Chapter 11

481 20 4
                                    

Today's Thursday and it's already the start of the first week of December. Alas singko na nang umaga at nandito ako ngayon muli sa balkonahe ng aking kwarto, nagpapahinga dahil katatapos ko lang gawin ang aking plate na ipapasa para sa aming paparating na finals. Tatlong linggo ang ibinigay na palugit sa amin para tapusin ito, mayroon pa akong dalawang linggo natitira pero tinapos ko na dahil ayaw ko na matamabakan.

The December breeze is really cold and I can feel that the Christmas is already near. Walang araw ang sumikat ngayong umaga. I was looking forward to it since I am already tired and I need some refreshment, something to make me feel alive, again. All I want is to sleep but the thought of him during this time brought me to the same feelings over and over again. I wonder, what is he doing at this moment? Is he still asleep? Kumusta na kaya iyon? Wala akong alam sa buhay niya, kung sino ang kasama niyang magpapasko o kung may kasama ba talaga siya. Hindi ko naman magawang tanungin dahil matagal ko na siyang hindi kinakausap.

And I am really guilty of it.

At this very moment, I can't help, but to remember the moment I ignored him. He waited for me at my parking spot patiently, but I didn't even glance at him. Two weeks are enough for the both us. Kahit gaano pa kasakit yang sinasabi ng mata mo kung hindi naman dapat tayo mangyari ay kaya kong tiisin. Masyadong lumalalim ang nararamdaman ko at alam kong hindi dapat kaya mabuti na iyon. Akala ko isang linggo lang ang aabutin ng pag-iwas ko rito pero umabot na ito nang isang buwan.

Everything about him is so beautiful for me to forget. Tang ina. But I know that it's better this way. Kung tutuusin hindi naman talaga kami mag-kaibigan. 'Yung lima kaibigan niya pero ako hindi. We're just acquaintance, at least for me. That's what I want to think of us, so I can avoid something that will make me feel my love for you all over again, not like it really ended.


I am now on my way to the classroom. Namasahe lang ako dahil pinachange oil ng aming driver ang sasakyan ko. Ayaw ko naman sumabay sa tatay ko kaya ganito nalang. Ang malas ko lang dahil biglang bumuhos na naman ang malakas na tumila na kanina. Wala akong dalang payong o kahit jacket man lang. Sana pala ay lumiban nalang ako ngayon sa klase at matulog nalang maghapon.

Nakapasok na ako at nakita ko si Lucas, he looked at me like he was pleading. Umiwas ako nang tingin.

Araw-araw simula nang iwasan ko siya ay walang palya ang paglapit niya lalo sa akin. Madalas ay nakikita ko ang sasakyan niya mula aking balkonahe, naghihintay. Huli niya itong ginawa ay noong noong Lunes, akala mo ay wala kaming paparating na exam. Dahil na rin sa kasama na siya sa grupo namin, mas naging madalas na lalo ang pagkikita namin. Tuwing lunch naman ay sa akin ito tumatabi, hindi naman niya ako kinakausap, pinaparamdam lang niya lagi na magkalapit kaming dalawa.

Konti pa baka hindi ko na makontrol ang sarili ko. I needed to do something. I want him to be mad at me, baka iyon ang umepekto hindi 'yung ganito na puro iwas lang ako.

Sa kalagitnaan ng ikaapat na klase, alas dos y media, ay nagsuspinde ng pasok. Agaran ang dagsa ng mga estudyante sa iba't ibang lugar dito sa loob ng campus kaya naman ay hindi muna namin sinabayan ang mga ito. Nanatili lang kami sa isang shed habang nagpapatila ng ulan. Nang kalaunan ay nauna nang umuwi 'yung dalawa dahil may lakad daw sila. Malamig e kaya siguro nagbabalak. Hindi nga sinabay itong si Lucas, masyado silang halata.


Nakasilong pa rin kami ngayong dalawa sa shed kung saan malapit ang Architecture building. Ang gusto kong mangyari ngayon ay lumayo sa kaniya kaya lang ay hindi ko 'to kaya. Kahit na madalas naman talaga kami magtabi ay ibang ang ngayon dahil kami lang dalawa, walang ingay, kakaonti ang mga tao, payapa. Bukod pa ron ay papadilim na, nakakatakot dahil dati raw itong sementeryo.

Sinulyapan ko siya sandali at nakita kong nagsusuot siya ng hoodie. Kung alam ko lang talaga sana ay nagpumilit na ako kila Sam at Dylan. Kahit pa magalit sila sa'kin, mas madaling gawaan ng paraan iyon kaysa 'yung ganito, kahit gaano ko kagusto ay hindi naman dapat. Gaya nang kanina na may mangilan-ngilan pang naglalakad, ngayon ay halos wala na. Hindi ko naisip man lang na sumabay sa kahit sino. Kahit hindi ko kilala ay ayos na, 'wag lang siya ang makasama ko. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at kinausap na siya. Ilang bwan ko rin itong pinigilan. Swerte niya at nasa ganito kaming sitwasyon ngayon.

The Light Before Dawn (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon