Khianna,
In every Campaign there is this one person.
"'Wag kayong maniniwala sa mga pinagsasabi niyan! Yung mga politikong yan, pare-parehas lang yan! Puro pangako! Wala namang nangyayari!" Kumunot ang noo ko sa babaeng sumisigaw sa hindi kalayuan. I am currently delivering my speech. When she started shouting. Here we go again.
"Yes Miss? I remember you. Nandito ka din noong nakaraang taon diba? Didn't you know that I can sue you for accusing me as a corrupt politician without any proof?" I said while smirking. Tumawa naman ito saka lumapit hanggang sa may unahan na upuan. She is wearing a plain black polo shirt and pants. She doesn't look like a crazy woman at all.
"Edi kasuhan mo ako. Akala mo ba natatakot ako sayo? Mayor?" Panghahamon nito. Lalapit na sana ang mga bodyguards ko para sawayin ito pero pinigilan ko. Ako naman ang tumawa.
"Hindi ka ba napapagod? We've been doing this argument since day one. Are you not tired of it? Why do you think people chose me? I didn't even buy their votes. Why do you think people trusted me?" Habang sinasabi ko ang mga yun ay naglalakad ako pababa ng stage saka lumapit dito. Ang mga tao ay nakatingin lang din sa amin. At ang iba ay napapailing. We used to do this since day one. Kaya sanay na ang mga tao.
"Lahat ng ginagawa mo ngayon ay pakitang tao lang, hanggang sa maabot mo na ang tuktok. Kinukuha mo ang tiwala nila tapos kapag pinagkakatiwalaan ka na, doon mo na sasaksakin sa likod" Seryosong turan nito na ikinatawa ko lang ng malakas.
"Hey, Lady. How about this? Be my Assistant for the whole campaign period, you don't have to support me. You just have to be by my side. Hanggang sa matapos lang ang campaign period. Kapag may nakita kang mali sa mga ginagawa ko para sa tao, you can tell them not to vote for me. I'll let you do that. Pero kapag natapos ang Campaign period ng wala kang nakikitang mali, you have to stop accusing me or the other politician, and you have to do a public apology. And don't worry, you'll get paid for your service." Nakangiting turan ko. Narinig ko naman ang mga bulungan ng tao. Habang itong babaeng nasa harap ko ay lumilingon lingon lang sa paligid.
"Ano? Hahayaan mo bang masayang ang opportunidad na mahanapan ako ng baho? I just want to settle this issue once and for all. Do you accept my offer Ms. Apolitical?" I said and offer a hand shake. Umangat naman ito ng tingin at matapang akong tinignan. Saka inabot ang kamay ko.
"Paano ko masisigurong magiging ligtas ako sa kamay mo?" Muli akong napatawa.
"You have the whole community as your witness. If something happens to you, they will blame me, of course" I said.
Ilang sandali pa ay inabot nito ang kamay ko.
"Deal! Para makilala nila kung sino ka talaga" And she agreed. Napangisi naman ako saka tumango.
Yes, para makilala mo ang totoong ako.
____________________________________________
Ashley,
"My Lawyer will discuss to you the contract. Ayokong sabihin mo na palabas lang lahat ng ito. That's why I prepared a contract, para may panghawakan ka" sabi nito. Kasalukuyan kaming nasa bahay ko. Yes. Sinadya niya pa ako dito para daw idiscuss ang kontrata.
At ipinaliwanag naman nito sa akin ang kontrata. Sa totoo lang, halos lahat ng nasa kontrata ay nasa advantage ko. Pero hindi niya ako makukuha sa ganon ganon lang.
"For the last one, kailangan nasa tabi ka lang ni Mayor sa lahat ng oras. At kahit sa bahay. Which means you'll be staying at her house for the whole campaign period." Napalaki naman ako ng mata sa huling rule na sinabi ng abogado.
"Ano?! Ako? Mag istay sa bahay mo?! Hindi. Tanggalin mo yan" Reklamo ko. Tumawa naman ito saka ipinatong ang mga siko sa legs at yumuko paunahan.
"Pano kung sa bahay ko pala ginagawa ang mga anomalya? What are you going to do? Anyway, you just have to choose. I don't want to revise the contract. Sign it or just give up and let the people know that I am not what you think I am" nakangising turan nito.
"Sinong may sabing susuko ako? Sisiguraduhin kong mananalo ako." Madiing sabi ko saka ko pinirmahan ang kontrata.
"Then it's settled. Pack your things. We'll be leaving now" Litanya nito.
"Ngayon agad?! Di ba pwedeng bukas na?!" Halos napasigaw na ako sa lakas ng boses ko. Agad agad ba naman kasi?
"No. This contract is valid starting now. So, let's start now. You only have a month to find my dirtiest thing. Don't waste any time" She seriously said and stand up. Dali dali naman akong nagempake ng damit ko. Saka kami lumabas.
"Mayor!" Rinig kong sigaw ng mga kapitbahay. Tss. Idol lang?
"Kumusta ho kayo? Kita po tayo sa susunod. Marami pa po akong gagawin. Sinundo ko lang po ang Assistant ko" Sabi nito saka tumingin sa akin at ngumiti.
"Pabibo" bulong ko. Saka sumakay sa Van nito. Pinagbukasan pa ako ng Driver. Pagkatapos non ay pumasok na din ito saka tumabi sa akin.
"This will be my Schedule today. Make sure you will keep on reminding me of my Schedule and time." Shiiiizzz tama ba tong pinasok ko? Hayysss.
"Okay." Yun lang ang sagot ko.
"What's my first schedule?" Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi nito.
"Hindi mo ba nakita kanina bago mo ibinigay sa akin? Tss." Inis na sagot ko. Na tiningnan naman ako nito ng hindi makapaniwala. Narinig ko pa ang pagtawa ng driver.
"You're really unbelievable. How can you say that to your boss?" Hindi makapaniwalang turan nito. Saka padabog na sumandal sa inuupuan nito at tumingin sa labas.
"Tss. Ang arte. Oh ito po Madam. You'll be having a meeting with Mr. Ramos at 9 am" Sabi ko nalang para matapos na. Habang ito naman ay tumingin sa akin ng masama at hindi makapaniwala at umiiling iling pa.
"Malala kana talaga. Manong, daan muna tayong ospital. Papacheck up ko lang ang kasama ko. Malala ang galit sa akin. Parang siya pa ang boss" Mahabang litanya nito habang si Kuyang driver naman ay tumatawa lang. Tiningnan ko ito ng masama.
"Hoy! Kung umasta ka parang magkaibigan lang tayo ah? Umayos ka nga! Tsaka hindi mo kailangang magpanggap na ang jolly jolly mo eh hindi ka naman ganyan! Ang mga politiko, nagpapanggap lang na maayos sa harap ng ibang tao!" Sigaw ko dito.
"Hoy ka din! Baka nakakalimutan mong may pinirmahan kang kontrata? At nakalagay doon na kahit na hahapan mo lang ako ng butas ay boss mo pa din ako! At salamat ha? Mas kilala mo pa ako kesa mas kilala ko ang sarili ko. Hmm. I can't believe it. Let's just terminate the contract!" Sigaw din nito. Napabuga ako ng hangin. Bakit ba ako pumasok sa sitwasyong 'to? Bakit ba ako pumayag? Shhh. Pero wala na akong magagawa. Kailangan kong pangatawan ang desisyon ko kung hindi ay mapapahiya ako hindi lang sa kanya, kundi pati sa mga tao.
"Madam Mayor, ikaw naman di kana mabiro. Joke lang. Sige na. Di na ako mag iingay" Yun nalang sabi ko saka ako tumingin sa labas ng bintana.
Maghintay ka lang Mayor. Ilalabas ko din ang baho mo.
BINABASA MO ANG
Campaign
RomanceKhianna, a politician, a Mayor. She is very famous because of being a good politician. She literally work for the people's sake. What will happen if she meet Ashley, an apolitical person who tries to ruin her image as a Mayor? What will happen if sh...