Chapter 8

513 20 0
                                    

"Anong ginagawa niyo rito?" Nagtatakang tanong ko sa dalawa, lalo na sa lalaking may buhat sa kapatid ko dahil siya ang tinitignan ko.

"E di ba kasi gagawa kayo ng project niyo Kuya Lucas. Nakalimutan mo na ba?" At talagang si Charles pa ang sumagot para sa kaniya at ibinaba na niya ang kaniyang mga gamit pati na rin si Charles.

"Kuya, hindi na pala ako matutulog dito ngayong gabi, masisikipan sa kama si Kuya Lucas. Sabi ni Mommy't Daddy e 'wag na siya sa guest room dahil mag-isa siya."

Pagkatapos itong sabihin ni Charles ay humalik sa ito sa akin at nag good night. Ngunit laking gulat ko nang gawin niya rin ito kay Lucas.

"Good night, Kuya Lucas! See you tomorrow." Ginagawa niya lang ito kay Sam at Chloe pero sa tatlo ay kahit kailan ay hindi ko nakita.

"Why did you do that, Charles?"

"Kuya Lucas is nice to me. He even allowed me to play ps5 with him like we always do. He also brought me pasalubong and some toys unlike your friends. Kuya Kayden, Kuya Dylan, and specially Kuya Jayden. They never did that to me. They always make fun of me."

Totoo naman ang lahat ng sinasabi niya kaya hindi ko siya masisisi "What about Sam and Chloe huh? Did you ask for consent?"

"Well they are exception since they are girls and I am not the one who's kissing them, they are the one kisses me." Inirapan ako nito at saka binagsak ang pinto.

Ilang taon na nga ba ulit 'yan? Mukhang mas matanda pa sa akin kung magsalita samantalang limang taon palang naman

"You have to explain to me everything right now." Baling ko naman sa isa na talagang hindi na nag paalam at nahiga na sa kama ko.

"Kanina pa ako nakikipag kwentuhan kila Tito at Tita sa baba. I also met some of your kasama sa bahay and Mikaella, our batchmate who's staying here. They also ate with me for dinner and I took a bath downstairs before I went here. Ayaw mo kasing bumaba e, kanina ka pa kaya tinatawag."

What the fuck! How did all of these things happen? Paano?!

"Your face says it all. I told you yesterday that we should talk today, but I forgot since walang chance, hindi naman tayo naglunch sa dami ng ginagawa. Umuwi lang ako nagsiesta saglit at saka nag ayos ng gamit. Okay na ba?"

Napamura nalang ako ng mahina at dumiretso sa banyo para maligo.

"Bukas na tayo magsimula!" Sigaw ko rito mula sa loob. Wala naman akong kahit anong pagtugon na nakuha.

Natapos ako sa lahat ng aking routine bago nahiga. Nakakapagod ang araw na ito, kahit gusto ko pa sanang manood ng kahit isang pelikula ay hindi ko magawa dahil baka makatulugan ko ang telebisyon, sayang ang kuryente.

Nakita kong nakapikit na ito kaya marahan akong nahiga sa tabi niya.

"How was your day, Benjamin?" Parang mag-asawa ang lagay namin ngayon a. Iba talaga lakas ng katawan meron ang isang tao na 'to.

"Are we even friends for you to ask me that?" Balik ko na tanong dito. I hope that yes is his answer. Kahit ito lang, masyado nang magulo ang nararamdaman ko sana ay bigyan naman niya ng linaw.

"You don't consider me as your friend, but I consider you as one." He replied. This is what I want, but I am hurt for no fucking reason.

"Wow, it's really an honor, but no thanks. I have lot of friends and besides I don't need you. They are all enough."

Buntong hininga lang ang tanging narinig ko mula sa kaniya. Mahabang katahimikan ang pumapaligid sa'min. Tanging tunog lang ng aircon at mga kuliglig sa labas ang naririnig ko.

Nararamdaman ko na ang antok dahil masyadong kumportable ang presensiya ng paligid.

"Can we become friends, Benjamin?" I don't want you to call me that, call me Caius! I like that more! I did not answer him. I am ashamed of what I did back then. I am ashamed on everything that I've done to him, so maybe this time, silence is a yes.

"What happened back then, was it your first time?" Muli ay tanong niya sa akin.

"What exactly are you saying?" I know what he means, all I need is for him to confirm that.

"The time when we accidentally kissed".

"No, you?"

I am waiting for his reply pero wala na akong narinig na sagot mula sa kaniya. Tinignan ko siya at nakita ko mula sa liwanag ng buwan na bukas pa ang mga mata niya.

Humarap siya sa akin at marahang tumango.

I smiled at him because I don't know what to say. Tumalikod na ako sa kaniya at pinilit ang sarili na matulog.

Nagising ako nang pasado alas siyete dahil sa malakas ang ulan. Nakita ko si Lucas na natutulog pa rin, mahina pang humihilik, halatang puyat na puyat. Marahan kong kinuha ang telepono ko at kinuhanan siya ng litrato for future purposes.

Ngayon ko lang nasilayan ng malapitan ang mukha nito.

I'm at peace.

Pinagmasdan ko ang mahaba niyang pilik mata, ang matangos na ilong at pulang labi. I admit it, he's nice. I mean his attitude, the way he treats everyone around him. He always smiles around people who greets him. Sikat siya sa campus dahil sa maganda niya mukhang sabi nila, kung ako tatanungin ay dahil lang iyon sa kaniyang mamahaling mga sapatos, mas gwapo pa rin ako. I also want to add how I always see Chelsea invading his personal space, but he always told her that he doesn't like it but in a respectful manner. Baka kung ako iyon ay minura ko na siya. Higit sa lahat ay ang kagustuhan niya na kilalalanin ako kaya lang ay masyado akong matigas at inuunahan ng pride at ego kaya lagi ko siyang tinatabla.

He's a good person. I wonder, ano kayang kwento ng tao na ito? Saan kaya galing pula ng labi nito? Parang hindi naman totoo na ako ang nakauna dito, mukhang laging may kahalikan.

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. Namalayan ko nalang ito nang nakitang nakangiti na pala ito sa akin habang tumataas taas pa ang kilay.

"I can be you breakfast in bed." Sabay kindat at kagat ng labi.

The Light Before Dawn (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon