Chapter 6

593 24 1
                                    

"The fuck are you doing here?" Pagalit kong tanong sa kaniya.

He's just wearing an oversized black hoodie, a skinny jean, and designer white sneakers. He smells nice, his hair is a little messy today but it fits him well.

"Sam and Dylan show me the way to your house and they texted your mom para papasukin ako kasi alam nilang hindi mo gagawin." And then he bit his lips. "Mamaya pa sana ako papasok kaya lang nakita kitang gising mula sa balkonahe mo.

"Tang ina naman." Pagbulong ko at napairap nalang sa kawalan. "Do anything you want, I will just take a bath"

Before I even went to my bathroom, I asked him. "Do you want something? Coffee?"

"I already told you that I will treat you today. Let's have a breakfast outside bago tayo tumulak" Saka ibinalik ang mata sa panonood. Akala mo naman talaga ay napakalayo ng pupuntahan namin, e mahigit thirty minutes lang naman ang byahe.

Talagang sinadya kong bagalan ang pag-aayos ko sa sarili. Wala lang, gusto ko lang siyang inisin. Pasado alas siyete pa lang naman nang umaga, mahigit isang oras lang naman siya naghintay. Katatapos ko lang maligo, nandito na ako ngayon sa aking walk-in closet at namimili ng maisusuot. Nagulat ako nang biglang itong kumatok at walang habas na pumasok. Bakit ba kasi hindi ako marunong mag-lock ng pinto?

"Paihi ako." Walang kahit anong reaksyon ang ipinakita nito.

"Pwede kang kumatok, tanga mo!" Pagsinghal ko sa kaniya.

"Kanina pa ako kumakatok, malakas kasi masyado 'yang musika mo sumasayaw ka pa nga ata." And the he grinned.

Hindi na ako nagsalita dahil guilty naman ako, nagpanggap lang akong walang narinig at itinuon ko na ang sarili ko sa pamimili na ulit ng isusuot. Nakita ko na nagstay siya at saka tinignan ang kabuuan ng aking banyo pati na rin ng walk in closet. Ang huling tingin ay sa akin napukol.

"Ganda ba ng view? You can't have it I'm sorry." Sabay ngisi ko sa kaniya.

Inirapan lang ako nito at saka itinaas ang hoodie at puting tshirt na nakapalood dito.

"Ganda ba ng view? You can have me don't worry." Pang aasar nito sa'kin.

"Nauna ka lang mag-exercise sakin ng ilang araw. 'Wag kang mayabang baka mamaya paluhurin kita riyan."

"I am more than willing." Saka tumawa at akmang lalapitan ako kaya nga lang ay binato ko siya ng hanger. Good thing is that it hits right into his abs. Ngayon ay may pula ito kaya lamang na ako.

Tinawanan ako nito at pinaalis. Ismid naman ang iginanti ko at tuluyang lumabas para ro'n magbihis.


Masdyadong malamig ngayon dahil buwan ng Hulyo kahit napagdesisyunan kong mag stripped na black and white na t-shirt nalang, mag jogging pants at puting sneakers din para naman sa sapatos.

I did not bring any bag, ipinadala ko nalang sa kaniya lahat ng mga na research ko at gamit na mayroon ako tutal may dala naman daw siyang bag, iniwan niya lang sa sasakyan. Nagbangayan pa kami dahil tinamad itong umalis pero nang kalaunan ay tumulak na kami nang sinabi kong nagugutom na ako.

Ngayon ay narito na kami sa isang restaurant sa highway na ang katabi ay isang magandang resort. Marami nang nakatingin sa amin mula sa parking palang at ngayon ay pati sa pagpasok namin sa restaurant. Siguro siya tinitignan dahil sa sapatos niya samantalang ako dahil sa mukha. Agad kaming sinalubong ng staff at iginiya kami sa maari naming upuan.

We ordered our food and then we eat. None of us dares to speaks, but I admit that this feel strange but I like it. It's not awkward. The space that we both created for ourselves is somehow nice, comforting. Our actions are already speaking for us. Minsan tinitignan ko siya at ganon din naman siya sa akin. Naisip ko tuloy na kung kaming anim 'to malamang riot. Nag uunahan pa kami sa pagkain na akala mo'y madalang makatikim ng mga ganito.

Natapos na kami at muling sumakay sa sasakyan. Kung kanina ay walang kahit anong musika ang tumutugtog pero ngayon ay tinanong niya ako kung gusto ko ba. I played my usual playlist and I was shocked because he knows most of the song that's playing. Ako kumakanta ng malakas, minsan ay may sarili pa akong instrumento habang siya ay bumubulong lang ng kaonti.


Nakarating na kami sa bahay nila Sam and no surprised that Dylan was already here. Baka nga dito pa ito natulog dahil sa excitement. Nagkwentuhan muna kami nang sandali bago kami buong araw na nagtrabaho para rito sa presentation namin. Maganda naman ang kinalabasan, nakasalamuha namin ng maayos si Lucas dahil kaming tatlo ay sanay na sa isa't isa. Ang problema ko lang ay kami lagi ang nagtutulong, wala naman akong magagawa para namang mapaghihiwalay pa namin ang dalawa. Most of our conversations are always minimal, hindi ko siya sinungitan ngayon dahil wala lang, gusto ko lang mag-seryoso. Nag-uusap kami tuwing may itatanong lang sa isa't isa at kung minsan ay may ipaaabot.

Then, the work ended well, alas singko y media nang matapos kami. Nagpapaalam na kami kay Sam at sa pamilya niya. May dalang sasakyan si Dylan kaya hindi na ito sumabay sa amin sa pag-uwi.

Walang pinagbago, ako lang ang nagwawala sa sasakyan. Bakit ba? This is Paramore! I know he probably listen to them, but what's that? Ganyan lang ang reaksyon mo? Napakahina mo! Itinuloy ko lang ang ginagawa ko dahil wala rin naman siyang pakialam, hindi naman niya ako binabawalan kaya hindi ko hinihinaan ang pagkanta ko. Natigil lang ito nang magtanong siya.

"Where do you want to eat?" Nagtanong ito nang hindi man lang ako sinusulyapan dahil sa pokus niya sa pagmamaneho.

"Kahit saan." Tipid kong sagot.

"Tingin nalang tayo sa mall, okay lang ba iyon sa'yo?"

"Yes."

Tinitipiran ko lang ang sagot para magmukhang nahihiya ako pero ang totoo ay hindi. Libre na 'to e, baka bumabawi sa mga panggagago niya sa'kin na dapat naman talaga. Lagi nalang siya ang nasa isip ko, siraulo ba siya?!


Nandito na kami at ganon pa rin, tinitignan pa rin siya dahil sa sapatos niya samantalang ako ay dahil sa mukha. Naglibot kami kung saan saan at nang ilang minuto lang ay nakahanap na rin kami ng restaurant na kakainan. Gaya nang kanina ay nag-order kami at kumain. Kung kanina ay walang nagsasalita ngayon ay sibukan niyang magsimula ng usapan.

"Kumusta 'yung pagkain?" Panimula niyang tanong.

"Okay lang." Tipid ko na sagot. Sa pagkakataong ito ay wala ako sa kondisyon para makipag-usap. Bukod pa roon ay ayaw ko dahil hindi naman kami magkaibigan at wala rin akong balak na kaibiganin siya. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang pagkainis ko sa kaniya kahit pa wala naman talaga siyang ginagawa. Hindi ko maintindihan nang mabuti ang sarili ko.

"Nagugustuhan mo naman ba?"

"Yes."

"Kailan kayo naging magkakaibigan ni Sam, ni Dylan?" I can feel that he's really trying to get lighten the mood even though I really don't want to talk.

"Kinder pa."

"Ah okay. Gusto mo na bang umuwi pagkatapos nito?"

"It depends kung ililibre mo pa ako."

"I'm willing. Do you want me to walk you home, then lets buy some ice cream?"

"Okay."

"Okay, after we eat deretso na tayo sa parking ng condo. Bukod doon ay ano pa ang gusto mong kainin?"

"Anything."

"Masarap nga raw 'yan sabi nila." Pagbibiro niya. "What about some burgers or fries? Do you like that."

"I said anything. Ano ba ang malinaw doon?"

"Yeah, my bad." Then he smiles. "Dylan told me that he will introduce me to some of your friends, is it okay to you?"

"Yes."

"That's nice, I am just new here. I really don't know that much people. Most of them are my just neighbors and some staff."

"Hindi mo ba napapansin na ayaw kitang kausap? Pwede kang tumihimik kasi hindi naman tayo magkaibigan para mag-usap nang ganito." I said, enough to make him feel that I don't want him in my life.

"Sorry." He simply said.

After saying that, he never talked to me again.

The Light Before Dawn (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon