Chapter 12

440 18 0
                                    

I am amazed as I saw the inside of his condo. Just like the outside façade, the inside is also beautiful as it is too. The whole floor only consists of four big rooms which is also why his condo is as massive as it can be.

"Come in, medyo magulo pa 'yung condo pasensiya na." Natatarantang sabi nito sa akin. "You wanna eat outside or do you want me to cook for you?"

"I want you to cook for me." Sagot ko sa kaniya.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Pagpasok namin ay nasa kanan na agad ang may kalakihan na kusina na may division mula sa sala. May butas lang ito para makita pa rin ang kabuuan ng lugar. Sa kaliwang bahagi ay may dalawang pinto. Kwarto siguro at banyo. Maaliwalas ang itsura nito. There is a sqaure dining table occupies eight to ten people. The sofa is grey and it fits the painting above it as well as the entire white walls around the condo. It has a round wood coffee table that matches the black carpet below it. It also composes of television and its wooden rack. There's a grand piano on the front of the huge white curtain which I think is a balcony. Everything is simple yet pleasing to the eyes I wonder what his bedroom looks like.

"Maligo ka muna, baka magkasakit ka. Iaabot ko nalang sa'yo 'yung twalya."

Binuksan ko ang kaniyang banyo at nakita ko na kulay puti ang tiles na nakapalibot dito habang ang tiles naman ng sahig ay kulay gray. Mayroon din na black accent tiles na pinaglalagyan ng shower. Malaki ito, gaya ng akin, may bathtub din. Sa kanang bahagi ay makikita ang kabuuan ng kaniyang walk-in closet kung saan tanaw ang isang pinto, mga mamahaling sapatos, hilera ng mga cabinet, pati na rin ang iba't ibang relo na nasa gitna.

Matapos kong ilibot ang mata ko ay naligo na ako, napasarap ata dahil nagtagal ako kumpara sa twenty minutes ko na pagligo. Nang kalaunan ay nakarinig ako ng marahang katok mula sa pintuan na hindi ko pinasukan.

"Malapit ka na bang matapos? Handa na ang pagkain baka lumamig."

"Matatapos na ako, pahiram ng twalya."

"Gamitin mo muna pangtakip ang akin, ikukuha kita ng bago" Ginawa ko ang sinabi niya at ngayon ay nandito na siya at mukhang may hinahanap sa mga drawer.

"Mamili ka na lang ng kahit anong isusuot mo. I'm just looking for the underwear that I never use. Ano ang mas gusto mo, brief ba o boxer brief?" Not that I would mind, mas ayos nga kung iyong paborito pa niya.

"Hayaan mo na, hindi ako nagsusuot kapag nasa bahay." Deretsahan kong sinabi sa kaniya.

"Are you sure?" Nangangambang tanong nito.

"Yeah, besides para namang maiitatago ko pa sa'yo 'to. Nagkadikit pa nga ang atin e." Natatawa kong sabi.

Hindi siya tumugon sa sinabi ko pero nakita kong namumula ang kaniyang tenga.

"Labas na ako para makapag-bihis ka." Pag iwas niya sa usapan. "Get anything you like." Then he went outside.

Inilibot ko ang aking mga mata at binuksan ang mga cabinet. Kilala ang mga damit na narito, 'yung iba ay mukhang hindi pa ata nagagamit. Hindi ko alam kung nasaan 'yung mga pambahay at ang panglakad. Napansin ko naman na mas marami ang kaniyang itim damit dahil nakahiwalay pati sa mga may kulay. Namili lang ako nang oversized na longsleeves at pajama. Pati ang mukhang mga pantulog ay mamahalin. Kung ako ay halos dalawang beses kada buwan lang na namimili ng mga ganito kamahal na damit, ito ay mukhang linggo linggo.

Nang matapos ako ay narinig ko ang katok niya mula sa labas, sa tapat ng kusina.

"Benj, are you done?"

"Yes, come in."

He's not wearing anything aside from his towel that is wrap around his body. With that, I immediately went out on the door where his room can be seen.

Tang ina, sobrang ganda nito. Puti ang kulay ng dingding, naiba lang dahil sa mayroon siyang accent wall na dark grey. Maayos ang kaniyang kama. May mga frame din siya ng mga kilalang pelikula sa grey na dingding. Nasa gitna ang frame ang kahoy na kama. Puti ang mga balot sa unan pati na rin ang kumot na narito. Sa magkabilang gilid nito ay ang side table na gawa sa kahoy. May lamp shade ang parehas na bahagi ngunit sa kanan lang may nag-iisang picture frame. Sa kaliwang bahagi ng pinto daan daang libro na akala mo ay mauubusan. Nasa tapat naman ng kama ang kaniyang television set. May ps5 pa akong nakita rito. Sa gilid ng pinto ay mayroon siyang wooden dresser. Sa dulong bahagi ng silid sa kanan ay ang kaniyang study table at drafting table. Habang sa kaliwa naman ay may isang reclining chair nakatapat sa bintana, kita ang buong siyudad, napakaganda ng tanawin na ito. Kita ang Mt. Samat Cross at ang libo-libong mga ilaw.

I'm really amazed on how this whole unit looks like. Masyado akong naaaliw sa ayos ng kaniyang mga gamit, ayaw ko na tuloy umalis dito.

Lumabas na ako sa kaniyang silid at nagpunta sa hapag. Nagluto siya ng Filipino dish na bagay sa panahon. Nakita ko rin na nagorder siya ng iba pang ulam. Ganon ba ako katagal naligo para matapos at dumating ang lahat ito? Ayaw ko munang kumain dahil gusto ko siyang kasabay kaya nagtingin lang muna ako sa aking telepono habang naghihintay. Kinuhanan ko rin ng litrato ang labas ng kaniyang unit dahil sa ganda na mayroon ito, mamaya na ang kwarto kapag tulog na siya.

Nang kalaunan ay lumabas siya na ang suot ay tanging boxers at sando lang. Nakita ko ang mga iyan mga kanina, pero hindi ko binalak na suotin, baka maakit ko siya at hindi kami mapagpigil na dalawa.

"Masarap ba ang ulam?" Tanong nito sa'kin habang kumakain kami na dalawa.

"Ayan ka na naman. Ang kapal kapal mo talaga. Magbago ka na nga, masyado kang mahangin!' Tugon ko sa kaniya. Ang kaninang blanko ay napalitan ng tumatawang mukha. "Kapag hindi ka tumigil, uuwi ako."

Sana pala ay hindi uuwi sinabi ko, dapat pala ay ang hahalikan ko siya dahil hindi naman ito tumitigil. Inirapan ko nalang siya at sinungitan "Abot mo nga 'yang kanin!" Kahit abot ko naman ay inutusan ko siya. Ang gusto ko lang naman gawin ay lagyan niya ako, pero hindi niya ginawa.

Dapat lang, hindi naman ako nagexpect.

Natigil na siya sa pagtawa at seryoso na kaming kumakain na dalawa.

"Masarap ba?"

"No." Napangiti nalang ito at umiling.

"I asked Tita, iyan daw ang paborito mo." Then he smiled.

"Naniwala ka naman?"

Nalaman niya siguro ito baka ngayon lang o matagal na dahil lagi niyang kausap ang mga tao sa bahay. Kung tutuusin ay mas masarap pa ito kaysa sa luto ng nanay ko, hindi ko lang masabi dahil nahihiya ako.

"Yeah, kita naman. Tignan mo itsura mo ngayon. May kanin ka pa sa paligid ng bibig mo." Inirapan ko lang ito at hindi na pinansin. Nahuli mo ko ro'n.

"Sorry that I lied to your face earlier." I didn't stutter as I said this. Aside that I really felt bad about saying that, he also deserves this just like all of the things and problems that I caused him. It's a slap on his face because it always points out how I don't really want to be with him.

"E 'yung isang buwan mong pag-iwas sa'kin, hindi ka ba manghihingi ng tawad ro'n?"

The Light Before Dawn (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon