PROLOGUE

513 25 4
                                    

MISUNDERSTOOD. That’s what I am. People think of me as playboy, immature and a happy go lucky guy who loves messing with my own body and life.

They judge me since I have this ‘annoying’ physical appearance of a typical jerk. They love judging me, without knowing that all of these; my piercings, hairstyle, the way I smirk at them and this whole façade has a lot of meanings and story behind it. It’s more than just what they call "rebellion".

Charot.

Nakamot ko ang ulo habang palisaw-lisaw ang paningin. Hirap pala mag-english nang tuloy-tuloy. Sumakit ang ulo ko, ‘langya.

Aminado naman ako, medyo maharot talaga ako…noon. Inuulit ko, noon. Dati pa ‘yon, kulang pa ako sa pansin, that time.

Ever since…yes naman, ever since.

Basta! Mula nang mapa-bilang ako sa organisasyong kinabibilangan ko ngayon. Maraming bagay na ang nagbago sa akin.

Gaya nalang nito. Nagtitinda ako ng ice cream. Dati hindi mo ako maasahan sa mga ganitong bagay.

Gano’n talaga, pogi, eh. Sa sobrang pogi ko nagawa kong magbago. Oo, tama iyon. Kung wala siguro akong ganito ka-gwapong mukha ay hindi ko malalampasan ang lahat ng mga pagsubok na aking kinakaharap.

“ICE CREAM! MASARAP ANG TINITINDA KONG ICE CREAM, BILI NA!!!” Halos mapatid ang lalamunan ko nang isigaw ang aking itinitinda.

“PERO MAS MASARAP AKO, KAYA BILI NA!!!” Dugtong ko at itinulak ang cart habang tagaktak ang aking pawis dahil sa init ng panahon.

Hindi ko iyon ininda at tumuloy sa pagtitinda. Determinadong maubos ang ice cream sa loob ng cart bago pa ito matunaw dahil sa sobrang hot ko.

Isang Colton Venom ba naman ang nagtutulak sa cart, kahit ako yung ice cream pag nalaman kong si Colton Venom nagtutulak sa akin, matutunaw talaga ako, eh.

Sa kabila nang init ay masipag at matyaga ko pa ring nilibot ang buong amusement park upang ilako ang paninda.

Todo effort. Gano’n talaga, kailangan kumayod. Mayroon kasi akong pamilya na kailangang buhayin. Walang trabaho si Misis. Tutuntong pang high school si Junjun next month. Tapos ang bunso naming si Bogart papasok na rin bilang elementary student naman.

Charot.

Matagal nang single ‘to, uy!

“Hi, Miss…” swabeng bati ko sa babaeng napadaan.

May katangkaran ito at pagka-morena. Mahahaba ang binti na tila sa isang modelo. Napaka ganda nang postura sa pagtayo habang nakapaloob sa bulsa ng jeans na hapit ang parehong mga palad.

Naka sando itong dark green na hapit din sabkaniyang katawan. Naka-tuck in iyon sa kaniyang black fitted jeans. Hindi bastusin ang hitsura niya kahit naka sando lamang dahil hindi naman ganoon kalakihan ang dinadala ng babae.

Sakto lang, cute size pero hindi flat.

Kahit maraming tao ang nakakapansin sakaniya ay hindi siya natitinag. Hindi rin siya naiilang manlang sa atensyon na ibinibigay ng iba sakaniya.

Agaw pansin kasi ang buhok niya na maganda ang bawat curls, parang sa manika ito at alon-alon.

In short, parang pancit canton.

Kulot.

Naku po, basta kulot mahilig umutot. Pinigil ko ang sarili bago pa ako matawa sa sarili kong joke.

Mukhang mainit ang ulo ni ate girl. Ang sama ng mukha, eh. Parang mangangain.

Nang humarap siya sa akin ay halatang iritado pa ito. Nahigit ko ang sariling hininga sabay tinutop ang aking mga labi.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon