Chapter 20

397 23 2
                                    

The moment I went outside, the wind coming from the balcony greeted me. I saw him there, just looking at the thousands of city lights.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin nang pumwesto ako sa kaniyang kanan. Wlang nagsasalita sa aming dalawa, naghihintay kung ano ang mga susunod namin na gagawin. 

After a moment of silence, I took a deep breath. It's now or never. I can do this. I'll do it for the both of us. I'll do it for him.

"I'm sorry, Lucas." I softly said.

Tinignan ako nito sa ngumit at marahan na tumango. Binalik naman niya ang tingin sa kaniyang harapan at nagsalita.

"I never liked what you did, Benj. It's too much." Saka siya bumuntong hininga. "He's my father."

Saka ako gulat na napatingin sa kaniya. Napahawak ako sa aking noo at inisip ang mga ginawa. I've caused him so much damage because of being impulsive with all the decision that I made. I hurt him a lot when all he did was to be nice and care for me. Mali ang lahat ng iyon kahit ang intensiyon ko ay para sa aming dalawa, para sa kaniya.

"Unlike the five of them, you and I never had the chance to be open, to get to know each other more. Kung meron namang pagkakataon ay nauunahan ako ng takot na baka hindi mo ako matanggap." Saka ito yumuko. "Mahirap ang buhay na meron ako dahil anak ako sa pagkakasala, Benj. I never grew up with a mother. She died giving birth to me that's why I grew lifting myself. Wala na kahit sino ang gumagabay sa akin hanggang sa lumaki ako. Yes, I have the money, pero hindi naman non mapupunan ang pagkatao na hinahanap ko."

Sa buong pagkakataon na ito ay nakatingin lang ako sa kaniya.

"Kailangan nila akong itago, tanging ang mga kasama lang namin sa bahay dati ang kasa-kasama ko dahil mas nakatuon ang pansin ni Daddy sa tunay niyang pamilya. Ngayon na lang siya bumabawi, kahit ayaw ko ng mga binibigay niya ay wala naman akong magawa sa pamimilit niya. Bukal man sa loob o hindi ay hinayaan ko nalang. Ngayon ko lang naman ito nararasan dahil sa kinamumuhian ako ng tunay niyang pamilya. Kung hindi lang dahil ipinilit ko ang kalayaan ko kapalit ng pag-alis ko sa puder nila, sa Maynila, ay baka habang buhay akong nakakulong. Naghihintay ng manliligtas sa buhay na hindi ko naman pinili."

I can feel the pain through every word that he said. Ang bigat sa pakiramdam. Gusto kong ibalik ang oras at baguhin muli ang lahat pero huli na ang lahat para magsisi.

"Now that you said you are sorry, I want to know the reason why you did all those things." Saka ito muling tumingin sakin nang seryoso, naghihintay ng sagot sa bagay na bumabagabag sa kaniya.

Malalim akong huminga, humugot ng lakas sa bagay na matagal kong iniiwasan. Alam kong darating ang araw na ito. This is the chance. I am maybe afraid, but something pushes to tell him what I really feel.

Mula sa pagkakayuko ay tinignan ko siya sa mata para malaman niyang tunay ang lahat ng sasabihin ko.

"I am in love with you, Lucas. I lost my heart to you." After I said these words, my heart felt lighter than it ever was. I smiled at him as I am looking at him intently in his eyes. I want you to feel the sincerity, Lucas. I want you to feel all the things that I am feeling when you are with or without me. "But I don't how I will handle all of these emotions because it's overwhelming, it happened in an instant. Bago sa akin ang pakiramdam lalo na at iisa tayong kasarian." Saka ako bumungtong hininga. "Masakit para sa'kin ang lahat ng ginawa ko sa'yo, but I don't want to invalidate how you feel just because I did that for you. I don't want to make this apology all about myself because it was a selfish move to be honest. I am so afraid to the point where I didn't even try to do the right thing without you getting hurt. Hindi ko alam kung papaano dapat na patunguhan lahat ng mga iyon dahil sa mga takot na meron ako kung pipiliin kita."

The Light Before Dawn (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon