Chapter 19

382 18 0
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan simula nang magbagong taon. Ngayon ay nandito kaming anim sa sikat na restaurant dito sa Bataan. We are now celebrating the birthday of Kayden and Jayden. Nakausot kami ng semi-formal na damit. Kung hindi kami nagpplano ng out of town o kaya man ay magbeach, nagpplano naman kami ng ganito pagkatapos ay mag-iinom at matutulog sa isang bahay.

Kanina pa ako nagugutom dahil sa hindi naman ako kumain nang maghapon. Kaya lang ay ayaw pa nilang umorder. Gusto ko sanang pangunahan kaya lang libre ito, ayokong maging siraulo. They stayed with me through the hardships of my life, ano ba naman ang saglit na paghihintay?

Mula sa pag-kkwnetuhan namin ay biglang napatayo ang kambal at nagsisunuran na ang iba. Sabi na e, darating ang isang ito. Hindi ko binalak na tumayo o tignan siya. Bahala sila sa buhay nila. Ibinaling ko ang atensyon ko sa pagtingin sa aking telepono. Pride na kung pride pero ito naman ang gusto namin na dalawa, o baka ako lang?

Nang matapos silang magkumustahan ay bumabalik na sila sa kanilang mga upuan. Baka humupa na ang kasiyahan nila na parang akala mo ay nawalan ng koneksyon sa isa't isa. Hindi ako tanga sa lahat ng mga pinaggagawa nila. Nang una ay nagtataka ako sa kanilang kinikilos na akala mo ay may sinunod kaya lang nang paulit ulit na ay nakakutob na ako. Sinasakyan ko nalang sila dahil wala lang. Hindi ko rin alam ang dahilan pero gusto ko ang pagbabantay na ginagawa nila.

After thinking, my eyes went straight to the person who's in front of me. To my surprise, he's also doing the same thing.

Fuck.

He's wearing his eyeglasses. Halos malaglag ang brief ko dahil dito. Mag iisang buwan lang kami na hindi nagkita pero parang mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko. Nakasuot pa ito ng puting polo na pinatungan ng denim jacket. Not his usual self, but still, kayang kaya niyang dalhin ito.

Nag-iwas ako nang tingin dahil baka matigil pa ang pagkalimot ko sa kaniya at magsimula na naman ako sa una.

Nananadya rin kasi itong anim na ito e. Talagang pinagtapat pa ang upuan namin na dalawa sa isa't isa. Buti ay pinagigitnaan ako ni Kayden at Sam. Habang siya naman ay pinagigitnaan ni Dylan at Chloe. Si Jayden ay nasa pinakadulo ng lamesa, ang pwesto ng mga tatay.

Tahimik lang akong kumakain, sumasagot lang ako kapag tatanungin o may ipaabot. Kung kanina ay nilalabas ko ang aking kulit, ngayon ay hindi. Bahala sila mag-saya, babawi ako mamaya at magsasaya ako sa ibang paraan.

After a while, we finished our dinner and now we are heading to a bar in the next province. It's just almost an hour away, so it's not really a hassle for all of us. I am with Jayden. Hindi ko dinala ang sasakyan ko dahil alam kong wasted ako sa oras na umuwi kami. Hindi ko alam kung kanino pa sumabay yung lima, as long as hindi kami magkasama sa iisang sasakyan ay ayos na ako.


Nagsasaya na ako ngayon. Hindi ko na sila inisip, ayoko muna silang pagtuunan ng pansin ngayon, lalo si Lucas. Ayaw kong mawala ang lahat ng nasimulan ko dahil lang nagkita na kami. Nandito ako ngayon sa dancefloor kasayaw ang dalawang babae na kaedaran ko lang. The beat goes louder and louder until I decided to ask to come with me in the private room that we rented at the second floor, so we can all have peace and finish what I started.

Nakarating na kami sa aming inarkala na kwarto. Ang tanging nadatnan ko dito ay si Lucas na mag isang umiinom. Agad akong naupo at salitan na nakipaghalikan sa dalawang babae ko na kasama. Hindi ko sinadya ang lahat ng ito, nagkataon lang na siya ang naiwan dito.

Sarap na sarap ako sa ginagawa ng dalawa na halos sa buong oras na 'yon ay nakapikit na lang ako. Kung saan saan na dumarapo ang mga kamay namin sa katawan ng isa't isa. Dumilat ako sandali para ibaba na zipper ng aking suot na pantalon pero laking gulat ko nang makita ang talim ng tingin nito sa akin. Sa buong oras na 'yon ay akala ko na mag-isa kaming tatlo dahil sa bibigyan niya kami ng oras para sa kasiyahan, kaya lang ay hindi pala. Kita sa mga mata nito ang galit na parang sinadya ko ito, pero kung tutuusin ay ito naman talaga ang plano ko simula palang kaya bahala siya sa buhay niya. Kung ganiyan ay wala akong magagawa roon. Kaya ipinikit ko nalang muli ang aking mata at muling ibinaling ang atensiyon ko sa dalawang kasama ko. Kung sana ay sinama niya si Chelsea edi sana parehas kaming masaya.

After thinking, I now continue making the two girls happy, but I can't help myself to think of him as the one who's kissing me. Fuck that. If only I have the courage, I wouldn't be able in this place. We wouldn't be hurting each other.

Pinigil ko ang pag-iisip at muling ibinalik ang aking sarili sa kung ano ang tunay na ginagawa ko ngayon. Akmang lalagay ko na ang kamay ng dalawa sa loob ng aking pantalon nag bigla niya itong pinigilan.

"What the fuck?" Nagagalit kong sabi kay Lucas na nakatayo sa harapan ko.

"Lumabas na kayong dalawa bago ko pa kayo ipahila sa guard." May pagbabanta na sabi niya.

Mabilis silang tumayo at ganon na rin ang ginawa ko. Kung ayaw niyang gawin ko rito ay hahanap kaming tatlo ng ibang puwesto, yung walang manggulo. Pero bago pa man ako makarating sa pintuan ay hinawakan niya ang kamay ko at marahas na hinila.

"Where do you think you're going?" He asked with an amused face. What's with that? Hindi ba dapat ako ang may ganiyang reaksyon, parang naiba naman ata ang lagay natin na dalawa.

"Kung saan wala ka?" Kunwari ay nag-iisip ko pang sinabi habang pilit na binabawi ang kamay. "Get lost, I don't you anywhere near me." May diin kong sinabi.

"Ikaw ang may kasalanan pero ako pa rin itong naghahabol sa'yo." Mahina niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Gaano man kalakas ang ingay sa aming palagid ay malinaw kong narinig ito. "Hindi ba't ito naman ang gusto mo?"

"Ikaw lang ang may gusto nito, Benjamin. Ikaw lang nagtutulak sa'kin para lumayo ako sa'yo." Saka ako nito binitawan. "I give you the space you needed? Isn't that enough? Kulang pa ba?" Nangangamba nitong tanong sa'kin.

"Walang kahit anong meron sa'tin dalawa, Lucas." Pagsagot ko sa kaniya.

He nodded slowly. "I never expected that the first time you'll say my name will be at the time like this." Saka siya umupo sa sofa at tumingin sa kawalan. "Go on, do whatever you want. Hindi na kita pipigilan." Saka nilagok ang alak na nasa harapan niya.

Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Nanatili lang ako sa tabi niya kung saan kita sa malaking bintana ang mga taong nagsasaya. Why can't I be like them? Why do I have to deal with these fears, these uncertainties. Why do I have to deal with him? Tang ina naman.

Lumipas ang kulang limang minuto nang biglang iniluwa ng pinto si Dylan akay ang dalawang babae at ang kambal naman ay kasama ang dalawang bouncer.

Wala sa oras kaming umuwi sa condo ni Lucas dahil ito ang pinakamalapit. Nang makarating kami ro'n ay mabilisan niyang iniayos ang kaniyang kama at inihiga ang dalawang babae. Kasiya pa ang isa pero pinili namin na magsiksikan nalang kaming mga lalaki sa extra na kama na inilatag sa baba. Lahat ng suot namin na damit ngayon ay kay Lucas. Nagpatulong lang kami sa staff na babae para palitan si Sam at ang medyo nahimasmasan na si Chloe. Habang kaming tatlo naman ay nagtulong para ayusin ang lagay ng kambal.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok kahit pagod ako sa pag-aalaga sa kanila. Pinipilit kong matulog kaya lang ay naalala ko ang pag-uusap namin ni Lucas.

Lahat ng sinabi niya ay tama, totoo lahat ng ito. Ako ang kusang naglalayo sa kaniya, habang siya ay habol nang habol sa'kin. Masyado kong binulag ang sarili ko sa takot na hindi ko naisip na nasa likod ko lang pala siya. Naghihintay, inaalalayan ako hanggang sa magkaroon ako ng tapang at ng lakas ng loob para lingunin siya.

Gusto kong magwala ngayon at sumigaw dahil sa mga bagay na ginawa ko sa kaniya. A sorry will never be enough, kailangan kong ayusin kung ano 'yung dapat na matagal ko nang ginawa.

Kaya naman nang makita ko siya na tumayo at tumungo sa labas ay wala akong pagdadalawang-isip na sumunod.

I won't let the fear lose you again, Lucas. I am ready now and I am hoping that I am not too late, for you, for us. 

The Light Before Dawn (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon