Isang linggo lang ang itinagal nito, ngayon ay nandito kami sa condo, naghahanda dahil ipapakilala ko na siya kay Dad. I just give Benjamin a heads up, okay lang daw dahil sinabi ko sa kaniya matagal ko na siyang binabanggit dito. Hindi naman kasama ang relasyon namin, ang mga kwento lang tungkol sa kaniya at ang paghanga ko sa mga ginagawa niya. Wala naman kaming magagawa na dalawa nang bigla nalang itong magsabi na pupuntahan niya kami matapos ang mahigit na isang buwan namin na hindi pagkikita dahil sa mga trabaho niya.
"He's here." Paggising sa akin ni Benjamin.
Agad namin siyang pinuntahan mula sa pintuan. Nang binuksan namin ito ay halos punong puno na ang mga kamay nito sa dami nitong dala.
Tinabig niya ako at agad na pumunta kay Benjamin na nasa aking likuran.
"Hi, son. Raphael talks a lot about you. Heto at ipinamili kita ng mga gamit." Saka nito ibinaba ang lahat ng paper bags at inakap si Benjamin.
Nakita ko na ang hindi maipinta na mukha ni Benjamin dahil sa gulat. Nginitian ko lang siya at tinunguan saka sila inawat na dala.
"Daddy, stop! You're making him uncomfortable."
We are now eating our dinner. Hindi ko inaasahan na magkakasundo ang dalawa. Ang kaninang kabado na si Benjamin ay halos hindi na matigil ang pangungutya sa akin ngayon. Sinamahan pa ni Daddy na kung ano ano ikinukwento akala mo ay hindi ako nanitili sa bahay nang ilang taon.
"Ang lakas minsan maghilik niyan Tito, noong una lang po pala mahina."
"Sinabi mo pa, anak. Minsan ay sapakin mo nang magising. Kapag sinungitan ka ako ang bahala. Babawasan ko ang allowance niya."
"Makakaasa ka po, Tito." Saka sila nagtawanan na dalawa.
"Call me Daddy already. Soon ay magpapakasal na rin naman kayo."
"Okay po Daddy. Bibili na po akong singsing bukas dahil payag naman po pala kayo." At tawanan muli.
Napairap nalang ako sa hangin. Humanda ka sakin Benjamin mamaya dahil hindi ko palalabasin 'yan. Bahala ka sa buhay mo.
As it ended, I realized that I am more than happy that they both like each other. Hindi na rito natulog pa si Daddy dahil sa trabaho. Hinatid nalang namin siya ni Benjamin sa helipad na pinaglaparan niya at nagpaalam.Sana ay ganito rin ang kalabasan ng pagsabi namin sa kila Jayden dahil sa pinaplano na namin itong sabihan sa kanila sa mga susunod na araw.
Today is Thursday and it's already one in the afternoon. Kagagaling lang namin mula sa lunch and we are down to our last subject later at three pm. Nakatambay lang kami rito sa baba ng library dahil presko. Nakaupo kami sa hagdan habang nagkkwentuhan na pito. Hindi pumasok 'yung tatlo dahil daw mga tinatamad.As our laughter is on-going. I saw Chelsea alongside with Isabella and Gia. Since the second semester started, Chelsea and her friends never really bother going right at me. Maybe because of how Chloe punch her in the face during those times. Lagi ko lang siyang napapansin na nakatingin sa akin, kung minsan ay ngumiti, madalas ay nang-aakit. I know it because she always licks her lip and then do a sign that symbolizes sex. Is it really hard to show respect to people and also to yourself?
"Hi, Lucas!" Saka ito kumaway sa akin. Hindi ko naman ito pinansin at sumandal nalang ako katabi ko na si Benjamin. Napansin kong napairap siya kaya tumungo siya sa katabi ko. "I just want to talk to Benjamin. I know a thing that these people don't know about." May pagngiti pa nitong "Well, except you since he's the one involved." She added.
Agad kong inialis ang pagkakapatong ng ulo ko mula sa balikat ni Benjamin. I need to stop this. This is not the time. Benjamin is still preparing for this if that's she really would about to say.
BINABASA MO ANG
The Light Before Dawn (BxB)
General FictionIllumination Series #1 (Completed) A college student, Caius Benjamin Sy, got everything in his life since then. His life seems perfect, at least for others. He has the money, the looks, a good set of friends, and a girlfriend, who later dumped him...