Chapter 1

288 17 4
                                    


DOCTOR sa umaga, secret agent sa gabi. Minsan baliktad. Pwede ring both. Minsan sorbetero. Tapos magiging Drummer din ng banda sometimes.

Ah, basta!

Mapa-Doctor, Operator, Sorbetero o Drummer pa ‘yan. Ako pa rin ‘to. Gwapo.

Gwapong Colton.

“DOC!”

Lumingon ako nang tawagin ako ni Nurse Bea. Ako lang naman ang Doctor na nandito.

“Anything I can help you with, Nurse?” pormal na tanong ko.

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko habang ang kabilang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng coat.

Oh, break time.

“Aayain mo ba ako mag lunch, Bea?” biro ko sakaniya.

Agad na pinamulahan ng pisngi ang chinita at mukhang k-pop idol na nurse dahil sa biro ko. She’s Bea. Nurse Bea tawag ko sakaniya. Pero kapag break time naman Bea lang. We’re friends.

Isa lang siya sa mga nakakabiruan kong nurse rito.

“Hindi ‘no! Pero naghihintay na 'yung iba sa baba. Sabay-sabay na raw tayo kumain” she smiled, dahilan upang lumabas ang dimples niya.

I crossed my arms. “Okay, tara” wika ko at naglakad na kami nang sabay papunta sa elevator.

Nakasalubong namin ang iilang mga Doctor at nurse papunta sa elevator.

“Good afternoon, Doc” Bati nila sa akin.

“Good afternoon” bati ko pabalik, nakangiti nang malawak.

“Blooming ka, Doc, kahit puyat” puna ni Doktora na ikina-tawa ko.

“Sus, lies. Kayo nga po d’yan ang parang bumabata. You look young, Doktora. For real.” biro ko pabalik dito kahit pa alam naman ng lahat na nasa early fifties na ito.

“Bolero!” anito at lahat kaming nakasakay sa elevator ay natawa.

Wala namang problema sa mga kasamahan ko ang pagiging pala-biro ko. Sanay na sila. Mas naninibago nga sila kapag hindi ako nagbibiro o nakikipag kulitan sakanila.

“May plans ka ba after duty, Doc?” nahihiyang tanong sa akin nang isang nurse habang kumakain kami.

Napataas ang tingin nang lahat sakaniya. Kasama na ako, sila Doktora at ang iba pang mga nurse na nakarinig.

“Meron eh…sorry,” kamot ulong tugon ko.

Napanguso naman ang nurse at tumango bago tumuloy sa pag-kain. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagtapik nang kung sino sa balikat ko.

“Gwapo mo naman. Labyu, Doc!” anito na nagpa-irap sa akin.

“Shut up, Daze” saway ko sakaniya.

“Tabi tayo, usod” aniya at walang-hiyang tinulak ako para makaupo siya sa tabi ko.

“Hello!” energetic na bati niya sa mga kasama namin sa table.

Bumati naman sakaniya ang mga ito. Tapos tumingin sila na para bang nagtatanong kung sino itong lalaki na biglang tumabi sa akin.

“Uhh, He’s Daze. Doctor Daze Emmanuel, tiga-kabilang hospital siya. Hindi ko alam kung paano ‘yan napunta rito, papansin.” pakilala ko sakaniya sabay ngiwi.

“Grabe naman. Hindi mo manlang ako pinakilala bilang friend mo” nguso niya.

“Naku po, Doc! Hindi na po kailangan. Halata naman na magkaibigan po kayo, pareho po kayong makulit” saad ng isa na sinang-ayunan naman ng iba.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon