Looking at his face, I know I hurt him. I saw it in his eyes. I can do a lot a lot about it but I choose not to because I know that this will avoid everything that I am not.
Our way home is not supposed to be how he planned it. We never really did the things that we're supposed to do. It will be the first time that I will be with someone walking under the street lights because I usually do it alone, to think, to be myself and to be alive.Nakarating na kami sa mismong tapat ng bahay namin, nagpasalamat ako pero hindi na ako naghintay ng tugon niya. I knew that what I did was ruthless, even I never expected myself of saying that. Every move that he gave me during the last minute that we are together was pain and I felt it. Showing myself into without being afraid of judgement is a lot. I can sing in front of him. I am not conscious of how I look like after I took a bath and I don't feel any type of awkwardness as we almost spent all day being together. That's rare and I know that I ruined it, but I think that it's the best way.
Two months have passed, ang dalawang beses sa iisang linggo naming magkatabi ay nawala na. Nakipagpalit siya ng upuan kay Dylan kaya ako na ngayon ang pinagigitnaan ng dalawa, siya ang nasa kanan ni Sam. Madalas na rin namin siyang kasama, katabi sa upuan at kung minsan ay sa pag-uwi kung wala siyang lakad o may sumusundo sa kaniya, na madalang lang mangyari. He grew closeness to both Sam and Dylan as they are both looking forward of meeting the twins and Chloe. Hindi naman nila kinwestyon ang pag-iiwasan namin. Alam ko na ramdam nilang parehas iyon pero hindi nalang sila nagsasalita at hinahayaan lang kaming dalawa na gumawa ng desisyon.Sanay naman akong hindi niya pinapansin o tinigtignan dahil hindi rin kami nag-uusap bago mangyari iyon pero ngayon, kahit ang maliliit na detalye kapag nagtanong ako ay hindi na niya sinasagot. I don't know why I never ask for his forgiveness. Siguro ay dahil natatakot ako sa magiging sagot niya o baka ito na ang huling pagkakataon na ibigay niya dahil masyado na akong maraming ginagawa. Hindi ko alam, hindi ko na alam. Bahala nalang siguro siya sa buhay niya tutal ay dapat naman din talaga na ganito ang trato namin sa isa't isa.
"Lumilipad na naman ang isip mo, Benj! Is it still because of Chelsea?" Chloe asking this as she approaches me. Nandito kami ngayon sa kanilang resort, kaaahon lang namin sa pool at ngayon ay naghahanda na kami para mag-inuman. Matagal na rin ang huli naming pagsasama na anim, magkikita lang kami pero sandali lang dahil hindi naman kami pare-parehas ng schedule.
"Hindi no! Matagal na akong tapos sa kaniya."
"Buti naman kasi kung hindi ay pauuwin kita ngayon din." Saka siya tumawa. "Nga pala, bakit hindi sumama 'yung kaklase niyo? Ang tagal niyo nang ikunukwento pero hanggan ngayon hindi pa namin nakakausap."
"Ewan ko, hindi naman ako ang kadikit no'n. Hindi nga ako kinakausap tapos sakin mo itatanong? Wala naman akong pakialam sa kaniya no!" Nagagalit kong sabi sa kaniya
"O e tinanong ko lang naman bakit ganiyan ka? Para kang tanga dyan." Nagagalit din nitong tugon sa'kin. "Kaibiganin mo na kasi, baka hinihintay ka lang non."
"Yeah, I'll try kapag sinapag ako." Natatawa kong tugon sa kaniya.
Everyone was already here and we started enjoying the moment. Hindi kami nangangamba dahil sa unang linggo pa nang Oktubre and midterms namin, halos nakakadalawang linggo pa lang kami ng Setyembre.Pasado alas kwatro y media na nang umaga nang matapos kami. We truly missed each other. Bagsak ang dalawang babae at ang kambal, ako ay tipsy lang dahil madalas kong tinatapon ang tagay ko. Kung hindi ay baka si Dylan na naman ang mag-aalaga sa'ming lahat gaya nang madalas niyang ginagawa.
Natutulog na sila ngunit ako ay hinintay pa ang papalapit na pagsikat ng araw sa kabilang dako ng dagat. Sinariwa ko lang ang malamig na hangin at sinilayan ang buong palagid. This is not our first time here, but His creation always makes me feel amazed. I know He's done a lot of things as beautiful as this and I'm sure that He's not done yet.
BINABASA MO ANG
The Light Before Dawn (BxB)
Ficción GeneralIllumination Series #1 (Completed) A college student, Caius Benjamin Sy, got everything in his life since then. His life seems perfect, at least for others. He has the money, the looks, a good set of friends, and a girlfriend, who later dumped him...