Chapter Thirty Six

35 1 0
                                        

Ashley,

"Ready na po ba kayo sa baon kong chismis, Mayor?" Nakatingin kaming lahat dito. Saka kami sabay sabay na tumango. Pamilyar siya sakin. Marahil ay nakita ko na siya nung panahong pumunta ako ng presinto.

Umupo kaming lahat sa sofa habang nasa harap namin si Garcia.

"So, answer my question. What are you doing here? How did you even know that I am here?" Tanong ni Khian ng makaupo kami.

Alam kong sobrang stress niya nitong mga nakaraang araw. Kaya sinusubukan kong maging malakas para sa kaniya. Hindi madali ito para sa akin pero alam kong mas nahihirapan siya.

"Bago po muna yun. Ako po si Lester Garcia. Sa hindi po nakakakilala sakin. Isa po akong pulis. Nalaman ko na nandito kayo dahil nilagyan ko ng tracker ang sasakyan niyo. Ops. Bago niyo ko ijudge hayaan niyo muna akong magpaliwanag. Si Mayor mismo ang may utos non. In case of emergency. At siguro dahil sa dami ng nangyari ay nakalimutan na ni Mayor na merong tracker lahat ng sasakyan niya. Pero wag kayong mag alala, kami ni Mayor lang ang nakakaalam non. Pangalawang tanong, nandito ako para ibigay 'to. Kinuha ko ang kopya ng CCTV footage ng bahay ni Mayor. Ako lang nakakaalam niyan. Wala akong ibang pinagsabihan. Kung may kasabwat sa loob ng presinto ang may kagagawan nito ay siguradong kaya nilang manipulahin ang CCTV. Matagal bago ko nakuha ang kopya niyan kaya hindi agad ako nakapunta dito. Kaya hindi ko rin sigurado kung namanipula na nila ang footage. Kapag narecover natin ang real footage, malaking bagay yun para maclear ang pangalan ni Mayor." Mahabang paliwanag nito. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit na papaano ay meron ng tinatakbong maganda ang sitwasyon. Naniniwala pa rin ako na malalagpasan namin to. Katulad nalang ng palagi kong sinasabi kay Khian. She's a good person, kaya marami ding taong mabuti sa kanya. Mali ako ng pagkakakilala sa kanya. At ngayon handa ko siyang ipaglaban kahit na kanino.

"We're lucky we have Pat here. Kaya mo bang marecover ang footage?" Khian asked. Tumango si Pat bago sumagot.

"Yes. But it will take time. Days I think. Kung namanipula na ang file ay mahihirapan akong marecover yun pero confident akong marerecover ko yun. Yun nga lang di ko masisiguro kung kelan. But I'll try my best" Sagot naman ni Pat matapos abutin ang flashdrive na iniabot ni Garcia.

"Will you be okay?" Nag aalalang tanong ni Khian kay Garcia. Marahil ay nag aalala ito na baka matanggal ito sa serbisyo dahil sa pagtulong sa kanya.

"Okay lang ako Mayor. Wag kayong mag alala. Nasa likod niyo ko kahit na ano pang mangyari." Sagot naman nito saka ngumiti kay Khian.

"How's the situation in San Isidro? Can you tell us what's happening right now?" Tanong naman ni Acel.

"Mahigpit ang seguridad ngayon sa San Isidro. Sinisiguro nilang mahuhuli kayong lahat. Sa ngayon, ay si Vice ang acting Mayor. Kaya siya ang nagbibigay ng orders sa kapulisan. Kaliwa't kanan ang checkpoints. Pati sa labas ng bayan. Plano na din nilang magsearch sa ibang bayan. Kaya mas makabubuting nandito muna kayo. Dito siguradong hindi nila kayo basta bastang mahahanap" Tugon naman nito. Napatango naman kaming lahat.

"Kailangan nating pagplanuhan ang mga susunod nating kilos. Maling desisyon lang natin ay lahat tayo makukulong." Mungkahi naman ni Angelo habang ako nakikinig lang.

Sa totoo lang hindi ko na din alam ang gagawin. Pero kailangan kong ipakita kay Khian na okay lang ako. Na magiging okay din ang lahat. Dahil kung hindi baka mas lalo siyang panghinaan ng loob.

Mahaba ang naging pag uusap namin kasama si Garcia. Sinabi niya na kokontak siya sa amin kapag meron siyang mahalagang impormayon na nalaman. At pagplanuhan kung ano ang mga susunod na hakbang namin. At ang pinakaimportante ay marecover ang footage noong araw na pinatay si Manong Edgar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CampaignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon