"Hey, Lucas you forgot yout wallet." Chelsea said.
Hindi pa ako nakikita nito dahil abala ito sa paghahanap sa kaniyang bag. Nang nag-angat siya ng tingin ay nagulat siya dahil nakita niya ako.
"Oh, hi. Benj!" Tinapunan ako nito nang tingin sandali at muling bumaling kay Lucas upang ibingay ang naiwan.
"Get inside, Chels. Wait for me there." Agad naman binigay ni Lucas keycard dito. Wala namang pagdadalawang isip si Chelsea na kinuhanin ito at pumasok sa loob.
Mula kay Chelsea ay ibinaling ko sa kaniya ang aking tingin. Nang makita niya ito ay agad naman niyang tinaas ang kaniyang kanang kilay. Senyales upang sagutin kung bakit ako nasa harapan niya ngayon.
Ang akala kong walang salitaan namin na pagkikita ay nagbago at umabot sa ganito. I want to get out of his sight the moment I saw Chelsea. Kaya lang ay napako ako sa aking kinatatayuan, nagtataka kung bakit sila magkasama nang ganitong oras. Gusto ko siyang tanungin, gusto kong malaman ang lahat ng bakit. Gusto kong sabihin niya sa akin, magpaliwanag kung bakit siya nandito.
Kaya lang ay wala akong karapatan.
"I went here to give you this." Tipid ko siyang nginitian at itinaas ng bahagya ang hawak ko. Nandito na ako. Nakita na niya ako at wala na akong magagawa kung hindi ipagpatuloy ang kahibangan na ginawa ko.
"I don't need that. Ipamigay mo nalang." Saka ito dumiretso sa kaniyang pinto at tuluyan akong iniwan na mag-isa.
Napayuko nalang ako sa kaniyang sinabi. After that, I realized how stupid I am. Humantong kami sa ganito dahil sa gusto ko siyang kalimutan tapos nandito ako ngayon sa tapat ng pintuan niya, dismayado, nasasaktan.
Agaran akong tumungo sa elevator at pinindot ang floor upang makababa. Ang mga biniling kong pagkain sa kaniya ay ibinigay ko nalang sa staff na kaning sumalubong sa akin. Pagkatapos ay nagmamadali akong umuwi para magpalit ng aking mga damit. Nahiga ako sa aking kama at kahit hindi ako inaantok ay pinilit kong matulog. Baka sakaling matauhan ako sa mga katarantaduhan na ginagawa ko.
Buong linggo kong ginugol ang sarili ko sa pag-aaral hanggang sa tuluyan nang matapos ang exam. Wala na akong balak na humingi ng tawad sa kaniya. Hindi sapat ang mga paumahin ko pero wala akong magawa. Alam kong ayaw niya akong makita kaya ako na ang umiiwas tutal ito rin naman ang gusto ko, ito rin naman ang dahilan kung ginagawa ko ang mga bagay na ginawa ko. Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay wala na akong interaksyon na gustong gawin na kasama siya, kahit ang mga pagpukol ko ng atensiyon sa bawat ginagawa niya ay itinigil ko na rin. Mas mabuti siguro iyon, magalit lang siya nang magalit ng sa gayon ay mas mapadali para sa aming dalawa ang lahat. Kung sa noong kasintahan ko nga na si Chelsea ay mabilis kong nagawa ang kalimutan siya, ano pa kaya sa kaniya, lalo na't wala namang kahit anong mayroon sa amin.
Nandito kami ngayong anim sa bar. Araw ng Sabado ngayon at nagccelebrate dahil sa nakatapos na kami ng isang semestre. Bukod pa roon ay idinaraos ko rin ang aking kaarawan kahapon, araw ng ikaw dalawampu't isa ng Disyembre. Walang magandang nangyari, tanging daan-daang bati lang ang natanggap ko at iilang mga regalo. We just ate a dinner in a fine dinning restaurant with my whole family and after that we went home. Kaya gusto ko lalo na magsaya dahil na rin sa ililibre ko silang lima sa gabing ito.
Nilagok ko ang alak na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ilang bote na ang nainom ko dahil wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang makalimutan siya. Ito naman talaga ang dapat kong gawin sa simula palang. Masyado lang akong nagpapadala sa nararamdaman ko, lalo tuloy tumatagal ang proseso. Kaya hangga't maari ay hinahayaan ko ang sarili kong may ginagawa dahil baka gumawa na naman ako nang mga agarang desisyon at pagsisihan sa huli.
Nagsaya akong buong gabi, gusto ko pa nga na mag-uwi ng babae kaya lang ay pinigilan nila ako at inuwi sapilitang inuwi sa bahay ng Kambal.
Ganito lang ang naging buhay ko sa buong bakasyon. Dumaan ang Pasko at Bagong Taon na parang hangin. Hindi ko ito gaanong nadama dahil hindi naman ako masayang makita ang tatay ko na kasama namin na mag-celebrate. Lumabas lang ako sa kwarto kapag magsisimba at kapag kakain na sa parehas na okasyon. Sa mga normal na araw ay nasa maghapon ako sa aking silid at kapag sapit ng gabi ay nasa bar ako, minsan kasama ko sila, minsan hindi. Madalas ay wala akong magawa dahil biglaan ang pagsulpot nila kaya hindi ko nagagawa ang mga gusto ko. Tuloy ay kailangan ko pang tumakas sa bahay dahil baka tinatanong nila si Mom, si Charles, o kung sino man sa mga nangyayari sa buhay ko. Sa sandaling panahon na 'yon ay ganon ang pagtapal sa mga sugat na mayroon ako. Nakakapaguwi ako nang babae kapag kinakaya, kung may bantay naman ay nagpapakalasing nalang ako.
Alam kong kulang pa ang panahon, hindi pa ako ayos. I am not even fixing myself to be honest, but I think that this is much better than just staying in my room the whole day, wanting to die because of all the problems I have in my family, in myself, and specially in him. As much as I want to acknowledge what I am feeling, something was in me that's still wanting to stay where I am, not moving. Maybe just like what I always do in the past, I will just try to just put a temporary cover from all of my wounds. And I think that in that time that I am doing that, I'll forget him, I'll forget all the things he made me feel. Sana lang ay tuloy-tuloy na.
BINABASA MO ANG
The Light Before Dawn (BxB)
General FictionIllumination Series #1 (Completed) A college student, Caius Benjamin Sy, got everything in his life since then. His life seems perfect, at least for others. He has the money, the looks, a good set of friends, and a girlfriend, who later dumped him...