We are now in our last class for the day and up until now, Benjamin and I never even had a proper conversation since yesterday evening. Today is our first month, and my birthday. Kagabi ay inaaya ko siya na sa condo matulog para sana masalubong namin ito ng sabay kaya lang ay umayaw. Kinausap n'ya ako ng isang beses kaya lang nang hindi ng hindi ko ito sagutin ay hindi na rin ako pinansin maghapon. Kaya simula ngayon ay hindi kami nagbabatian ng kahit ano.
"Uwi na ako, Sam, Dylan." Pagpapaalam niya sa dalawa sa mabilis na umalis. Hindi ko siya hinabol, hinayaan ko lang siya at sumabay sa dalawa.
"Mag-kaaway ba kayo, bro?" Tanong ni Dylan.
"Dunno, bro." Maigsing sagot ko naman dito.
Pagkatapos no'n ay iba nalang ang pinag-usapan namin. Madalang akong makisali sa usap nang dalawa dahil naiisip ko kung itutuloy ko pa ba 'yung gagawin ko. I am planning to go in an out of town trip with him this weekend sa Baguio. I already settled things. I already booked a hotel where we both love the view of nature and the city. I want it to be a surprise, aayain ko lang siya nang biglaan kaya lang kung hindi naman niya ako kakausapin ay masasayang ito.
Nang nasa parking lot na kami ay tinanguan ko nalang 'yung dalawa at nagsalita.
"By the way, next week labas tayo, libre ko."
"Dapat lang!" Natatawang sabi ni Sam. "Nasabihan mo na 'yung tatlo?"
"Hindi pa, mamaya siguro dahil hindi naman tayo nagkita. Hindi pa nga ako nababati ng mga 'yon."Nang mayari ang aming usap ay mabilisan ako na sumakay sa kotse. Nakarating na ako sa condo. Pagpasok ko ay nakita ko si Benjamin sa sala, nanonood ng kung ano sa telebisyon. Hindi ko siya pinansin at gano'n din siya. Tumungo nalang ako sa kwarto at nagbihis, iniisip kung paglulutuan ko ba siya ng meryenda o hindi.
Syempre ay nilutuan ko.
Hindi man lang ako tinitignan nito habang papalapit sa kaniya, nakakasama ng loob. Hindi ko alam kung dahil sa hindi ko pagpansin sa kaniya o dahil hindi ko pa siya binabati.Nang makaupo ako at naibaba ang dala ko para sa kaniya ay bigla siyang tumayo. Hinila ko siya, ngayon ay nakakandong na siya sa akin.
"Bitawan mo nga ako, sasapakin kita e." Nagpupumiglas siya hanggang sa nakahiga na kami ngayon sa sofa habang nakapatong siya sa akin.
"Why are you mad at me?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala! Bitawan mo na ako, uuwi ako."
Hindi ko ito ginagawa hanggang sa napagod siya kakapiglas, hindi kita pakakawalan, Benjamin.
Ngayon ay nakatagilid na kami sa sofa, hindi na siya nagpupumiglas dahil baka pagod na. Niluwagan ko na ang yakap ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako nang wala na siya sa tabi ko. Agad naman akong tumayo para hanapin, buti nalang ay bigla itong lumabas sa aming kwarto, nakapantalon na ito at puting polo."Asikaso ka, may pupuntahan tayo."
"Bakit hindi mo ako ginising? Naligo ka na pala."
"That's what you get for not talking to me." Saka tumabi sa akin para magsapatos.
"O, bakit ikaw na ang nagtatampo, hindi ba dapat ako dahil hindi ka pumayag na salubungin itong araw na 'to kasama ako?"
"I am preparing for a surprise. Paano ko magagawa 'yun kung magdamag tayong maglalandian?" Saka ito tumawa at pinuntahan ako. "Sorry."
Natuwa naman ako sa sinabi niya dahil ngayon ko lang ito mararanasan. "Ligo ka ulit para bati na tayo."
Tumanggi naman ito noong una pero pumayag din nang sa harap niya ako maghubad.
We are now heading to a place I don't have any idea where.
BINABASA MO ANG
The Light Before Dawn (BxB)
General FictionIllumination Series #1 (Completed) A college student, Caius Benjamin Sy, got everything in his life since then. His life seems perfect, at least for others. He has the money, the looks, a good set of friends, and a girlfriend, who later dumped him...