakapatong sakin si Khian. Kaya naman ako ay napaupo nalang din saka inayos ang sarili.

"Ahmm. Mm. K-kanina ka pa?" Tanong ni Khian na hindi makatingin ng deritso kay Acel.

"Tinawag ko kayo. But it seems like you're in your own world. Kaya inenjoy ko nalang ang live show. Sayang wala akong dalang popcorn" Sagot naman nito na halata ang pang aasar.

Why does it happens all the time? Nakita niya rin kaming nagmimake out sa kotse non. Arghh. Nakakahiya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Kuwaring inis na turan ni Khian. Para siguro pagtakpan ang kahihiyan. Narinig ko naman ang biglang pagtawa ni Doc. Kaya napatingin ako dito.

"Pinapunta mo ko dito remember? Sabi mo antayin kita sa loob ng opisina mo." Sagot naman nito ng natatawa pa. Nakita ko naman ang pagtampal ni Khian sa noo niya. Kaya napatawa nalang din ako.

"Mm. Right." Sagot na lamang nito.

"Gusto niyo bang ituloy? I won't mind. Wag niyo ko pansinin." Pang aasar pa nito.

"Shut your mouth. Tsaka, bakit ang aga aga umiinom kana? Doctor ka ba talaga?" Sabi naman ng isa.

Doc Acel is a General Surgeon. Bata pa siya para maachieved lahat ng yan. But, she's older than Khian. I think 10-year age gap. That's according to Khian. And Acel doesn't look like her age. Kung titignan mo siya ay para siyang kasing edad lang ni Khian. Di ko nga alam paano sila naging magkaibigan. Well, bukod sa parehas silang achiever. Kung tutuusin eh dapat sa isang malaking hospital na siya nagtatrabaho eh. Pero ewan bakit mas pinili niya dito sa San Isidro.

"Huy! Wag mong kwestiyunin pagiging Doctor ko dahil lang sa nag iinom ako. Tsaka isa pa, Iced Tea 'to. Nagpatimpla lang ako sa Secretary mo" Sagot naman ni Doc. Natatawa nalang talaga ako sa dalawang 'to.

"Anyway, pinapunta kita dito para iinvite ka mamaya sa "Gabi ng San Isidro". Hindi pwedeng wala ka dun dahil ikaw ang major sponsor ng mga medical missions dito at bilang pasasalamat nila sayo, ay may ibibigay silang parangal sayo" Paliwanag ni Khian saka iniabot dito ang invitation.

"Alam mo namang di ako sanay sa mga ganito diba?" Tanggi naman ni Doc Acel.

"Alam ko. Pero pumunta ka parin. Pagbigyan mo na ang mga taga San Isidro kahit na ngayon lang." Pakiusap ni Khian. Kaya naman ay napabuntong hininga na lamang si Doc saka tumango.

"Okay. Sige. But I have to go. I have a minor operation ng 10:00am. I'll just see you two tonight" Sagot nito saka tinapik ang balikat ni Khian. Tumayo na din ako para magpaalam dito. Saka naman ito lumapit sa akin saka ako hinalikan sa pisngi.

"Huyy! May operation ka diba? May pahalik halik ka pang nalalaman" Sigaw naman ni Khian. Napatawa nalang kami parehas.

"I knew it. Patay na patay sayo kaibigan ko. Anyway, I'll see tonight" Sabi na lamang nito sakin saka ako kinindatan.

"See you Doc." Yun lamang ang nasabi ko saka ito tuluyang makalabas.

Pagkalabas naman ni Doc ay nagkatinginan kami ni Khian saka napatawa na lamang. Lumapit ito sa akin saka ako niyakap.

"Tuloy nalang natin mamaya sa bahay" napatawa naman ako saka ko siya ginantihan ng yakap.

"I love you Khian" Nasambit ko na lamang.

"I love you too my Love"

Saka muli naming pinagsaluhan ang isang maiksing halik na punong puno ng pagmamahal.

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon