Ashley,
Hahalikan niya ba ako?
Napapikit nalang ako at hinintay ang mga mangyayari.
Pero ilang oras na akong nakapikit pero wala parin kaya sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Nagulat nalang ako ng mapansing nakahinto na pala ang kotse at wala na ang katabi ko. Napalingon naman ako sa driver's seat pero wala rin si Manong Edgar. Kaya naman sumilip ako sa labas at nakita kong naglalakad ang dalawa sa may kalsada.
Mariin akong napapikit saka napakagat sa ibabang labi dahil sa gigil. Ang tanga tanga ko. Nakakahiya. Bakit ba ako pumikit? At bakit ganun ang naisip ko? Napalo ko ang upuan ng kotse sa sobrang inis. Pilit kong kinalma ang sarili ko bago nagdesisyong lumabas at sundan ang dalawa.Lakad takbo ako habang tumatawid ng kalsada para lang mahabol ang dalawa. Malapit ko na silang narinig kong nagsalita si Mayor.
"Hey, I already told you to not throw your garbage anywhere. And I know I'd warned you that if I saw you again doing this stuff, you'll pay. Right?" Rinig kong sabi nito. Tinitingnan ko naman ang kinakausap nito habang naglalakad parin. Dalawang lalaki ito. Marahil ay nagtapon ng basura sa tabi ng daan base na din sa sinabi nito.
Nang malapit na sila dito ay bigla naman itong nagtakbuhan dahilan ng paghabol dito ni Mayor. Hindi ko alam kung bakit pero may sariling utak ata ang mga paa ko at tumakbo din ako. Sinundan ko si Mayor sa paghabol sa isa habang si Manong Edgar ay hinabol din ang isa.
"You're dead once I catch you!" Rinig ko pang sigaw ni Mayor habang tumatakbo.
Naghabulan kami ng naghabulan sa gilid ng daan hanggang sa pumasok yung lalaki sa may palengke. Kaya sumunod naman yung isa maging ako. Naririnig ko pang nagbubulungan ang mga tao. "Si Mayor ba yun?" Isa yun sa mga naririnig ko.
Napansin kong dumiretso ng takbo ang lalaki na sinundan naman ni Mayor kaya naman ay lumiko ako para salubungin ito. At tama nga ang hinala ko. Kitang kita ko ang mabilis na pagtakbo ng lalaki at handang handa na akong salubungin ito pero hindi ko ata naisip na malakas ito. Binangga ako nito dahilan ng pagkatumba ko.
Nagulat pa si Mayor ng makita ako kaya dali dali itong tumakbo saka ako nilapitan.
"What the fck are you doing here?!" Halata ang inis sa tono ng pananalita nito.
"Ano ba sa tingin mo?!" Inis ding sagot ko. Kasi hindi ko naman talaga alam ang dahilan kung bakit ako sumunod.
"Are you okay? Nasaktan ka ba?" Alalang tabong nito. Napahawak naman ako sa balakang ko saka napangiwi. Napasama ata ang pagkakaupo ko dahil sa lakas ng impact. Sa tingin ko ang dumi ng pwetan ko dahil sa basa ang semento. Ramdam ko na din yun sa pantalon ko.
"Ayos la---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla ako nitong binuhat ng parang bagong kasal kaya sa gulat ko ay napakapit nalang ako sa batok nito.
Pinagmasdan ko ang itsura nito. Wala man lang itong kapawis pawis kahit na konti. Bakit ang fresh niya pa rin? Habang ako mukha ng pulubi?
Hindi ko namalayan na nakabalik na pala kami sa Van. Iniupo ako nito sa loob ng van saka chineck.
"Anong masakit sayo? May masakit ba?" Tanong nito habang tinitingnan ang braso ko.
"Masakit lang ang balakang ko. Dahil siguro sa pagkakabagsak" sagot ko naman. Napabuga ito ng hangin saka tumingin sa akin.
"Bakit ka kasi sumunod? I told you to stay inside. Di ka ba talaga marunong makinig?" Hindi ko alam kung pinapagalitan niya ba ako. O concern lang talaga siya?
Pero teka? Sinabihan niya ba akong dito lang ako? Bakit di ko narinig? Ganon ba ako nawalan ng pakiramdam kanina? Pati pandinig? Hindi nalang ako sumagot.
Napatingin ako sa suot nito. Nadumihan na yung puting long sleeves niya dahil sa akin.
"I'll bring you to the hospital before I settle things up here." Sabi nito saka akmang lalabas na.
"Ang OA mo! Okay nga lang ako." Inis na turan ko. Ang OA kasi. Hospital agad?
"You can say 'thankyou' at least. Mas mabuti ng sure." Sagot nito saka lalabas na sana ulit pero muli ko itong pinigilan.
"Pano yung meeting mo?" Tanong ko ulit.
"Wag kang mag alala. Irerecord ko ang pag uusap namin." Yun lang saka na ito lumabas.
Hindi ko na nga naisip yun eh. Pero bakit nga ba? Bakit parang nag iiba ang dahilan kung bakit ako nandito? Kung bakit ako Assisstant ngayon ng Mayor? Dahil ba sa mga ipinapakita niya? Pero ilang linggo ko palang siya nakakasama. Marami pa akong pwedeng malaman. Pero bakit iba ang sinasabi ng nararamdaman ko? Bakit parang sabi nitong totoo ang pinapakita ni Mayor?
Napabuntong hininga nalang ako.
_______________________________________________
Khian,
"Mayor, nahuli ko yung isa pero yung isa nakawala." Sabi ni Manong. Dumating na din ang mga pulis na marahil ay tinawagan na ni Manong.
Nilapitan ko naman ang lalaki.
"Why did you make it hard for all of us?" Tanong ko dito.
"Mayor, patawarin niyo na ho ako. Promise po hindi na po mauulit." Pagmamakaawa nito.
"Sinabi niyo din yan nung unang beses. Pero bakit ginawa niyo parin?" sagot ko naman.
Napayuko naman ito saka hindi na nagsalita pa.
"Mayor!" Tawag sa akin ng dalawang pulis saka sumaludo. Sinaluduhan ko din ang mga ito.
"Kayo na ho ang bahala sa kanya. Make him see the consequences of his action" Sabi ko sa mga ito. Aalis na sana ako pero bigla nalang akong hinatak ng lalaki. Tinignan ko ito at napansin kong parang may gusto itong sabihin pero halata rin ang takot sa mata nito.
"Manong Edgar. Padala po si Ashley sa hospital. Sasabay po ako sa mga pulis para magbigay ng statement. Tatawagan nalang po kita" Sabi ko dito. Tumango naman ito saka umalis na. Itinayo ko naman ang lalaki saka ipinasok sa sasakyan ng pulis.
"Pakidala ng mga basura" Utos ko sa dalawang pulis na sinunod din naman ng dalawa.
"Now talk" sabi ko ng umandar na ang sasakyan.
"Mayor. Basta ipangako niyo sa akin na magiging ligtas ang pamilya ko. Pati na ako." Simula nito. Tumango ako dito. Nakita ko kung gaano kalaki ang takot nito. Napapatingin pa ito sa dalawang pulis na nasa unahan.
"It's okay. Mapagkakatiwalaan sila. At mapagkakatiwalaan mo ako." I assure him.
"Mayor, hindi lang basura ang nasa loob ng garbage bag kundi mga droga" sabi nito. Napaawang naman ang bibig ko.
"Isang operasyon ng droga ang ginagawa namin at hindi lang basta bastang pagtatapon ng basura. Gusto ko na sanang huminto, pero sasaktan nila ang pamilya ko. Kaya wala akong ibang magawa. Ikaw lang po ang pinagkakatiwalaan ko." Pagpapatuloy nito. Umiiyak na ito ngayon.
"Paano niyo ginagawa ang operasyon?" Tanong ko.
"Magkukunwari kaming magtatapon ng basura, kung saan saan saka may truck ng basura na dadaan at kukunin ito. Yun lang ang alam ko po sa operasyon. Hindi ko na alam kung saan nila dinadala ang mga droga." Sagot nito.
"Bakit niyo ginagawa ang operasyon ng umaga? At sa pinakaobvious pang lugar?" Muli kong tanong. Kailangan kong malaman ang totoo.
"Nagkataon lang po na nandito ngayon ang operasyon dahil may malaking kliyente daw po ngayon dito sa San Isidro. At ang sabi sa amin ay alam nilang hindi titignan ang mga garbage bag dahil alam ng makakakitang basura ito. At wala daw pong maghihinala. Mayor, nagmamakaawa po ako sa inyo. Ang pamilya ko po." Sabi pa nito. Napatango tango ako.
"Don't worry about it. Tell me your address. And tell me everything once we're at the Police station" Sagot ko naman. Saka agad naman nitong ibinigay ang address.
"Tell the other officers to go get his family. And bring them at the Police station. Now." Utos ko sa dalawang Police.
"Salamat Mayor. At mag iingat po kayo. Malaking tao po ang nakabangga niyo"
BINABASA MO ANG
Campaign
RomantiekKhianna, a politician, a Mayor. She is very famous because of being a good politician. She literally work for the people's sake. What will happen if she meet Ashley, an apolitical person who tries to ruin her image as a Mayor? What will happen if sh...