Chapter 34

241 15 0
                                    

"Wala na raw 'yung malaking room. Kaya kumuha nalang akong tatlong room." Bungad ni Samantha nang makasakay kaming lahat sa kanilang sasakyan. Si Dylan ang nagddrive habang nasa kanan niya si Sam. Ako si Jayden at Chloe naman sa sumunod na upuan at ang nasa pinakalikuran ay si Kayden at Benjamin.

"Kami na ni Kayden sa isa." Sabi ni Benjamin.

"Gusto ko kasama si Kambal e, Benj. Kakabati lang kasi namin." Pag-tututol ni Jayden.

"Okay, I'll go with Dylan and that's final." Sabi muli ni Benjamin.

Okay lang sa'kin kung ayaw mo akong kasama, kaya lang sa lima ay hindi kaya wala tayong magagawa.

"Actually, bro, Dylan, Jayden, and I already decided to be with each other since ang dalawang babae ay magkasama naman na. Pati ayaw namin kasama si Lucas dahil malakas maghilik." Si Kayden

"Yes! Nasanay ka naman na sa kaniya, ikaw nalang." Si Jayden saka sila naghagikgikan lahat.

"Yeah, what a plan. Magaling! Hindi halata." Pumapalakpak pa ito habang nagsasalita.

Matapos ang isang oras at sa restaurant na muli ang tungo namin. Kumain lang kami saka sabay sabay na tumungo sa villa na binook ni Sam.

"Ayos ba, bro?" Bulong sa'kin ni Jayden.

"Ayos na ayos, lalong nagalit 'yung isa." Tugon ko rito at inirapan,

"Hayaan mo siya. Nagsinungaling na nga kami kahit hindi naman totoo na malakas ka maghilik makatabi mo lang ulit."

Sinapak ko lang siya saka siya tumawa at tumungo na sa kani-kaniyang lugar

"Sa sofa ka matulog." Bungad sa akin ni Benjamin.

Hindi ko siya pinansin. Tumungo nalang ako sa mga closet at inayos ang aking gamit dahil sa matagal kami rito.

"Sabi ko sa sofa ka matulog." Pag-uulit niya.

"You can bare seeing me sleeping there? Sa height nating dalawa hindi mo man lang ba naisip kung gaano ako mahihirapan?"

"Well, you deserve that. This is your plan, anyway."

"It's not! Bakit kita pipilitin kung ayaw mo? Parang hindi mo ako kilala a, Benjamin."

Saka ko siya tinalukaran at tumungo sa labas na kung saan tanaw ang dagat.

The sound of the waves is peaceful. Somehow, I forget what are the problems I am facing as I watch what's in front of me. Konting tiis nalang, Benjamin. Hayaan mo lang akong iparamdam sa'yo ang lahat bago ako umalis. Pagkatapos nito ay hahayaan na kita. Sana lang ay mag-bago ang isip mo at ituloy natin ang dati natin na nasimulan pero kung ayaw mo pa rin ay wala naman na akong magagawa.

Ayaw kitang pilitin, hindi ganon ang pagmamahal. Kusa itong nararamdaman, kusa itong ibinigay.

I went back inside to finish fixing my things. Nakita ko na nakaupo siya kama at napansin ko na may unan sa pagitan nito. Dumiresto nalang ako sa pag-aayos ng aking gamit at tumungo sa banyo upang maligo at magpahinga tutal wala naman kaming plano ngayong araw bukod sa mag-di-didinner kami sa harap dagat mamayang gabi.

Nang mahiga ako sa kama ay tumalikod ako gawi niya at binasa ang dala kong libro bago ako antukin. Hinayaan ko ang sarili ko na matulog kahit pa tanghali para maiwasan na rin ang aming pagtatalo.

Nagising ako nang wala siya sa tabi ko kaya luminga ako sa gawi ng pool at nakitang nandoon siya, lumalangoy. Binuksan ko lang ang telebisyon para aliwin ang sarili hanggang sa mag alas-sais y media.

Tumayo ako sa aking kama nang mabasa ang mensahe ni Dylan na tumungo na raw kami sa restaurant upang doon mamili ng aming kakainin.

"Hinahanap na nila tayo." Sabi ko rito matapos kong lumabas at puntahan siya.

The Light Before Dawn (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon