Chapter Eight

55 2 0
                                        

Ashley,

"What's my next schedule?" Tanong nito habang naglalakad kami patungo sa opisina niya. Kakatapos lang ng meeting niya kasama ang mga LGUs.

"May meeting ka with Vice Mayor, 10:30 AM" sagot ko naman. Naupo ito sa swivel chair niya saka kinuha ang mga dokumento na nakapatong sa lamesa niya.

"Okay. I want some coffee." Utos nito na ikinabusangot ko naman. Pero hindi na ako umimik at lumapit nalang sa coffee area niya dito sa opisina saka siya pinagtimpla.

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng makabalik kami galing sa Koprahan niya. At dalawang linggo narin akong nahihirapan sa dami ng ginagawa niya at laging ako ang inuutusan niya. Wala ba siyang secretary? Ilang linggo na din akong walang nakukuhang matinong impormasyon. Ay hindi, matino nga pala ang nakukuha kong mga impormasyon kaya nakakainit ng ulo. Bakit parang ang perpekto niya naman ata? Dahil sa sobrang perpekto niya ay mas lalo akong naiintriga kung sino ba talaga siya.

Inilapag ko sa lamesa nito ang kape habang ito ay busy parin sa kakabasa at kakapirma ng kung ano anong dokumento na nasa ibabaw ng lamesa.

"Please tell Vice Mayor that will have our meeting here." Sabi nito ng hindi man lang tumitingin sa akin.

"Wala ka bang Secretary? Bakit ako ng ako ang inuutusan mo?" Reklamo ko dito. Napatigil naman ito sa ginagawa saka ipinatong ang mga kamay sa lamesa at tumingin sa akin.

"I told her to take sometime off. Until the end of the campaign period" sabi nito ng nakangisi pa. So, ginawa niya akong substitute? Napaismid nalang ako.

"Bakit mo nga pala imemeet si Vice? Diba nakapagmeeting naman na kayo kanina kasama ang ibang LGUs?" Usisa ko saka naupo sa sofa.

"I have a very important matter to discuss with him." Turan nito na halata ang pagkaseryoso sa mukha. Ibinalik naman nito ang tingin sa ginagawa. Tumango nalang ako saka naupo. Dalawang linggo nalang bago matapos ang campaign period. Pero hanggang ngayon ay wala parin akong nakukuhang ebidensya. Susuko nalang ba ako? Nasa malalim akong pag iisip ng pumasok si Vice.

Sa buong LGU ay si Mayor ang pinakabata. Kaya siguro maraming nagmamaliit sa kanya sa kung ano ang mga kaya niyang gawin.

"Ms. Hermosa, would you mind leaving us for a moment? I'll just call you when I need you" Sabi ni Mayor na lubos kong ipinagtaka. Ito yung kauna unahang beses na hindi ako kasama sa meeting niya. May mali. Pano kung siya pala ang kasabwat nito sa mga anumalya?

Kaya naman ay lumapit ako sa may pinto saka inilapat ang kanang tenga ko sa pinto para pakinggan ang pinag uusapan nila sa loob pero wala akong marinig. Padabog akong naupo sa may couch sa labas ng opisina niya. Kailangan kong malaman kung anong pinag usapan nila. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago lumabas si Vice. Halata sa mukha nito ang inis. Ano kayang nangyari? Ano kayang pinag usapan nila?

Dali dali akong pumasok sa opisina nito saka ko ito nilapitan.

"Anong pinag usapan niyo?" Usisa ko. Habang ito naman ay hindi ako tinignan man lang at nagpatuloy lang sa ginagawa. Ilang sandali pa ay inayos na nito ang mga papel sa lamesa niya saka kinuha ang coat at isinuot. Humarap ito sa akin saka ngumiti.

"Anong susunod kong Schedule?" Tanong nito habang nakangiti. Kinuha ko naman ang notebook na pinagsusulatan ko ng schedule saka ito binuklat.

"Check up" Maikling sagot ko. Isa pa ito sa pinagtataka ko, dahil araw araw ay mayroon siyang check up. Ang sabi niya ay mas okay na daw na lagi siyang handa. O namomonitor ang kalusugan niya. Wala naman akong naririnig sa Doctor niya pero ewan ko ba. Parang may mas malalim na dahilan kung bakit araw araw siyang nagpapacheck.

