Ashley,
Muli akong napasinghap sa narinig ko. Ayoko siyang tignan. Malulunod lang ako sa mga mata niya. Ilang minuto ding namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Until I decided to look at her. Mataman niya akong tinitignan at nararamdaman ko na ang bigat ng paghinga niya. Wala na. Nalunod na ako. Hindi ko na namalayan na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa.
"Khian! Anak!"
Naitulak ko ito palayo ng marinig ang kung sinong tumawag sa kanya sa labas ng pinto ng kwarto niya. Napahiga naman ito sa kama saka napahawak sa balikat niyang may sugat. Natutop ko ang bibig ko saka ko siya tinulungang bumangan.
"I'm sorry. N-nagulat kasi ako" tarantang sabi ko.
"Nay, wait lang po. Magbibihis lang po ako." Sabi nito sa taong nasa labas. Kinuha naman nito ang polo shirt niya saka dahan dahang nagsuot ng damit na tinulungan ko naman kahit na kanina pa ako hirap na hirap dahil sa nakikita ko. Ako na rin ang nagbutones ng polo niya.
Pagkatapos non ay dali dali na akong lumabas saka ko nabungaran si Nay Rosa na nakangiti sa akin.
"Tinulungan ko po siyang magbihis dahil pinalitan ko po ang bandage niya" tuloy tuloy na turan ko na nakapagpatawa kay Nay Rosa. Masyado naman yata akong naging defensive. Napalo ko nalang ang noo ko saka nahihiyang yumuko. Lumabas na din si Khian saka ito niyakap ni Nay Rosa.
"Jusko kang bata ka. Pinag alala mo ako ng sobra. Okay kana ba? Bakit kasi sumasama ka pa sa mga ganon?" Sabi ni Nay Rosa habang niyayakap ng mahigpit si Khian. Halatang umiiyak ito. Grabe yung pag aalala niya kay Khian. Nakita ko namang ngumiti si Khian saka niyakap din si Nay Rosa ng mahigpit gamit ang kanang kamay.
"Nay, alam niyo naman po ang trabaho ko. Sabi ko naman po sa inyo nung naging Mayor ako ay nasa paanan ko na ang panganib." Sagot naman nito habang hinihimas ang likod ni Nay Rosa.
"Eh alam ko. Pero ikaw naman ay ikaw mismo ang naghahanap ng panganib." Tugon naman ni Nay Rosa.
"Sorry po Nay kung pinag alala ko kayong lahat." Hingi nito ng paumanhin.
"Ganyan kamahal ng Nanay ko si Mayor. Naming lahat. Siguro ay narinig mo na ang kwento ng mga kasamahan namin dito pero siya ang dahilan kung bakit kami nakaahon at kung nasaan ako ngayon." Nagulat naman ako sa taong biglang sumulpot sa tabi ko. Si Angelo. Nginitian ko naman ito.
"Kakaiba talaga siya sa lahat" Nasambit ko. Saka muling tumingin sa dalawa na hanggang ngayon ay magkayakap parin.
"Tara. Maghain tayo. Nagluto si Nanay." Yaya nito sa akin na tinanguan ko naman. Akala ko kung saan kami kakain pero may nakita akong malaking lamesa sa labas sa ilalim ng isang puno. Naglakad kami papunta doon saka nagsimulang ayusin ang mga dala nilang pagkain.
"Sabi ni Mayor kanina, malapit lang daw ito sa Niyogan. Kaya ba ang bilis mong makabalik?" Usisa ko. Kasi kung parte parin ito ng Niyogan. Napakalaking lupa nito.
"Oo. Ayang daang yan papunta yan doon. Itong parteng 'to ay ipinaclear out ni Khian para tayuan ng bahay. At yung mga pinutol na puno ng Niyog ay yun ang ginamit para sa mga kabahayan doon sa Niyogan. Merong limang ATV dito na ginagamit kapag pumupunta sa Niyogan at dito. Meron ding iniwang isang sasakyan si Khian para kapag madami dami ang dadalhin ay madadala kaagad dito at magagamit din sa pamamalengke ng mga gamit ng mga nagtatrabaho dito. Katulad ngayon. Ayan ang ginamit ko." Paliwanag nito na ikinatango ko naman.
"Sobrang yaman niya naman ata para sa isang Mayor" makahulugang tanong ko. Tumawa naman ito sa sinabi ko.
"Hindi ba niya nakwento sayo? Parehong nasa business industry ang mga magulang niya sa ibang bansa. Yun nga lang hindi niya sinabi kung sino. Kasi ang sabi niya ay mas okay na walang nakakaalam ng mga importanteng tao sa buhay niya para hindi madamah sa magulong mundong pinasok niya. At itong lupang 'to ay bigay sa kanya ng mga magulang niya" Pagpapatuloy nito. Magkatulad sila ng sinabi ni Nanay Nelly.
"I see." Yun nalang ang nasabi ko.
"Eh ikaw? Ilang taon kanang nagtatrabaho para kay Mayor?" Usisa nito.
"Mag iisang buwan palang siguro o isang buwan na. Haha" Sa totoo lang kasi hindi ko na alam kung ilang araw, linggo o buwan na kaming magkasama.
"Alam mo bang ikaw lang ang kaisaisang taong dinala niya dito? May espesyal bang namamagitan sa inyong dalawa?" Sunod sunod na tanong nito na nakapagpaubo sa akin. Agad naman itong tumakbo at kinuhanan ako ng tubig sa jag. Ininom ko naman iyon agad.
"T-There is nothing between us. I-I'm just here to observe her" Sagot pagkatapos. Oo nga. Mukhang nakalimutan ko na kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nandito. Kung bakit ako naging PA niya.
"If you say so. Okay. So, are you seeing someone?" Grabe yung mga tanong niya ha?
"Wala. Wala akong interes" sagot ko nalang para matapos na.
"Ouch. Ang sakit naman non. Would you have an interest, if it was me?" Pangbobola nito na ikinatawa ko. Well, sa palagay ko mabuti naman siyang tao. Hindi ako agad agad na naniniwala sa isang tao. Yes, may trust issue ako. Pero unang tingin ko palang kay Angelo, sa tingin ko ay mabuti siyang tao. Pero wala akong interes sa kanya. I can be his friend pero hanggang dun nalang yun.
"Sorry." Nasabi ko nalang. Napahawak naman ito sa dibdib na animo'y nasasaktan. Kaya napatawa naman ako.
"Hoy bata ka. Ano na namang kalokohan yang pinagsasabi mo kay Ashley?" Bungad naman ni Nay Rosa. Nakaakbay dito si Khian na hindi maipinta ang mukha.
"Nag aapply ako bilang manliligaw" Sagot naman ni Angelo na ikinalingon ko dito tsaka tinignan siya ng mataman. Anong sinasabi niya?
"Ngayon mo lang siya nakilala ligaw agad?" Sabi naman ni Nay Rosa saka naupo na katabi ni Khian na walang imik habang kumukuha ng pagkain tinutulungan ito ni Nay Rosa.
"Nalove at first sight ako Nay eh" Wika nito. Inikutan ko naman ito ng mata saka ako naupo na. Tumabi naman sa akin si Angelo tsaka pinagkuha pa ako ng pagkain. Akala ko nagbibiro lang siya sa mga sinasabi niya? Seryoso ba siya?
Hindi ko alam pero napatingin ako bigla kay Khian na ngayon ay focus lang sa pagkain. Wala ba siyang pakialam?
"Ashley, seryoso ako. Pwede ba kitang ligawan?" Seryosong tanong ni Angelo sa akin. Napatingin ako ulit kay Khian na ngayon ay napatigil sa pagkain. Saka tumingin sa aming dalawa. Seryoso ang mukha nito. Nasa harap niya kasi kami. Pagkunwa'y bigla nalang itong ngumiti. Hindi ko mabasa kung totoo ba ang ngiting yun o peke.
"Mabait na tao si Angelo. Di ka niya pababayaan" sabi nito.
Parang may isang kutsilyo na tumarak sa puso ko ng marinig ko ang mga katagang yun. Ano yung nangyari kanina? Para saan ba yun? Anong kahulugan non? At bakit ako nasasaktan?
BINABASA MO ANG
Campaign
Romantik"Khianna, a beloved and dedicated mayor, is known for her genuine service to the people. She stands as a beacon of good governance-until she crosses paths with Ashley, a fiercely apolitical individual determined to tarnish her reputation. But when u...