"Tara. Mag ice cream muna tayo. Bago tayo pumunta ng hospital tsaka gutom na din ako" yaya nito saka ako hinawakan sa kamay at hinatak. Napakahilig niyang manghatak.

"Sabihin mo nga sa akin, umiiwas ka ba sa tanong ko?" Bungad na tanong ko pagkapasok namin ng sasakyan. Natigilan naman ito saka napabuntong hininga.

"Trust me. It's more safe if you don't know a thing" Seryosong turan nito. Mas lalong kumunot ang noo ko. Saka napasandal sa upuan ng Van. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon pero parang bigla akong nadissapoint. Dapat nga maging masaya ako, dahil sa tinagal tagal ng pag iimbestiga ko, nahanapan ko na din siya ng maaaring butas. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit nalungkot ako sa isiping katulad lang din pala siya ng ibang mga politiko?

Natapos ang araw na wala ako sa wisyong makipag usap sa kanya. Bakit ba ako nagkakaganito?

"What do you want for dinner?" Tanong nito. Tiningnan ko lang ito saka umiling.

"Wala akong gana. Matutulog na ako." Sagot ko nalang. Kakauwi lang namin ng bahay.

"May problema ba?" Halata sa mga mata nito ang pag aalala. Nakahawak ito sa braso ko at pinigilan akong umalis.

"Pagod lang ako." Maikling sagot ko. Saka umakyat ng kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama.

Pano kung tama ang hinala ko? Pano kung tama ako, na may ginagawa siyang masama? Kasama yung Vice na yun? Anong mangyayari? Ngayon ko lang narealize, umaasa pala ako na may kahit isang politiko ang talagang mayroong pagpapahalaga sa kung ano ang gusto ng tao. Umasa pala ako. Umasa pala ako na siya yun.

Ilang sandali pa ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

_______________________________________________

Nagising ako dahil sa tunog ng telepono ko. Sunod sunod ang mga notification. Hindi ko pala ito na silent. Napatingin ako sa oras. 11 na pala ng gabi. Tiningnan ko din ang suot ko, hindi din pala ako nakapagpalit. Kaya naman tumayo ako saka nagpalit ng damit. Naghoodie ako saka nagpajama. Nagugutom na ako. Kaya naman ay naisipan kong bumaba at maghanap ng makakain. Pababa na ako ng hagdan ng madako ang paningin ko sa kwarto ni Mayor. Medyo madilim na sa buong bahay kasi nakapatay ang ilaw. Napansin ko ito dahil bahagya itong nakaawang at may lumalabas na liwanag mula sa kwarto.

Nacurious ako kaya dahan dahan akong naglakad patungo dito. Sumilip ako sa loob pero walang tao. Nasan naman kaya yun ng ganitong oras? Walang pag aalinlangang pumasok ako sa loob. Malaki ang kwarto niya. Doble ang laki compare sa guest room.

"Mayor?" Tawag ko. Pero walang sagot. Binuksan ko ang isang pinto at banyo pala yun. May isa pang pinto sa kanang bahagi ng kwarto kaya walang pakundangang binuksan ko ito. At isa naman itong walk in closet. Sobrang laki naman ng kwarto niya. Tumingin tingin ako sa mga damit niya. Para lang akong nasa mall. Meron din siyang collection ng mga sapatos. Iba't ibang klase ng sapatos. Pinagmasdan ko din ang mga sapatos pero nagtaka ako dahil wala ang isang kapares ng isang sapatos. Saka ako may napansing kakaiba doon sa bakanteng lagayan ng nawawalang sapatos. Para siyang button. Pero para saan? Walang pagdadalawang isip na pinindot ko yun at biglang nahati sa gitna ang lagayan ng sapatos saka lumitaw ang parang lagusan. May hagdan dito pababa.

"Ano 'to? Secret room?" Kausap ko sa sarili ko. Dahan dahan ako bumaba doon. Medyo madilim dito kaya naman nilabas ko ang cellphone ko at inilawan ko ang paligid. Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang nasa loob ng kwartong yun. May nakalagay na iba't ibang kalibre ng baril sa pader. Ano 'to?

"Ashley"

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon